EPILOGUE

14.2K 442 63
                                    

"DEVONNNNN" Malakas na sigaw ni Michelle dahil sa sobrang pananakit ng tiyan. Sapo ang balakang at malaking tiyan habang nahihirapan. "Devon, ano ba?! Nasa'n ka?!" Malakas na sigaw nya habang pinipilit na makababa ng kama.

Humahangos namang pumasok ng kwarto nila si Devon.

"Hon, what happened?" Natataranta at nag-aalala namang tanong ng kanyang asawa ng makalapit na ito sa kanya.

"Ang sakit ng tiyan ko. Manganganak na yata ako!" Sabay sabunot sa buhok nito.

Hindi malaman ni Devon kung ano ang gagawin o kung ano ang uunahin Natataranta ito sa tuwing sisigaw sya na masakit ang kanyang tiyan. Nariyang sasabayan sya sa pag-iri. Nariyan namang kakausapin ang baby nila sa sinapupunan nya.

"Ano bang ginagawa mo?! Dalhin mo na 'ko sa hospital!" Angil na utos nya dito.

Medyo nahimasmasan naman ito kaya dali-dali sya nitong binuhat mula sa kama at nagmamadaling lumabas na ng silid.

Nang maisakay sya nito sa kotse at maiayos ang kanyang sit belt. "Yung mga gamit namin ni baby. Wag mo'ng kalilimutang dalhin." Kahit nahihirapan ay nagawa nya pang paalala dito.

Nagmamadali naman itong bumalik sa loob ng bahay upang kunin ang mga gamit na kailangan nila sa hospital. Mga ilang segundo lang ay bumalik na ito sa kotse na dala ang bag na naglalaman ng mga gamit nila ng magiging anak nila. Pagkasakay sa kotse ay basta na lang nito inihagis sa likod ng sasakyan ang bag. Matapos nitong makapag-seat belt ay pinaharurot na nito ang sasakyan palabas ng Neighbor's Village papunta sa Alonzo Hospital.

Kahit nasa loob na ng Delivery Room si Michelle at inaasikaso na ni Dra. Al Saif at ng iba pang mga staff. Ay hindi pa rin  mapalagay si Devon. Mahigit anim na minuto na syang palakad-lakad sa harap ng malapad na pinto ng Delivery Room.

"Relax ka lang, Dude. We all knew naman na magagaling ang mga doktor dito sa Alonzo kaya siguradong nasa mabuting kalagayan si Michelle at ang magiging anak nyo." Pagpapalakas-loob na sabi ni Marcus sa kanya. Mukhang naiirita na nga ito. Para kase syang sinisilihan sa pwet na di mapakali.

Hanggang sa nagdatingan na rin ang iba pa nilang mga kaibigan, maliban kay Drake na kasalukuyang nasa Tuscany, Italy para sa negosyo. Kasama ng mga bagong dating ang bagong kasal na si Glen.

"Kamusta?" Tanong ni Glen sa kanya sabay tapik sa kanyang balikat.

Napu-frustate na bumuntung-hininga sya bago ito sinagot. "Nag-aalala ako sa mag-ina ko. kanina pa sila sa loob ng Delivery Room, eh."

"Relax. Im sure hindi naman sila pababayaan ni Doctora." Sagot nito sa kanya.

Magsasalita pa sana sya ng biglang bumukas ang pinto ng DR at lumabas doon si Dra. Al Saif. Agad nya itong sinalubong.

"Doc, kamusta po ang mag-ina ko?" Tanong nya dito.

"They'll okey now, Mr. Murphy. Congrats its a healthy baby boy." Sagot naman ng Doktora sa kanya tapos nakangiting nakipag-kamay sa kanya. Natutuwa nya namang inabot ang palad nito.

"Congrats, Dude!!" Magkakasabay na bati naman ng kanyang mga kaibigan.

"Kailangan ng mailipat ng kwarto si Michelle para makapag-pahinga ito ng maayos. At yung baby kailangan na namin yung mga gamit nya." Habilin ng Doktora sa kanya.

Agad namang iniabot ni Marcus sa Doktora ang bag na naglalaman ng mga gamit ng kanyang mag-ina. Nang mapasakamay iyon ng Doktora ay iniwan na sila nito.

Tinapik ni Glen ang kanyang balikat. "Since, asawa ko naman ang may-ari nitong Hospital. Sagot ko na ang lahat ng bills nyo, Pare." Sabi nito sa kanya.

"Thanks, Dude." Nakangiting pasalamat nya dito.

"How if ako naman ang ma-hospital? Libre din ang hospital bills ko dito?" Hirit na tanong naman ni Sky kay Glen.

"Manigas ka!" Sagot lang ni Glen dito na ikinatawa naman nila.

"Outch, Dude, you hurting me. I thought were bestfriends?!" Kunway nasasaktang saad naman nito kay Glen.

Hindi na lang nila pinansin ni Glen ang kalokohan ni Sky.

"Let's go. Asikasuhin na natin ang bills nyo at magiging kwarto ng asawa mo at inaanak ko." Yakag na ni Glen sa kanya.

Nakangiting napailing-iling na lamang sya. Alam nya namang hindi lang si Glen ang hihirit na maging ninong ng kanyang anak kundi lahat ng mga kabarkada nya! Natatawang iniwan na nila ang mga ito sa labas ng Delivery Room.




FIVE YEARS LATER...

Napahinto si Michelle sa bukana ng pinto patungong hardin. Napangiti sya habang pinagmamasdan ang anak na tahimik na nagpipinta sa canvass nito. Kung pagmamasdan ito ng tingin, Micheal Daniel has a big similarities from his father pero ang talento naman nito ay sa kanya namana. Yes, isinunod nya ang pangalan ng kanilang anak kay Daniel. Dahil may sentimental value sa kanya ang pangalang iyon. Sa pangalang iyon nakilala nya ang pinakamamahal nyang asawa. Kaya ipinangalan nya sa kanilang anak ang Daniel.

"Nagmana talaga sayo yang anak natin." Napabaling sya ng tingin sa pinagmulan ng baritonong boses. "Walang pakialam sa paligid nya basta nasa harap na ng canvass nya." Sabi pa nito.

Napangiti sya ng makita ang asawa. Lumapit ito sa kanya tapos ay ginawaran sya ng halik sa labi. Sabay nilang ibinaling ang kanilang tingin sa kanilang anak.

"I think, I had a better idea."

"And what is it?" Tanong nya naman.

"I think, its time na siguro para sundan na natin si Daniel." Sagot naman nito.

Wow! Better idea pala yun?! Kahit kelan talaga ang asawa nya wala ng ibang nasa isip kundi kalokohan. Napailing na lang sya. Pero kahit gaano pa ito kaloko never nyang pinag-sisihan na pinakasalan nya ito. He granted his promises na hindi sya nito sasaktan at paiiyakin. Na mamahalin sya nito till death do us part. At dahil mahal na mahal nya ito, ay gayon din naman sya dito. Dahil wala naman ng ibang mahalaga sa kanya kundi ang kanyang mag-ama lang!

Hinarap nya ito at ginagap ng palad ang mukha nito. Wala pa rin itong pagbabago. Gwapo at matikas pa rin ang pangangatawan nito. Hinalikan nya ito sa labi. "Gutom lang yan." Sabi nya pagkatapos. "Puntahan mo na ang anak mo, ikukuha ko lang kayo ng makakin." Utos nya na dito.

Pinigil nya ang matawa ng bumagsak ang balikat nito because she failed him again.

"Go na." Utos nya na.

"Please..." Nagmamakaawang pilit pa nito. Nag-puppy eyes pa ito at talagang pinalungkot ang mukha.

"Mamayang gabi." Pagpayag nya na lang.

Biglang naging masaya ang ekspresyon ng mukha nito. Iniwan nya na ito. "Promise?" Pahabol pa nitong tanong. Talagang naniniguro pa.

"Promise." Malakas na sagot nya na lang. At nang lingunin nya ito ay nakangisi na ito. Kinindatan pa sya nito bago ito lumapit sa kinaroroonan ng kanilang anak.

Nangingiting napailing-iling na lang sya. Aminin man nya't sa hindi sa loob ng limang taon nilang pagsasama ni Devon hindi nagbago ang init na nararamdaman nya sa tuwing tinutudyo o inaakit sya nito. Ito parin ang Devon na malakas ang dating ng sex appeal sa kanya.

Humakbang na sya papuntang kusina upang ipaghanda ng makakain ang dalawang taong kabuoan ng kanyang buhay at pangarap.
Ang kanyang mag-ama!


= Wakas =

**************************************
Dear ka-Wattpaders,
Thanks poh ng marami
sa mga nagbasa at nag-votes ng BM Series 2.

Next na poh ang
Billionaire Man's Affection Series 3
Glen Johnson.

Billionaire Man's Affection Series 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon