Chapter 15

8.7K 255 15
                                    

"D-Daniel?!" Buong akala ni Michelle ay hindi na muna magpapakita sa kanya si Daniel because according to him ay abala ito sa trabaho nito. Pero bakit andito ito ngayon sa kanyang opisina?

"What are you doing here?" Tanong nya agad dito kahit nagtataka.

Sampatiko lang itong ngumiti sa kanya. She gulped when she saw his smile na lalong nagpadagdag sa appeal nito. Isa iyon sa mga na-miss nya sa binata nung mga panahon hindi ito nagparamdam sa kanya.

"I just came para sunduin ka." Sagot nito sa tanong nya.

Napakunut sya. "Bakit ang aga naman yata?"

"Na-miss kase kita kaya i came early."

Napangiti sya. Di nya napigilang lihim na kiligin. Bumalik na naman ang sweet gestures nito sa kanya. Michelle relax ka lang, Wag masyadong kiligin. Baka ma-heartattack ka ng maaga! Lihim na saway nya naman sa kanyang sarili.

"Asuuuss... nambola pa raw sya!" Saad nya na lang dito para maitago ang sayang nararamdaman.

"Anyway, I bought some foods for meryenda." Sabi nito sabay pakita sa kanya nang dala nitong paperbag na may logo ng Haven Cuisine. "Good for three persons na yang binili ko baka kase di pa kayo nagme-meryenda dito." Sabi pa nito sabay abot niyon sa kanya.

"Naku Sir, correct ka dyan sa hula mo. Hindi pa po talaga kami nagme-meryenda." Napabaling sila sa sumingit na si Karen.

Binalingan sya muli ng binata. "Its almost five PM na. Hindi ka pa nagmeryenda kahit bread man lang?" Patanong na sabi nito sa kanya. Halata ang concern sa tinig nito.

"Eh, busy po kase kanina. Ang dami po kasing customers." Si Karen ang sumagot na ikinabaling muli nila ng tingin dito. "At karamihan po sa mga paintings na nabili kanina ay yung mga gawa po ni Ma'am Mitch."

Napangiti si Daniel tapos bumaling uli ng tingin sa kanya. Halata ang paghanga sa mga mata nito.

"Wow, sounds great." Sabi nito sa kanya. "So dapat pala mag-celebrate tayo ngayon?" Patanong na sabi pa nito sa kanya.

"Bakit naman? Para saan?" Kunut-noo nya namang tanong dito.

"Dahil nakabenta kayo ng marami. At karamihan daw puro gawa mo. Kaya dapat mag-celebrate tayo." Sagot naman nito.

Mahina syang natawa. "Yun lang magse-celebrate na agad?" Sabi nya. Pero deep inside kinikilig sya dahil proud ito sa kanya kahit sa maliit na bagay. "I-reserve mo na lang yan sa exhibit na sasalihan ko."

Napanganga ito. "Talaga?!" Hindi makapaniwalang bulalas na tanong nito sa kanya. "Kailan yan?"

"Next month na." Sagot nya naman.

Masuyo sya nitong hinapit sa baywang at kinabig palapit sa katawan nito. Napigil nya naman ang kanyang paghinga ng masamyo ang mabangong amoy nito. "Ngayon pa lang excited na ako." Pakiramdam nyang nag-alsahan ang mga balahibo nya sa batok ng maramdaman ang tila kuryenteng gumapang sa kanyang katawan dahil sa pagkakadikit ng kanilang mga katawan. Pinilit nyang ngumiti saka marahan itong itinulak palayo.

"Relax ka lang. wag ka munang excited." Sabi nya dito upang maitago ang kabang nararamdaman. Bakit ba kase sa tuwing nadidikit ang balat nito sa kanya ay may kakaibang kuryente syang nararamdaman at lumalakas ang pintig ng kanyang puso?

"Why not? Im excited because I'm so proud of you." Sagot nito. "Im sure na mananalo ka sa exhibit."

"Wag kang umasa agad. Dahil, I'm sure maraming mas magagaling pa sa 'kin ang sasali sa exhibit na yun." Binuklat nya ang paperbag at kinuha ang isang disposable box na naglalaman ng pagkain. "Karen, Oh. Mag-meryenda ka na muna habang wala pa tayong customer." Baling nya kay Karen sabay abot dito ng pagkain. Agad naman itong lumapit sa kanya. Kinuha nito iyon at ibinigay nya na rin dito ang isa sa mga drinks. Tapos ay nagpatiuna na syang naglakad papunta sa kanyang private office.

Billionaire Man's Affection Series 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon