#Chapter25

10 0 0
                                    

#Chapter25

Francisco's POV

Iniwan naman naming nakakalat ang mga gamit namin sa sala at nilibot namin ang  buong bahay.

"May 2nd floor" turo naman ni Marcella sa hagdan, sumunod naman ako sakanya, marami naman akong nakitang pintoan pero isang kwarto lang ang pwede naming buksan yung ibang kwarto may harang ang mga pintoan.

Binuksan naman ni Marcella yung walang harang.

"Oh! bedroom?" nakasilip lamang ito, dahil matangkad ako kay Marcella, hindi naman ako nahirapang ipasok ang ulo ko sa loob ng kwarto tulad ng ginawa ni Marcella, dalawa na kami ngayon ang nakasilip sa loob.

"Teka!" tinulak ko ang pinto para mabuksan ng tuloyan at naunang pumasok.

"Ito na yung kwarto natin?" kung anong theme ang nasa sala ganon din dito sa kwarto namin.

Tumawa naman si Marcella na nakasunod saakin at tinuro ang higaan.

"Pano tayo kakasya diyan? pang isahang tao lang" tanong niya.

"Should we stay close together to fit in?" mapaglaro ko naman siyang nginitian pero siniko niya lang ako at iniwas ang tingin.

Pinulupot ko naman ang braso ko sa bewang niya at dahil hindi pa ito masyadong sanay napasinghap ulit ito, tumawa na lamang ako ng mahina, pinatong ko naman ang baba ko sa balikat ko, maling paglingon lang ni Marcella masyado ng malapit ang mukha namin.

"Asawa naman kita kaya okay lang na masyado tayong malapit sa isa't isa."

"Ano ba tumigil ka nga" tumawa naman ako ng mahina.

"I'm hungry Marcy" parang bata kong sumbong sakanya.

"Marami akong pagkain let's go" siya mismo nag tanggal sa pagkayakap ko sa bewang niya pero hinawakan niya ako sa kamay at hinila palabas ng kwarto.

"We should avoid that room, it's not good for you" irap niyang sabi pero tinawanan ko lamang ito.

"What's wrong with our bedroom? hindi naman mali yung bed size I love it" inirapan niya ulit ako sa sinabi ko kaya nakasunod lang akong tumatawa.

"Ano ang lulutoin mo?" silip ko sakanya sa kusina, busy ito sa cellphone niya.

"Uhmm" kagat labi niyang sabi pero nakatingin padin ito sa cellphone niya.

"Bakit?" nilapitan ko na ito, napangiti naman ako nang makita ko kung ano ang pinagkakaabalahan niya sa cellphone niya.

"Alam mo may pangarap ako, na mangangamoy masarap na pagkain ang buong kusina at gigisingin mo ko para kumain sa niluto mo" nakita ko namang natigilan ito at napatingin saakin.

"You know, I'm busy person palaging ready to eat yung kinakain ko, minsan prutas lang at kape. I don't know how to cook" tumawa naman ako nang mahina sa sinabi niya.

"Di bale, marunong naman akong mag luto ng pancit canton."

Kahit ako hindi ako marunong magluto, andiyan ang mga kuya ko handang magluto saakin ng pagkain o andiyan ang manager ko handang bilhin ang gusto kong kainin.

"Pancit canton tayo araw araw?" inosente niyang sabi saakin kaya napatawa naman ako sakanya.

"Why so cute wife? paturo na akong magluto sa mga kuya ko para hindi pancit canton kainin natin araw araw."

"How about beef loaf? I have! may dala ako. Nakikita ko sa mga commercial, piniprito lang yun."

"Okay let's eat that." hinalikan ko ito sa noo niya bago ko pinuntahan ang mga gamit naming nakakalat sa sala. Nilapitan ko ang gamit niya at hinanap ang beef loaf na sinasabi niya.

Napangiti naman ako nang makita kong madami siyang dalang pagkain. Kumuha naman ako ng dalawang beef loaf at bumalik sakanya.

"It's easy to open"

"Bakit marunong kabang gumamit ng can opener?"

"Wife it's easy, let me show you then"

"No, it's okay, easy to open na oh" tumawa naman itong pinakita saakin pano buksan ang dalawang de lata.

"Pano mo yan ilalabas na hindi nasisira?"

"Do we really need to do that? kahit naman anong porma nakakain padin diba?" lumaki naman ang mga mata ko ng eh scoop niya sa kutsara ang loaf sa loob ng de lata. Sinusundan ko lang ng tingin ang mga kamay niya hanggang sa nakipag titigan na ako sa ginawa niya sa loaf.

"Makakain padin yan right" I comfort myself while Marcella is busy laughing.

After she scooping everything, nagpapainit na ito ng mantika.

"Wife, gusto mo kumain ng mansanas?" tanong ko dito habang hawak ang dala kong mansanas.

"Balatan mo yung akin"

"Oh! we're the same, hindi kumakain ng balat" excited naman akong tumabi sakanya at kinuha ang maliit na kutsilyo, hinugasan ko pa ito bago sinimulan balatan.

"Wow" mahina niyang sabi sinulyapan ko ito sandali, napangiti naman akong nakita ang pagkamangha sa mga mata niya habang tinitignan akong nag babalat.

Pinaghihiwa ko pa ito pagkatapos kong balatan at nilagay sa tabi niya, nag simula na itong mag prito ng beef loaf.

"Pano mo malalaman na luto na yan wife?"

"I don't know baka mag iba yung kulay mamaya like ng kulay na nasa lata." kinuha ko naman yung lata sa tabi.

"It's red wife"

"Mag hintay tayo mag kulay red siya."

"Just eat this first" sinubuan ko naman siya ng mansanas, napangiti naman ito sa naging aksyon ko.

"May dalawa na tayong ulam Francy"

"Lutoan kita pancit canton gusto mo?" tumango naman ito.

"May dala din akong pancit canton, kunin mo dali!" napailing na lamang ako habang nakangiti, kinuha ko naman ang dalang pancit canton ni Marcella.

Nag lagay naman ng tubig sa lutoan ng soup. Tinabi ko ito sa pinaglutoan ni Marcella, nakasunod lang ang tingin ni Marcy saakin.

Binuksan ko naman yung pancit canton at nilagay yung noodles sa lutoan.

"Wait!" natigilan naman ako sa ginagawa ko nang sumigaw ito kaya inosente ko itong tinignan.

"Ganyan ba magluto ng pancit canton?" pabalik balik ang tingin niya saakin at sa ginagawa ko.

"Ganito ako magluto ng pancit canton." ngumuso naman ito at kinuha ang pack ng pancit canton. Tinignan niya ang likod nito kaya sumilip din ako para tignan ang andon.

"Ganyan pala lutoin?" napakamot naman ako sa ulo ko at nahihiyang ngumiti kay Marcella pero tinawanan niya lang ako.

"Kaya pala lata lage kong niluluto, akala ko normal lang"

"Kunin mo dali." binigyan niya naman ako ng clip at plato kaya sinunod ko ang sinabi niya, kinuha ko ang canton at nag hintay na uminit yung tubig, sinunod ko ang instructions na nasa pack.

Matapos kaming magluto, hinanda naman namin yung mesa, umupo naman kaming magkaharap at tinignan kong mabuti yung niluto naming dalawa, napangiti na lamang ako.

Kumuha naman ako ng mineral bottle, binuksan ito at binigay sakanya.

Nagsimula namang kaming kumain.

"Masarap?" tanong ko sakanya nang tikman niya ang niluto kong canton. I don't know kung masarap ang pagkaluto ko kasi minsan pag nag luluto ako ng canton minsan hindi masarap.

"Yeah I like it." ngumiti ito at patuloy na kumakain.

Secret Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon