Chapter 3

1.7K 64 2
                                    

Chapter 3: Symptoms
________________

It has been a week and half since ang reunion night namin.

At hindi sinayang nang mga kaibigan ko ang mga oras ni Katy dito, dahil halos araw araw kaming gumagala.

At kada araw na magkakasama kami, mas lalong lumalala ang ka-awkwardan ni Katy at ni Jordan.

"Hello." Sabi ni Karie mula sa cellphone.

"Hello, Kar tuloy ba tayo mamaya?" Tanong ko sakanya habang namimili nang isusuot ko, kung sakali na tuloy nga ang aming lakad.

"Tuloy, pero gusto daw ng mga boys ng 'Boys Time' eh. Meaning, di tayo kasali. Okay lang, tayo nalang girls ang magkita-kita." Sabi niya habang naririnig ko ang sigawan sa kabilang banda.

"Anong meron diyan? Bat ang ingay?" Tanong ko habang hinahanger ang napili kong damit.

"Wala yun, si Caleb lang, nakikipag away nanaman sa video games." Sagot niya.

Natawa ako sakanya at nagpaalam bago binaba ang cellphone.

For the past few days na naglalakwatsa kami, ni minsan, hindi sumipot si Damon.

Hindi niya sinasabi ang rason niya kung bakit di siya sumasama, pero deep down inside me, nanghihinayang ako.

Ewan ko ba, parabang may kulang sakin paghindi siya pumupunta.

Siguro dahil lang ito sa disappointment na kulang kami.

"Cassy, bumaba ka na muna dito para sa tanghalian!" Sigaw ni mama, mula sa kusina.

"Ayan na po ma!" Sagot ko habang binabalik ang iba kong damit sa cabinet bago bumaba.

Pagdating ko sa kusina, agad akong sumandok nang kanin mula sa rice cooker at kumuha ng ulam sa pinggan ko.

"Ay wow, parang ang dami naman ata nang sinandok mo ngayon nak ah. Nagpapataba ka ba?" Pabirong sinabi ni mama sabay turo sa pinggan kong umaapaw na sa pagkain.

Oo nga no.

Pero gutom talaga ako eh.

"Ay oo nga po, gutom lang po siguro." Sabi ko at umupo na sa upuan malapit sa lamesa at inumpisahan nang kumain.

Oh gosh para akong nagutuman! Dirediretso akong sumubo.

"Casserein! Magdahan dahan ka!"

O-oh... Buong pangalan... Sermon to...

Bago pa mag umpisang magda-daldal si mama tungkol sa table manners, ununahan ko na siya.

"Sorry po mama, hindi ko po namamalayan na napapabayaan ko na ang respeto sa harapan nang lamesa." Sinabi ko, habang bibigyan niya naman ako ng proud smile.

"Good."

______________

"Karielyn! Kumalma ka nga! Ang hyper mo! Nahihilo na ako!" Sermon ko kay Karielyn na kanina pa kami hinahakag ng mga kaibigan kong babae sa iba-ibang stores, habang walang tigil naman sa kadaldalan si Katy.

Buti nalang talaga ay relax lang si Barbie. Kung hindi, puputok na ang utak ko.

"Girls magpahinga nga muna tayo. Pagod na ako." Reklamo ko sabay turo sa food court nang mall, kung saan maraming upuan.

Pumayag naman sila at sinundan ako sa pagpapahinga.

Habang nakaupo kami, may tinuro si Katy na nakapag patulo ng laway ko.

"Cassy! Tignan mo yun girl oh! Your favorite!" Turo niya sa bagong open na station na punong-puno ng sea foods.

Nanlaki ang mga mata ko sa mga nakikita ko.

The Run Away WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon