#Chapter9

12 0 0
                                    

#Chapter9

Marcella's POV

Tumahimik naman ako nang dumating si Francisco, ngumiti pa ito saakin at tumabi ng upo.

Nang sabihin ni Brian na kasama ni Francisco si Stella, hindi na ako nagsalita ulit, nakikinig nalang ako pero tuloyan na akong natahimik nang dumating siya.

"You okay?" napalingon naman ako kay Francisco ng magsalita siya, tumango naman ako bilang sagot.

"Wait lang kukuha lang ako ng inomin" paalam ni Brian, ayaw ko pa sanang umalis ito pero hindi ito nakatingin saakin bago umalis.

"San ka kanina pagkatapos natin mag surfing?"

"Natulog lang, I'm tired"

"Oh?"

Nag paalam naman ito saakin, tumango nalang ako at sinundan siyang tignan, lumapit ito kay Stella na bagong dating lang, nag tawanan pa silang dalawa.

Nakabalik naman si Brian na may dalang isang alak, tinanggap ko naman ito at tahimik lang kaming dalawa.

"Hindi ka ba lalapit sa kasama mo kanina?"

"Nah, I'll stay with you"

"Okay!" naagaw naman ang atensyon namin lahat nang pumasok ang MC kanina, kinamusta niya naman kami at may sinabi pa itong iba na hindi ko na pinansin.

"Marcella?"

"Huh?" napalingon naman ako sa tumawag saakin

"Gusto mo ba akong samahan sa pagkain?" nagugulohan akong tumingin kay Brian at sa mga kasamahan namin.

Teka anong nangyayari? bakit bigla akong inayang kumain? tapos na ba magsalita ang MC? bakit kung makatingin itong mga kasamahan namin, kilig na kilig ito? Ako lang ba ang hindi nakinig?

"huh? ah sge" ngumiti naman ito saakin at umupo sa kinauupoan niya kanina bago siya lumapit kay Stella.

"Okay! our youngest couple, Brian you're next!" sabi naman ng MC na siyang nag patayo kay Brian at humarap saakin.

"So I thought walang mag aya sa best friend ko, siya sana ang pipiliin ko, pero good thing may pumili sakanya.. that's why I'll choose" pinuntahan niya naman yung naging partner niya sa paglalaro kanina.

Hindi lang nag tapos kay Brian kasi lahat ng boys tinanong kaya napalingon ako kay Francisco, nakatingin ito sa harap at sobrang laki ng mga ngiti.

"Akala ko si Stella?" tanong ko naman dito ng pabulong, naagaw ko naman ang atensyon niya kasi lumingon ito saakin.

"Huh? si Stella? hindi ikaw" ngumiti naman ito saakin, hinubad niya naman ang suot niyang hood na siyang nag pinasuot saakin.

"Mahamog baka siponin ka sa suot mo" pinasuot niya naman ito saakin.

"I'm fine, nasanay na ako sa lamig" iniiwasan ko talaga ang pag papasuot niya saakin ng hood niya.

"Hindi ako tumatanggap ng hindi kaya hayaan mo ng suotin mo to" Wala naman akong magawa kundi ang suotin ito, sobrang laki saakin.

"Stella is my friend since highschool, kahit na sinasabi nilang takot ako sa mga babae, I have also girl friends, kaya lang naman nila nasasabi yun dahil ayoko ng issue, minsan ko lang din naman makikita yung mga babae kong kaibigan especially hindi sa harap ng kamera o sa harap ng maraming tao"

"Okay! last announcement!" naagaw naman ang atensyon ng lahat sa pag sigaw ng MC, napaayos naman ako ng upo.

"Before your dinner this is the last announcement for this day"

"lahat may naka pares na right? you all know na ito ang makakasama mo sa dinner ngayon but let me inform you all that you're with your husband/wife."

Napalingon naman ako sa katabi ko na may gulat, ano ibig sabihin nito si Francisco ang magiging husband ko sa buong programa?

Kalaunan ngumiti naman ang gulat na pagmumukha ni Francisco saakin. Tumayo naman ito at pinagpag niya ang pwetan niya.

"Let's go? let's enjoy the dinner wife" mapaglarong sabi niya, tinanggap ko naman ang kamay niya.

Inalalayan niya ako hanggang sa makarating kami sa bahagi ng resort na medyo madilim pero hindi naman masyadong madilim, may lights din ito.

Umupo naman ako at siya din sa harapan ko.

"Sinabihan nila kami pagkatapos ng surfing ko na mag handa daw kami ng isang dinner date at mag isip na kung sino ang dadalhin ko dito."

"Someone told me he saw you with Stella"

"I'm just asking some help, wala akong alam kung ano gagawin kong dinner late kaya tinanong ko siya" nag kibit balikat na lamang ako sa sinagot niya.

"You like it?"

"Huh? yeah I like it thanks" ngumiti naman ako sakanya.

Nag simula naman akong kumain at tumango pa ako ng matikman ko ang mga nakahandang pagkain.

"Masarap, ikaw ba nag luto?"

"Ha? hindi ako hahaha" pag tanggi niya naman.

"May tanong ako sayo Frans"

"Ano ba yun?"

"Kasi alam mo ba ang rason kung bakit ka sinali dito?"

"Kinda, actually I'm the youngest and I'm not the only one who is still single to our group, hindi ko din alam bakit, maybe to you meet you" Naramdaman ko naman ang init ng pisnge ko pero tumawa nalang ako ng mahina at sumabay naman siya.

"Bakit ikaw alam mo din ba?" Umiling naman ako bilang sagot sakanya.

"Uhm What's our plan tomorrow?"

"Tomorrow?"

"Yes, two days tayo dito"

"Let's do the other activities" excited ko namang sabi sakanya, ngumiti naman ito ng napakatamis at tumango nalang sa naging suggestion ko.

Nag patuloy naman ang pag uusap namin dalawa, tulad na lamang sa mga pinag daanan ng mga kagrupo niya sa pag ibig kung ano ang mga nangyari habang umiibig sila pero kung alam kong hindi ito ang detalyeng nangyari, of course we're infront of the cameras kaya kung ano ang nalaman ng lahat yun lang din ang sinasabi niya saakin.

Ganon naman talaga, limit lang ang mga lumalabas sa bibig ng mga katulad namin, kahit gusto mong sabihin pero hindi pwede dahil lahat ng mga sinasabi at ginagawa mo nagiging repleksyon ito ng tao sayo.

"Okay that's all for today enjoy your meal" biglang anunsyo ng producer, mabilis naman nailigpit ang lahat at umalis din sila agad saaming kinalulugaran.

Narinig ko naman ang pag hinga ng maluwag, napalingon naman ako kay Francisco, ngumiti ito saakin tulad ng kanina nung kaharap niya ang camera.

"You okay? good thing tapos na yung shooting for today"

"Yeah I'm fine"

"Hindi nga talaga madaling mag artista lahat ng galaw mo on cam kaya siguro noon pinili ng mga kuyas ko na itago ang mga relasyon nila"

"Bakit?"

"I'm so tired now, wala pa akong pahinga"

"Thank you and I'm sorry for preparing this" ibig ko naman sabihin ang paghahanda niya para sa dinner date.

"Just massage me wife" medyo nagulat naman ako sa sinabi niya saakin, nilingon ko naman ang paligid wala ng mga staff na andito mga manager nalang namin at sobrang layo pa ng distansya nito saamin.

Tama ba ang narinig ko?

Secret Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon