#Chapter28

8 0 0
                                    

#Chapter28

Francisco's POV

Tinignan ko naman isa isa yung mga gamit bago ko tuloyang sinara.

Lumabas naman si Marcella na balot na balot.

"Ready ka na?" tumango naman ito.

"Here! incase we got bored" ngumiti naman ito saaking binigay ang guitar, kinuha ko ito at nilagay sa backseat.

Kahapon binigay saamin yung cuesheet at nakita kong mag outing kami. Babalik kami sa Palawan kung saan kami unang nagkita. Yung literal na una kaming nag kita, sa resort.

Madaming habilin ang mga kuya ko saakin, binigyan pa ako ng condom ni Van pero tinapon ko lang ito sakanya, ano bang akala niya? tapos tinawagan din ako ni Bea at Elijah kagabi, sinabihan sila ni Marcy na aalis kami, marami din itong habilin, ang habilin ni Bea saakin, padalhan ko siya ng pasalubong sa pagbalik namin.

Umiiyak pa si Aedyx kagabi saakin dahil first time daw na hindi kami magkakasama sa pag celebrate ng birthday ko. I have my fanmeeting sana sa birthday ko pero pinilit ko ang agency namin na si Marcella yung gusto kong makasama sa araw na yun, pwede naman akong mag held ng fanmeeting pagkatapos ng shooting for sure makakahintay ang mga fans ko.

Sa ngayon gusto ko munang makasama si Marcella para naman maiba. I don't know kung alam ni Marcy na mag bibirthday ako kasama siya, wala naman itong sinasabi saakin.

Inayos pa ang mga camera sa loob ng kotse ko habang si Marcella naman ay inaayosan ng stylist niya at pinapaypayan ng manager niya, ganon din akin inaayosan ako at binigyan ng maiinom ng manager ko.

"Wag kang masyadong tumitig, alam naming maganda pero wag pahalatang inlove" napalingon naman ako sa manager kong bumubulong sa tabi ko, siniko ko naman ito at nilibot ang paningin.

"Tss ang ingay mo"

"By the way, nakasunod lang kami ng manager ni Marcella sainyo, kung may kailangan kayo, tawagan mo agad ako, condom gusto mo?"

"Kuya Lloyd!" sigaw ko dito, tumawa naman ito kahit ang stylist ko nakitawa na din, nahihiyang nilingon ko si Marcella, hindi ito nakatingin saakin, may binabasa ata ito ngayon, sabi niya saakin kagabi na nag rereview daw ito ng script dahil may nag offer sakanya ng isang drama, tinanong ko kung available pa yung character na kapares niya pero tinawanan niya lang ako at sinabihan na wala akong oras para sa drama dahil nga may naghihintay din saaking mga schedule.

My wife is working so hard right now, madami siyang pending na commercial tapos ngayon may bago siyang drama, sana naman nakakapag pahinga siya.

Last week nangyari yung surprise visit ng mga grupo namin dito sa bahay at ngayon nalang ulit kami nag schedule ng shooting kaya ngayon nalang din kami nag kita ni Marcella, puro usap sa telepono ginagawa namin. Nag uusap kami tuwing gabi, kwento tungkol sa nangyari saamin buong araw. Di naman kasi kami ordinaryong tao na may free time, yung tipong may isang araw kang boring. Kami kasi marami kaming mga nakatambak na schedule, yung akin may naka schedule na next year sa sobrang dami kaya umabot ng next year.

"Hoy sabing tama na, dito ka muna tumingin saakin!" hinawakan ng manager ko ang baba ko at pinilit na humarap sakanya, napangiwi na lamang ako dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa.

"Ano ba."

"Ayaw mo talaga ng condom? sabi ni Van kailangan mo daw"

"Ano ba naman yan, naniwala ka naman, ayoko niyan"

"Ah virgin" tumawa naman silang dalawa ng stylist ko.

"Ate wag mo kong pagtawanan" ngumuso naman ako, umiling na lamang ito habang nakangiti.

"Bunso kasi Lloyd kaya hayaan mo na" napakamot naman ako sa ulo ko nang sabihin yun ng stylist ko, araw ba nila ngayon?

"Baka ayaw ng condom kasi gustong..."

"Shh! ang babastos ng bibig niyo!" putol ko sa manager ko, tumawa lamang sila.

"We'll start our shooting again after 5 minutes!" anunsyo naman saamin ng producer, nag shooting kami kanina sa pag lalagay ng gamit sa kotse pagkatapos kong ilagay yung guitar nag take a break ang lahat para ma set na yung camera sa kotse ko.

"Francy" mabilis akong lumingon kay Marcy ng tawagin niya ako, siya lang tumatawag saakin ng ganon kaya kilala ko na.

"Bakit?"

"Ang bilis" narinig ko pang bulong ng manager ko, hindi ko na lamang ito pinansin at matamis na ngumiti kay Marcella.

"I bought this kahapon, I remember you and isa pa we're couple" napangiti naman akong tinanggap ang shades na bigay niya at mabilis na sinuot, sinuot niya din yung sakanya.

Napangiti naman akong nakitang pareha nga kami pero iba lang ang kulay, yung akin black tapos yung sakanya isa dark red pero bagay naman sakanya.

"Kunan ko kayo ng picture dali!" tinulak naman ako nang mahina ng manager ko kaya tumayo ako sa tabi ni Marcella, para namang magulang itong manager ko, yumakap sa braso ko si Marcy kaya nag peace sign ako at ngumiti.

"Selfie naman!" sigaw ulit ng manager ko at nilahad saamin yung phone ko.

"Kuya ang ingay mo" hindi niya ako pinansin, si Marcy ang kumuha ng phone at nag kuha nga kaming dalawa ng litrato.

Nakangiti naman kaming tinitignan ang mga litrato bago ko binigay sa manager ko ang phone ko.

"By the way are you okay?" tanong ko dito, tumaas naman ang dalawa niyang kilay, nakita ko ito dahil tumakas ito sa pagtakip ng suot niyang sunglasses.

"Yeah I'm fine, malapit na akong matapos sa pag rereview"

"Should I cook you pancit canton? parang namayat ka sa paningin ko"

"Huh? I'm on diet ngayon dahil kailangan. For sure kakain ako mamaya sa shooting. But really I miss your pancit canton" tumawa naman ito ng mahina. Napangiti naman ako dahil don.

"Lulutoan kita mamaya"

"Talaga?" excited niyang sabi, tumango na lamang ako, kahit na natatakpan ng sunglasses ang mata niya halata sa boses niya ang pagka excite.

"I will miss your pancit canton pagnatapos ang show natin"

"Huh? matatapos na ba? I don't think so, I heard tayo ang mas mataas na ratings kaya for sure tatagal ang show.  Pero kahit naman matapos pwede naman kitang lutoan diba?"

"Sure? lulutoan mo padin ako pagkatapos ng show?"

"Uhm ofcourse, you're my forever wife" mahina kong sabi pero paniguradong narinig niya yun.

"And Francisco is my forever husband." sabi niya, hindi ko naman mapigilan na ngumiti ng malaki dahil sa kilig, kahit kailan talaga, kahit maliit na bagay na ginagawa ni Marcy para saakin, kinikilig padin ako, normal pa ba to?

"I miss you by the way"

Secret Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon