#Chapter27

10 0 0
                                    

#Chapter27

Francisco's POV

"I have to go" tumango lamang ang mga kuya ko, kahit nag tataka kibit balikat na lamang akong nag bihis.

May Monthly evaluation kami, kaya ngayon nag eensayo kami para don, hindi lang kasi sa trainees ang ganon, kahit sa mga naging idols na.

"Aalis na talaga ako." Paalam ko ulit sakanila pagkalabas ko sa locker room.

Kibit balikat lamang ang sagot nila na siyang pinagtataka ko. Sa tuwing kikitain ko si Marcella may isa sakanilang gustong sumama kaya bago saakin ang pagiging walang pakialam nila.

Iniwan ko na lamang sila at sumakay sa passenger seat, ang manager ko ngayon ang driver ko, ang sabi saakin ng producer hindi naman kami aalis, sa bahay lang daw yung shooting and wala akong kaalam alam sa mangyayari.

About what happen to the blindate, it was fun, natalo namin sila Carson, kaya sila ni Leyah nag bayad ng inorder namin, pagkatapos non dumating ang mga manager nila Leyah at Marcella para kunin sila, umuwi naman agad kami ni Carson non, bukambibig niya pa si Leyah hanggang sa bahay, masaya pa siyang nagbalita kay Michael.

"Binigyan kaba ng cue sheet?" tanong ko sa manager ko, umiling naman ito bilang sagot. Hindi kami binibigyan ng script pero binibigyan niya naman kami ng cue sheet para alam namin anong gagawin. Pero nakakapanibago dahil ang sabi lang na sa bahay lang kami ni Marcella, ano naman gagawin namin don?

"Weird" yun nalang ang nasabi ko at tumahimik na hanggang sa makarating kami sa bahay namin.

Bumaba naman ako at pumasok na sa bahay pero bumungad saakin ang mabangong pagkain.

"Uh?" mabilis akong nagpunta sa kusina, namangha naman akong nakita ko si Marcella.

Ngumiti naman akong tinitignan siyang busy sa ginagawa niya. Akala ko ba hindi ito marunong magluto? pero bakit ang bango ng niluluto niya?

Wala sa sariling kinuha yung phone ko at kinuhanan siya ng litrato, buong atensyon niya nasa pagluluto lang, hindi niya ako napansin kaya tahimik ko lang itong tinitigan.

It feels like Marcella is meant to be in the kitchen, in our kitchen. I gonna flex this in my whole life, a model, a cf queen and the IT Girl nation is cooking for me. Alam kong marami akong kaagaw kay Marcella but duh! ako yung asawa niya why would I get jealous? this girl deserve to be flex.

"Andiyan ka na pala" napabalik naman ako sa sarili ko nang mag salita ito, sinulyapan niya ako at nginitian bago binalik ang atensyon sa niluluto niya.

Lumapit naman ako dito at hinalikan siya sa noo niya. Para lang kaming ordinaryong mag asawa, yung kauuwi lang ng asawa galing sa trabaho tapos yung bubungad ay yung asawang nagluluto para sayo. What a nice view.

"Anong niluluto ng asawa ko? uhm?" tumawa naman ito ng mahina, niyakap ko naman ito sa bewang niya at hinalikan siya ulit sa ulo niya.

"Umalis ka nga diyan" napanguso naman ako nang tanggalin niya ang braso ko at hindi ako pinansin.

"Di mo na ako papansinin?" parang bata kong sabi.

"Wag ka munang manggulo" seryoso niyang sabi, napangiti naman ako don, masyado itong seryoso sa pagluluto at ayaw magpadisturbo, lumapit na lamang ako sa dinning table at umupo don at tinitignan lahat ng galaw ni Marcella.

"You're cute wife" hindi padin ako pinansin kaya napabuga na lamang ako ng hangin at tinikom ang bibig ko.

Ano ba yan! mas okay na saakin na hindi siya magluluto kaysa yung ganito.

"Hoy tumulong ka! nakatingin ka lang diyan!" napatayo naman ako ng tuwid nang marinig ko ang sigaw ni Van, paglingon ko sa sala nakita ko silang lahat.

Secret Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon