Chapter 18

8.3K 204 6
                                    

Kasalukuyang nasa kanyang opisina si Michelle at tahimik na pinagmamasdan ang ini-encode na files ng mga paintings sa kanyang computer. Napabuntung-hininga sya dahil naramdaman nya ang pagrereklamo ng kanyang tiyan. Binalingan nya ng sulyap ang wall clock sa kanyang opisina. Its already past ten in the morning pa lang pero nagugutom na agad sya samantalang katatapos nya pa lang mag-breakfast kanina.

She blows a sigh then napailing-iling.

Tumayo sya upang magtungo sana sa labas ngunit bigla syang nakaramdam ng pagkahilo. Naitukod nya ang kanyang isang palad sa kanyang mesa upang balansehin ang kanyang sarili habang sapo ng isa nyang palad ang kanyang noo. Mariin nyang ipinikit ang kanyang mga mata. Nang magmulat sya ay nakaramdam na sya ng konting kaginhawaan.

Umayos na sya ng tayo tapos ay nagtungo na sa pinto ng kanyang opisina. Nakita nya si Karen na abalang nagpupunas ng frame ng isang painting. Tinawag nya ito na agad naman nitong ikinalingon sa kanya.

"Paki-timpla naman ako ng coffee with cream saka pagawa na rin ng sandwich." Utos nya dito.

Agad naman nitong iniwan ang ginagawa at sinunod ang kanyang iniutos.

Bumalik na sya sa kanyang upuan at muling ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa. After a minutes ay pumasok na si Karen sa office nya dala ang tray na may tasa ng mainit na coffee with cream and eggsandwich.

"Here's your order ma'am." Pabirong saad ni Karen sa kanya.

Nakangiting binalingan nya ito. "Thanks." Pero bigla syang nakaramdam ng paghihilab ng tiyan ng maamoy nya ang amoy ng mga pagkain. Dali-daling nagtakip sya ng ilong at nagtatatakbo patungong comfort room. Diretso sya agad sa inidoro at doon nagdudu-duwal.

She stilled. Pinakiramdaman nya ang tibok ng kanyang puso. mabilis ang pintig niyon. Naalala nya nitong mga huling araw ay madalas na syang mahilo at antukin. Nagigiging maselan narin ang kanyang ilong pagdating sa mga pagkain. At naalala nya na isang buwan na pala syang hindi dinadatnan. Humakbang sya patungo sa lababo ng cr at pinagmasdang maigi ang kanyang sarili sa salamin. Malungkot syang ngumiti. Nagdadalang-tao na kaya sya? Kung nasa sinapupunan nya na ang kanyang magiging anak kay Daniel, paano na sya? Malapit na bang matapos ang pagpapanggap nila? Ito na rin ba ang katapusan ng tungkol sa kanilang dalawa?

Bumuntung-hininga sya ng malalim. She want to make sure kung buntis na nga ba sya? Lumabas sya ng cr. Pumasok sa kanyang opisina at kinuha nya ang kanyang shoulderbag. Paglabas nya ng kanyang opisina ay kinausap nya si Karen.

"Ikaw na muna ang bahala dito. May pupuntahan lang ako. Babalik din ako agad."

"Okey po." Sagot naman nito. "Ingat po, Ma'am." Palala pa nito.

Nakangiting tinanguan nya lang ito tapos ay lumabas na ng Gallery. Gamit ang sariling sasakyan na tinungo nya ang Alonzo Hospital upang kumunsulta sa isang OB Gyne.

"Congratulation, Mommy. Your five weeks pregnant." Bati ni Dra. Faith Al Saif sa kanya habang inu-ultrasound sya nito.

She stilled. Hindi nya akalain ang kanyang matutuklasan. Magkahalong lungkot at saya ang kanyang nararamdaman sa pagkakataong ito. She heard it loud and clear. She is five weeks pregnant.

Nakipag-shake hands sa kanya ang doktora.

"Congrats po sa inyo ni Mister, Mommy." Bati uli nito sa kanya ng matapos na sya nitong suriin. "Reresitahan ko po kayo ng mga gamot and vitamins na para sa inyo ni baby. Sundin nyo lang po yung prescriptions kung kailan nyo po iinumin." Sabi nito nang makaupo na sa swivel chair nito.

Naupo naman sya sa isa sa silyang nasa harap ng office table nito.

"Advice ko rin po na kumain kayo ng vegetables and fruits. Need rin po ng regular basic exercises and iwas stress na rin po." Paalala pa nito sa kanya habang nagsusulat sa puting papel. "Makakasama po sa inyo ni baby ang ma-stress. Okey po ba, Mommy?" Patanong na saad pa nito sabay abot sa kanya ng riseta at ultrasound result nya.

Billionaire Man's Affection Series 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon