Chapter 1

5.8K 72 4
                                    

Chapter 1: Reunion
_______________

"Congratulations!", Masayang bati ng headmaster ng university namin habang inaabot ang diploma ko.

Dahil sa wakas, nakagraduate na ako ng college!

Dahan-dahan akong bumaba ng stage ng may malaking ngiti saaking mga labi, habang sinasalubong ang mama ko na nag aabang na saakin ng may mga masasasayang luha sa mga mata.

Nagmagdali ako sa pagbaba ng hagdan upang yumakap sa nanay kong nag hihintay na.

Bago ko pa makausap si mama, naramdaman ko na ang paghila saakin ng bestfriend ko since elementary na si Karielyn.

"Caaaassssss! Congratulations! Sa wakas graduate na rin tayo!" Patili niyang sinabi sabay yakap sakin ng sobrang higpit.

"Oo nga, finally!" Sagot ko habang sinusubukang luwangan ang kapit niya saakin.

Ang tagal naming nagstay ng ganon habang hinihintay ko siyang bumitaw sa kapit niya saakin pero mukhang wala siyang balak na bitiwan ako.

"Karie, bitiwan mo na ko. " Sinabi ko ng pabiro.

Hindi niya parin ako binitawan pagkatapos ng ilang segundo, kaya ginawa ako ang pinaka epektibong bagay na naisip ko.

One...

Two...

Three...

"Araaaayyyyy!"

Agad akong itinulak ni Karielyn papalayo sabay tingin saakin ng masama.

"Tita oh! Si Cassy nangangagat!" Sumbong ni Karielyn kay mama na tumawa nalang saaming childish behavior, dahil nasanay na siya sa asta naming parang mga bata.

"Tara na, malelate na tayo!" Sigaw ni Karielyn sabay hakag sakin palabas ng eskwelahan, kung saan nag sisiksikan ang mga tao para makadaan sa pinto.

"Excuse me po!" Sabi ni Karie sa lahat ng makakasalubong namin na nakaharang sa dadaanan.

"Teka lang, si mama nandoon pa!" Sabi ko, sabay lingon sa likuran para makita kung si mama ba ay nakakasunod pa.

Nagpalabas ako ng buntong hininga nung makita na nasa likuran lang pala namin siya.

Noong makalabas na kami ng school, agad kong tinanong si Karie kung saan ba kami pupunta para maging ganyan ka hyper siya.

"Duh, graduation day? So malamang magpaparty tayo?" Sagot niya habang tinuturo ang daan papunta sa kotche niya.

"Karie, pwede bang bukas nalang? Magcecelebrate sana kami ngayon ni mama eh." Sabi ko habang sumasakay sa Montero Sport niya.

"Bukas na. Nagpaalam na rin naman ako kay tita eh." Sambit ni Karielyn habang inikot ng paulit ulit ang manubela para umatras ang sasakyan.

"Nagpaalam kana? Kailan?" Tumingin ako kay mama para makumpirma kung pumayag naba siya at sumagot naman siya sakin ng tango.

"Karielyn, kung may pupuntahan kayo, hatid niyo nalang muna ako sa bahay para makapag pahinga." Sabi ni mama bago lumagok sa tubig na dala dala niya.

Dinaan nga muna namin si mama sa bahay bago kami dumiretso sa bahay nila Karie.

Pagdating namin doon, agad kong nakita yung bunso nila Karie na si Caleb.

Focus na focus siya sa video games na nilalaro niya kaya hindi niya na namalayan na dumating na pala kami ng ate niya.

Dahil sa tunog ng pagsarado ni Karie ng pinto, napatingin si Caleb mula sa pinaglalaruan niya.

The Run Away WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon