#Chapter16

11 0 0
                                    

#Chapter16

Marcella's POV

Napahiga naman sa sahig ang mga Belles Hommes sa pagod habang kami nakaupo lang.

Umusog naman si Francisco at ginawang unan ang binti ko, ngumiti naman ito saakin.

"Alam mo ba kahit na sanay akong mag perform sa harap ng maraming tao, kinakabahan ako ngayon, ikaw ba ready ka na ba mamaya?"

Dumating na ang araw na mag koconcert na kami, at dahil surprise ang gagawin naming performance kasama ang Belles Hommes hindi namin ginagamit ang speaker ng concert hall kahit yung duo performance namin ni Francisco pero handa naman kasi ang lahat.

"I need to be ready kahit na kinakabahan ako"

"I'm here" tumawa naman ako ng mahina sa sinabi niya.

"Belles Hommes! let's go!" kanya kanya namang bangon ang mga lalaki.

"Pano ba yan? see you tonight? may schedule kaming shooting ngayon eh don't worry hindi kami malalate" Francisco

"Yeah see you later, stay safe" ngumiti naman ako.

Tumayo na din kami at nag kanya kanya naman silang pag paalam saaming lahat.

"Let's rehearse your fansong now" anunsyo naman ng director, kanya kanya naman kaming kuha sa mga mic namin.

--

"Andyan na daw yung pagkain" excited naman na anunsyo ni Bea nang makapasok siya sa dressing room kung saan kami nag papahinga ngayon.

"Oh tapos? as if naman na makakain tayo ng marami niyan" tamad na sabi ni Elijah.

Limited yung kain namin basta may concert at comeback na mangyayari.

Tumayo naman kami at dumiretso sa waiting room, nakita namin ang sandamakmak na mga pagkain, kanya kanya na din kain ang mga staffs, kahit ang idol marriage crew andon din.

Dumiretso naman ako sa prutas at kumuha ako ng kung anong gusto ko, pagkatapos agad naman akong umupo sa bakanteng mesa, sumunod naman ang mga kagrupo ko na may limitadong pagkain.

"Isasali ba ng Idol Marriage yung fanmeeting concert natin?" Cristene

"Kaya sila andito para kay Marcella at Francisco kaya wag ka ng umasa" Bea

"siguro meron pero hindi buong concert" Leyah

"Pagkatapos niyong kumain aayusan na kayo kaya wag masyadong kumain ng marami baka hindi na kakasya yung mga damit niyo" paalala ng manager ni Elijah saamin.

Natigilan naman silang kumain lahat at umalis na sila Bea at Elijah ng hindi tinatapos yung pagkain nila.

"Problema sa mabilis lumaki" umiling namang tumayo Cristene at sumunod kay Bea at Elijah.

"Penge ako ah, sana lahat katulad mo prutas lang okay na " ngumiti naman si Leyah saakin at kumuha naman ng watermelon agad umalis, umiling na lamang ako at tinapos yung pagkain ko at sumunod sakanila.

Pagkadating ko sa dressing room, inayusan na sila Bea, Elijah at Cristene, si Leyah naman ay kalalabas lang ng cr, agad naman itong nilapitan ng stylist niya at inayusan.

Umupo naman ako sa bakanteng upuan sa harap ng salamin, nilapitan naman ako stylist ko at nag simula na akong ayusan.

Ilang oras din kaming nag handa hanggang sa makarinig kami ng ingay sa labas at sinisigaw ang pangalan ng grupo namin.

"Ayun, pinapasok na ang mga fans natin" Cristene

"Kinakabahan ako" mahinang sabi ko sa sarili ko pero alam kong narinig ito ni Leyah dahil siya ang katabi ko.

Secret Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon