Chapter 10

9.7K 196 14
                                    

"Nagugutom ka na ba?" Tanong ni Daniel sa kanya habang nakatuon ang pansin sa pagmamaneho. 

"Medyo." Sagot nya naman. "Ikaw ba?" Balik-tanong nya rin dito. 

Binalingan sya nito ng pansin tapos ay ngumisi. "Oo, eh." 

Napangiti sya sa tinuran nito. "Eh di, kain muna tayo." Sabi nya na lang sa binata. 

"Buti pa nga." Sagot lang nito tapos ay muling itinuon na ang atensyon sa pagmamaneho. 

Hinayaan nya na lang kung saan sya nito dalhin para kumain. Tinumbok nito ang isang pamilyar na lugar at nang huminto ito sa isang parking lot, alam nya na kung saang lugar sila. Nasa tapat sila ng isang mataas at mamahaling restaurant. Ang Haven Cuisine. 

"We're here." Nakangiting sabi nito sa kanya. 

Bahagya syang napakunut-noo. Mukhang madalas ang binata dito. At bukod pa roon ay kilala nito ang may-ari ng Haven at higit sa lahat, kilala rin ito ng lahat ng staff ng nasabing restaurant. Gaano ba talaga kalaki ang kinikita ng binata sa pagiging isang scort boy? At nakaka-afford ito ng mamahaling bagay? Ang kotse nito, halatang mamahalin. Sabagay wala namang kotseng mura, pero ang brand at model pa lang ng kotse nito ay hindi basta-basta milyon lang. Ang mga damit at sapatos nito, halatang original branded at mamahalin din. Ang mga pagkain at regalong dinadala pa nito sa kanya ay branded at mamahalin din. 

"Nagbago na ba ang isip mo? Ayaw mo bang kumain dito?" Pukaw ng tinig na tanong nito sa kanya. 

"H-Hah?" Untag nya dito. Nasa tabi nya na pala ito at nagtataka ang bakas ng mukha habang nakatunghay sa bukas na pintuan sa gilid nya at nakatingin sa kanya.  "Ah, h-hindi. Im sorry. May iniisip lang ako." Paumanhing sabi nya naman dito. 

Inilahad nito ang palad sa kanya. Inabot nya naman iyon at tinulungan syang makababa ng sasakyan. 

"Ano ba iniisip mo? Mind to tell me about it?" Tanong nito sa kanya ng makababa na sya ng sasakyan at isara nito ang pinto. 

"Nothing. About lang sa painting ko." Pag-sisinungaling na sagot nya dito. "Dont worry, i can manage naman." 

"Are you sure?" Naninigurong tanong nito. halata sa boses nito ang pag-aalala. 

"Yeah." Nakangiti nya ng sagot. "So, tara na sa loob? Bigla akong ginutom eh." Pag-iiba nya na ng usapan tapos ay ngumisi. 

Napangiti naman ang binata sa sinabi nyang iyon. 

Inalok pa nito ang sariling braso upang kapitan nya tapos ay magkasabay na silang pumasok sa loob ng Haven Cuisine. 

Sa Italian Cuisine ang pinili nilang kainan. Patungo na sila sa kanilang magiging suit kasabay ang Maitre'D nang isang pamilyar na tinig ang narinig nyang tumawag sa kanya. Nang lumingon sya ay napangiti sya ng mapagsino iyon. Huminto sya sa paglalakad upang hintayin ito dahilan upang mapahinto din ang mga kasama nya. 

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Ellah ng makalapit ito. 

"Hello, okey ka lang? Restoran to di ba? Eh, di syempre kakain." Sagot nya naman sa kaibigan. 

Natawa naman ito sa tinuran nya. Napadako ang tingin nya sa lalaking kasama nito. Pinasadahan nya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Gwapo ito at matangkad. Hindi lang ito basta gwapo, kundi napaka-gwapong mistiso gaya ni Daniel. Matipuno din ang katawan at ang tindig. Magandang magdala ng damit. In short mukha itong mayaman. 

"Nga pala, si Mr. Marcus Fortalejo. Ang acting CEO habang wala pa si boss Felix." Pagpapakilala ni Ellah sa kasama nito sa kanya. 

"Hi, Miss beautiful." Bati naman nito sa kanya kasabay ng paglahad ng palad. Nakipag-shake hands naman sya dito. 

Billionaire Man's Affection Series 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon