One month later.... Sa loob ng isang buwang lumipas ay araw-araw ng magkasama sina Michelle at Daniel. At tuwing weekend, halos sa bahay na ni Michelle namamalagi si Daniel. Minsan pa nga ay nag-i sleepover pa ito sa bahay ng dalaga.
Dumating ang araw ng Exhibit na sinalihan ni Michelle.
"Bakit naman ganun? Kung saan need ko ng companion for this moment, di ka naman makakasama." Tila nagtatampong sabi ni Michelle sa kaibigang si Ellah. Kasalukuyan sila nitong magkasama sa kanyang silid. Naghahanda sila ng kanyang mga dadalhin sa Las Vegas kung saan gaganapin ang Exhibit.
"That's why I am here na nga di ba. Kasi hindi kita masasamahan. Sa ganitong paraan na lang ako makakatulong sayo." Sagot nito sa kanya habang nagtutupi ng mga pinamili nyang mga dadamit.
Nakabusangot na iningusan nya ito.
"Next time na lang. Promise ko yan sayo. Di lang talaga pwede ngayon."
"You know what? Pansin ko lang, ha. Since ng maging amo mo yang Marcus Fortalejo na yan, walang araw na hindi ka na naging busy." Pansing saad nya sa kaibigan.
"Ay napansin mo rin yun?" Pigil ang matawang tanong naman ni Ellah sa kanya. "Pansin ko nga din, eh. Tingin ko nga sinasadya ng gago na yun ang bigyan ako ng maraming trabaho, eh."
Mahina syang natawa sa tinuran nito.
"Baka naman nagpapapansin lang talaga sayo si Mr. Fortalejo. Ginagamit nya lang ang pagbibigay sayo ng maraming trabaho para mapansin mo sya."
"Naku, kahit anong gawin nya, hinding-hindi eepekto sa 'kin ang pagpapapansin nya." Sagot naman nito but she stilled na tila ba nag-iisip.
"Wala nga ba?" Panghuhuling tanong nya dito.
Napahinto ito sa ginagawa tapos ay kunut-noong napatingin sa kanya.
She crossed her arms while raising her eyebrows. Nagtatanong ang kanyang mga matang tiningnan nya ito.
"Wala noh. Walang-walang epekto sa 'kin ang pagpapansin nun. Kahit na sya pa ang pinaka-macho at pinaka-gwapong lalaki sa buong mundo, walang epekto sa 'kin yun!"
Hindi sya nagsalita. Nanatili syang nakatitig lang dito.
"Wala nga. At kahit kelan hinding-hindi ako magkaka-interest sa lalaking yun!" Todo deny pa nitong sabi.
Pinigil nya ang matawa sa reaksyon nito.
"Eh di wala. Sabi mo, eh." Kibit-balikat na sabi nya na lang dito.
Ipinagpatuloy nya na lang ang kanilang ginagawa. Nang matapos ang ginagawa nyang pagsisilid sa maliit na traveling bag ng mga dadalhi nyang gamit ay nagtungo sya sa kanyang Art room upang ihanda ang mga paintings na dadalhin nya.
Kasalukuyan syang nag-babalot ng isang painting ng biglang pumasok doon si Ellah dala ang nag-iingay nyang cellphone.
"Prince charming mo." Sabi nito habang inaabot sa kanya ang kanyang cellphone.
Agad nya namang tinanggap iyon dahil alam nya na kung sino ang tinutukoy nitong 'Prince Charming' nya.
"Hi, Hon." Napa-pikit sya ng mariin upang pigilan ang nararamdamang kilig. Kelan ba sya magiging immune ang puso nya sa pagtawag nito ng endearment sa kanya.
"Napatawag ka?" Tanong nya agad dito. Tapos ay ipinagpatuloy uli ang ginagawang pagbabalot ng painting.
"Wala naman, nangangamusta lang."
"Okey naman kami." Sagot nya dito.
"Anyway, I call because I just want to say sorry na hindi kita masasamahan sa lakad mo bukas." Sabi nito. Halata din naman ang lungkot sa boses nito.
BINABASA MO ANG
Billionaire Man's Affection Series 2
RomanceNOTE: SPG| R-18 This story has mature scenes which are not suitable for very young readers. Because of her past, nagawa syang iwan at ipagpalit sa iba ng kanyang nobyo. Ang masakit sa step-daughter pa mismo ng...