"Bye, beshy!" Kumakaway na paalam nya sa kaibigang si Ellah.
Ellah responded a handwave at her before maneuver her wheels. Nang makaalis na ito ay sakto namang isasara nya na ang gate ng pumarada naman ang isang black sedan. Kilala nya ang owner ng sasakyang iyon. Walang iba kundi si Daniel. Napangiti sya ng makita ang gwapong mukha ng binata ng bumaba ito mula sa loob ng sasakyan.
Nilapitan sya nito at ginawaran ng halik sa pisngi.
"Ang aga mo naman?" Punang tanong nya dito.
"Para mas makasama pa kita ng matagal." Nakangiting sagot naman nito sa kanya sabay kindat pa. Ewan nya kung biro lang ba o hindi. magkaganun pa man ay aminado syang natuwa sya sa simpleng patutsada nito.
"Ewan ko sayo, ang aga-aga trip mo agad mag-biro." Sagot nya na lang dito na ikinatawa lang naman nito.
Tinulungan sya nitong magsara ng gate.
"Sayang. Hindi mo naabutan si Ellah. Halos magkasunod lang kayo eh. Kaaalis nya lang nang dumating ka." Sabi nya dito habang sabay silang naglalakad patungo sa pinto ng bahay nya.
"Who's Ellah?" Kunut-noo naman nitong tanong sa kanya.
"Si Ellah. Yung bestfriend ko. Sya nga yung nag-recommend sayo sa 'kin, eh." Sagot nya naman dito.
Tila naman napaisip ito. Marahil ay nakalimutan na nito ang bagay na yun. Sabagay, sa dami ng client nito malamang ay nakalimutan na nito si Ellah. Hindi nya na lang pinansin iyon.
"Hindi bale, one of this days ipapakilala uli kita kay Ellah." Sabi nya na lang dito.
"Ok. Sounds good." Tumatango-tango naman nitong sagot sa kanya habang nakakunut-noo parin.
"Anyways, kumain ka na ba?" Tanong nya uli sa binata.
"That's one of the reason kung bakit maaga kitang pinuntahan. Makikikain ako, wala kase akong makain sa bahay, eh." Nakangiti nang sagot nito sa kanya.
Naiiling na napangiti sya dahil sa sinabi nito. Sabay na silang pumasok sa loob ng bahay nya.
Kasalukuyang nasa loob ng kanyang opisina si Devon, kausap sa kabilang linya ang kaibigang si Xian Lee.
Xian Lee is the owner of Iron Eagle Recruitment Agency. Nagha-Hired ang kumpanya ng mga taong dalubhasa sa larangan ng guarding, firing, and martail arts. Specialy graduated in PolSci and Military. Kaya kilala ang IERA kung Security problems ang pag-uusapan. Kaya lahat ng mga client ng kumpanyang ito ay mga sikat at kilala tulad ng mga Politiko, Artista at mga mayayamang negosyante tulad ng mga praning nyang kaibigan. And aside from that, may sideline pa si Lee para kumita ng extra. Yun ay ang pagiging detective nito. Sa bawat taong pinapahanap dito ay malaking halaga ang kapalit na hindi ka naman na lugi dahil mabilis itong magtrabaho at complete information pa!
Kaya nga suki nilang magkakaibigan ang mokong na 'to, eh!
"Don't worry bud, he is in a good situation. Sinunod at binigay ko lahat ng utos at gusto mo para sa kanya, kaya wala syang reklamo."
"Thanks bud, maasahan ka talaga."
"Your welcome." Sagot naman nito. "By the way, kamusta na nga pala si Glen? Isang linggo na rin syang di nagpaparamdam sa atin, ah." Giit nitong tanong.
"Wag mong problemahin yun. Damulag na yun. kaya nyang pangalagaan ang sarili nya. Remember, demonyo kaya yun!" Sagot nya naman dito na alam nyang ikinangisi naman nito.
BINABASA MO ANG
Billionaire Man's Affection Series 2
RomanceNOTE: SPG| R-18 This story has mature scenes which are not suitable for very young readers. Because of her past, nagawa syang iwan at ipagpalit sa iba ng kanyang nobyo. Ang masakit sa step-daughter pa mismo ng...