Chapter 6

8.7K 194 3
                                    

Kasalukuyang abala si Michelle sa kanyang trabaho sa loob ng kanyang private office ng kanyang Art Gallery nang istorbohin sya ng katok sa pintuan. Wala namang ibang mang-iistorbo sa kanya kundi ang kanyang secretary lang na si Karen. 

"Ma'am, may bisita po kayo." Bungad na sabi nito sa kanya mula sa pintuan.

Napakunut-noo sya. Wala naman syang inaasahang bisita na darating ngayong araw dahil wala si Daniel. Nagpaalam ito sa kanya nung isang araw na mawawala ng dalawa hanggang tatlong araw dahil may aasikasuhin daw itong importanteng bagay sa probinsya nito. Pero bigla syang napangiti ng maalalang baka si Ellah ang kanyang bisita. Nakauwe na siguro ito mula sa Italy.

"Si Ellah ba?" Tanong nya sa kanyang sekretarya.

"Hindi po ma'am, eh." Nakangiwi naman nitong sagot sa kanya habang umiiling.

Muli syang napakunut-noo dahil sa pagtataka. "Eh, sino?" Tanong nya naman.

"Ako, Michelle." Biglang singit na sagot ng isang pamilyar na boses lalaki mula sa likuran ni Karen.

She stilled. Hindi nya inaasahan ang kanyang bisita ng umagang iyon. Si Bryan. Dumating na pala ito mula sa US.

She gulped tapos ay binalingan si Karen. "Sige na, Karen. You may leave us now." Utos nya dito.

Tumango ang kanyang Secretary tapos ay iniwan na sila nito.

binalingan nya si Bryan. "What air brings you here?" Baling na tanong nya dito. Tapos ay muli nyang itinuon ang kanyang atensyon sa kanyang binabasa.

Bryan blow a breath then smiled at her. "Hindi mo man lang ba ako kakamustahin?" Tanong din nito sa kanya.

Kunut-noong napabaling sya ng tingin dito. Hindi sya nagsalita. Anong tingin nito sa sarili nito? Importanteng tao para kamustahin? Ang kapal naman ng mukha ng lalaking 'to para kamustahin nya matapos ng ginawa nitong pagtataksil sa kanya?!

"I dont have a time para makipagbolahan sayo. Dont you see? Im busy." Sabi nya tapos ay muling itinuon ang pansin sa mga files na binabasa.

"I came here to visit you." Sagot nito sa tanong nya na ikinakunut-noo nya. Bakit naman sya binibisita nito? Para ipamukha sa kanya ang kataksilan nito? "Kamusta ka na, Michelle?" Kapag kwan ay tanong nito.

She blows a laud breath then looked at him straight on his eyes. "I'm okey." Sagot nya. Tapos ay ibinaling na uli sa mga papel na nire-review nya ang kanyang tingin.

Lihim nyang pinakiramdaman ang kanyang sarili. Normal naman ang kanyang pakiramdam. Wala syang nararamdamang excitement, Galit, o pagkamuhi para sa lalaki. Kahit lungkot o pag-aalala ay wala syang maramdaman. Ibig sabihin ba nito ay talagang naka-moved on na sya kay Bryan?

Ang ipinagtataka nya lang ay kung bakit narito ito sa harap nya? Kung bakit nagpapakita ito ngayon sa kanya? Magpapaliwanag ba ito ng side nito kung bakit nito nagawa ang pagtataksil sa kanya? Hihingi ba ito ng tawad sa kanya? Sasabihin ba nitong masaya na ito sa piling ni Cindy? Well, obvious namang masaya na ito sa piling ni Cindy dahil nagkaroon nga ng dalawang anak ang mga ito, eh di ba?!

"Why you're here?" Naisip nyang tanong dito habang nakatuon sa mga papeles na nasa ibabaw ng kanyang lamesa.

"I want to see you." Sagot nito sa kanya.

kunut-noo syang napabaling ng tingin dito. Nagpapatawa ba ito? "At bakit mo naman ako gustong makita?" Pasarkastiko ang tonong tanong nya dito.

"Because I miss you." Sagot naman nito.

Sarkastiko syang ngumiti. "After what you did, sasabihin mo gusto mo akong makita dahil you miss me? Nagpapatawa ka ba?" Tanong nya dito. Sarkastiko ang tono ng kanyang pananalita. Ewan nya lang kung nagi-gets nito iyon.

Billionaire Man's Affection Series 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon