Chapter 19

9.1K 245 21
                                    

Abala sa tinatapos na trabaho si Michelle ng tumunog ang kanyang cellphone. Si Daniel ang kanyang caller. Napasulyap ang kanyang tingin sa wall clock ng kanyang opisina. Its past six in the evening na pala. Ni hindi nya man lang namalayan ang oras dahil sa dami ng tinatapos na trabaho at dami ng costumer nila sa Gallery ng isang buong araw.

"D-Daniel, napatawag ka?" Nagtataka nyang tanong sa binata na nasa kabilang linya.

"Busy ka pa rin ba?" Tanong din nito sa kanya.

"Hindi na masyado." Sagot nya naman. "Tamang-tama napatawag ka. Can we talk later?"

"Sure. Actually yun din ang reason kung bakit ako napatawag."

Napakunut-noo sya. Bakit gusto din syang makausap ni Daniel? May importante din ba itong sasabihin sa kanya? At tungkol naman saan ang sasabihin nito sa kanya? "I'll fetch you up at exact seven, okey." Sabi nito sa kanya.

"Okey." Sagot nya lang sa binata.

"Bye, Hon. See you later." Iyon lang at tinapos na nito ang tawag.

She got a right timing para sabihin na sa binata ang disisyon nya. Bahala na si Batman mamaya. Sisikapin nya na lang maging matatag at matapang habang ipinagtatapat dito ang lahat ng plano at disisyon nya. Dahil kung ipagpapaliban nya pa ito baka mas lalo lang mahulog ang loob nya at mas mahirapan pa syang pakawalan ito.

Nagtaka sya kung bakit ibang daan ang tinatahak nila. Hindi iyon ang daan patungo sa Neighbor's Village at mas lalong hindi rin patungo sa subdivision nila. Mukhang papunta yata sila sa isang seaport or pier.

"We're here." Nakangiting sabi nito tapos ay nag-alis na ng sitbelt.

She unbuckled her sitbelt too. Nang bumaba ang binata ay pinagbuksan sya nito ng pinto.  Puno ng pagtatakang tumingin sya sa paligid. Gabi na pero maliwanag at matao pa rin ang lugar na iyon. Naglakad na sila papunta sa kung saan man sya nito dadalhin. Sa lahat yata ng port na alam nya, ito lang ang may mga commercial stores, eateries, at convenient stores sa paligid. May bilihan din ng mga pasalubong at souvenirs. Ang waiting area para sa mga waiting passengers ay maliwanag, malinis at marami pang tao. May sariling space ang parking lot at malawak iyon. May mga pushcart ding nakalaan para sa mga pasaherong may maraming bagahe. Para itong mini-airport ang kaibahan lang ay mga barko ang transportation dito. Lihim syang napangiti. Napakahusay naman ng may-ari ng port na ito dahil maganda ito at malinis.

"Nagagandahan ka ba sa nakikita mo?" Narinig nyang tanong ni Daniel sa kanya na ikinabaling ng atensyon nya dito.

Tumango naman sya bilang sagot.

"Kaibigan ko ang may-ari nito." Sabi nito sa kanya.

"Sya mismo ang may-ari?" Hindi makapaniwalang tanong nya.

"Yes. He own this port and a shipping company na may mga barkong bumibyahe sa bawat sulok ng pilipinas." Sagot nito. "And bawat destination ng mga barko sa iba't ibang panig ng pilipinas ay ganito din ang mga pier na pag-aari nya."

"Wow!" Mahina ngunit puno ng pagkamanghang bulalas nya. "Ang yaman nya naman. Siguro, He's one of the Billionaire Bachelor sa Business industry." Saad na panghuhula nya.

"Tama ka." Sagot naman nito. "Pero magkasing-yaman lang naman kami." Dagdag pa nito na hindi nya masyadong narinig dahil abala ang atensyon nya sa bawat tanawing nadadaanan nila. "Ano kamo?"

"Nothing." Sagot naman nito. "This way." Akay nito sa kanya patungo sa parte ng lugar kung saan nakahilera ang mga naggagandahan yate.

"Sya rin may-ari ng mga yatch na 'to?" Tanong nya.

Billionaire Man's Affection Series 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon