Hindi maipinta ang mukha ni Michelle habang abala sa kanyang pagpipinta sa kanyang Artroom sa loob lang ng kanyang bahay. Paano ba naman kase ay panay ang ring ng kanyang cellphone at si Bryan ang caller. Kung sino pa yung hindi nya kailangan ay yun pa ang nangungulit, tapos ang lalaking kahapon nya pa hinihintay ay hindi pa nagpapakita kahit tumawag manlang. Nakakainis di ba?!
Araw ng linggo kaya nasa bahay lang sya. Usually kapag araw ng linggo ay lagi syang nasa galaan. Upang maglibang. Upang iwasan ang mga taong walang ibang alam na gawin kundi ang libakin sya ng harapan.
At muli. Muli na namang nagring ang kanyang cellphone. Inis na napabuntung-hininga sya at padaskol na tumayo mula sa kinauupuan. Nilapitan nya ang mesa kung saan nakapatong ang kanyang nag-iingay na cellphone. Pabagsak na ibinaba nya sa lamesa ang hawak na paint brush at ink plate. Tapos ay dinampot ang cellphone at sinagot iyon na hindi na nag-abala pang tingnan ang screen. Bakit pa, eh si Bryan lang naman ang kanina pa nangungulit sa kanya!
"Bakit ba ang kulit-kulit mo? Ilang beses ko bang sabihin sa iyo na tigilan mo na ako?" Bungad sa sabi nya sa kabilang linya. Walang sumagot kaya sinamantala nya na ang paninermon dito. "Kung wala kang magawa sa buhay mo, manahimik ka!"
"Are you done?" Awtomatikong napakunut ang kanyang noo ng marinig ang pamilyar na tinig mula sa kabilang linya.
"D-Daniel?" Naniniguro nya paring tanong.
Narinig nya ang mahina nitong pagtawa. "Sino ba 'yang nang-iistorbo sayo kaya inis na inis ka?" Tanong nito sa kanya.
Agad naman syang nakadama ng hiya. Dahil sa katangahan nya ay dito nya tuloy naibunton ang inis nya kay Bryan. Lihim nyang pinagalitan ang kanyang sarili 'Di muna kase chini-check ang screen bago sagutin eh! Shunga-shunga ka talaga, Michelle!'
"Hey hon, are you still there?" Natigilan sya ng muli nyang marinig ang endearment na tawag nito sa kanya. She gulped and placed her palm in her chest. Rinig na rinig at ramdam na ramdam nya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Kagat-labing napapikit sya. Kinikilig na naman sya.
"Michelle, are you still there?" Muling tanong nito sa kanya.
Awtomatiko naman syang nahimasmasan. "Ah, y-yah! I-Im still here." Nauutal nya namang sagot dito. She blew a silent breath. "Napatawag ka nga pala?" Tanong nya na lang.
"Ah, yah. I call because I just want you to know na nakabalik na ako ng manila."
Bigla ang salakay ng tuwa sa kanyang dibdib. "Really?!" Bulalas nyang tanong. Halata yata yung tono nya. But yes. Obviously halata talaga!
"Yap. Kaya, open your door kase kanina pa ako dito sa labas."
"H-Ha?" Kunut-noo nyang gagad sabay lingon sa bintana ng kanyang artroom. Nagmamadali syang lumabas ng silid at tinungo ang pintuan sa sala upang pagbuksan ng pinto ang binata.
"Surprise!" Bungad na bulalas nito sa kanya na nakangiti. Nakalapat parin sa tenga nito ang isang kamay na may hawak na cellphone habang ang isang braso nito ay may yakap na malaking pink teddy bear.
Napangiti sya tapos ay ini-off ang cp. "Bakit di ka man lang nag-doorbell?" Kunut-noo nyang tanong dito.
"Gusto kase kitang surpresahin papasok ako ng hindi mo nahahalata. Kaso naka-locked sa loob yung pinto." He explained.
Nakangiting napailing na lamang sya.
"Kelan ka dumating?" Tanong nya.
"Kaninang four in the morning pa. May inasikaso lang ako about sa work pagdating ko kaya now lang ako nagpakita sayo." He explained again. Lihim syang nakadama ng tuwa. Hindi naman sya naghihintay ng paliwanag nito kung bakit ngayon lang ito nagpakita sa kanya pero kusa itong nagpaliwanag.
BINABASA MO ANG
Billionaire Man's Affection Series 2
RomanceNOTE: SPG| R-18 This story has mature scenes which are not suitable for very young readers. Because of her past, nagawa syang iwan at ipagpalit sa iba ng kanyang nobyo. Ang masakit sa step-daughter pa mismo ng...