Kanina pa pinagmamasdan ni Mitch ang isa sa mga paintings nya. Isa iyong portrait ng Mag-ina. Nagmula pa ang larawan sa bansang India. Mahigit dalawang linggo na ring naka-display ang painting na yun sa Gallery nya pero ngayon nya lang iyon napagtuonan ng pansin. Mas lalo tuloy naging meaningful para sa kanya ang larawang iyon at lalo tuloy syang nagkaroon ng dahilan para maging pursigido na magkaroon sya ng kahit na isang anak.
Bigla nyang naalala si Daniel. Ano na nga ba ang nangyari dito? Bakit hindi na ito nagpapakita sa kanya?
Bumuntung-hininga sya ng malalim tapos ay pinagmasdan ang kanina nya pa hawak na cellphone. Nagdadalawang isip sya kung tatawagan nya ang binata. At sa huli ay natuklasan nya na lamang ang kanyang sarili na naghihintay na sagutin ni Daniel ang tawag nya.
"Michelle??" Lihim syang nagpasalamat ng sagutin ng binata ang tawag nya. Bakas sa tinig nito ang hindi makapaniwala. Sa wakas, dahil sa limang araw na hindi ito nagparamdam sa kanya ay nagkaroon din ito ng panahon ngayon na sagutin ang mga tawag nya.
"Napatawag ka? May problema ba?" Tanong nito sa kanya.
"Wala naman. Nag-aalala lang ako sayo, ilang araw ka na kasing hindi nagpaparamdam." Sagot nya naman dito. "May problema ka ba?" Balik-tanong nya rin sa binata.
"Im sorry. Naging busy lang ako this past few days." Paghingi nito ng paumanhin.
"Daniel, pwede ba tayong magkita?" Agad nya namang tanong dito. May bahid na pakiusap ang tono nyang iyon.
"Pasensya ka na, Mitch. Marami akong rush na trabaho ngayon, eh." Tanggi agad nito.
"May mga bago ka bang kliyente ngayon?"
"H-Ha? Ah, o-oo." Nauutal na sagot naman agad nito sa kanya. "Im sorry talaga."
"Its okey. Maybe some other time na lang." Nakakaunawa nyang sabi na lang dito kahit ramdam nyang nasaktan sya sa pagtanggi nito. "May importante lang naman akong sasabihin sayo."
"Tungkol ba saan ang pag-uusapan natin? Tungkol ba sa trabaho ko sayo?" Tanong nito.
Agad syang nakaramdam ng kaba sa tanong nito. "Hmmm..." Tila nagdadalawang isip sya sa kanyang isasagot. "O-Oo sana." Nautal nyang sagot sa binata.
Hindi nagsalita ang binata mula sa kabilang linya.
"Kung okey lang naman sayo."
Hindi parin umiimik ang binata. Marahil nga ay busy ito ngayon. Nakaistorbo pa yata sya.
"Hindi kita pipilitin kung talagang busy ka pa. Take your time. Basta kung hindi ka na busy, Sunduin mo na lang ako sa Gallery sa dati pa ring oras."
Nang hindi parin umiimik ang binata ay nagpaalam na sya. Malungkot na ini-off nya ang kanyang cellphone. Hindi na sya umasang darating pa si Daniel mamaya para sunduin sya dahil mukhang abala nga ito sa trabaho nito. Hindi nya na muna ito iistorbohin sa ngayon, meron pa namang bukas, o sa susunod pang mga araw para magkausap silang dalawa.
Past nine na ng gabi ng maisipan ni Michelle na magsara na ng Gallery. Pinauna nya ng umuwi si Karen dahil hinihintay nya si Daniel. Pero mukhang hindi na yata talaga darating ang binata para sunduin sya. Dahil kung interesado ito dapat kanina pang alas syete ito dumating.
Pero agad syang napangiti ng makita si Daniel sa labas ng Gallery na kampanteng nakatayo at naksandal sa sarili nitong kotse. Nilapitan nya ito at nginitian.
"Nagpunta ka."
Mataman naman sya nitong tinitigan na tila ba nag-iisip ng sasabihin.
"Baka kase importante nga yung pag-uusapan natin kaya isiningit ko na sa trabaho ko."
BINABASA MO ANG
Billionaire Man's Affection Series 2
RomantikNOTE: SPG| R-18 This story has mature scenes which are not suitable for very young readers. Because of her past, nagawa syang iwan at ipagpalit sa iba ng kanyang nobyo. Ang masakit sa step-daughter pa mismo ng...