CHAPTER 3

19 7 0
                                    

Together

MAURA's POV

"No" tila nabalot ng mabigat na kadena ang aking dibdib. Bawat paghakbang na ginagawa ko sa walang katapusan at malawak na kalsada na ito ay pilit kong inaabot ang mga kamay ni Khaira. Wala syang malay at ang mas kinagulat ko dahil nakatarak sa kanyang katawan ang kanyang katana.
"Please not this one" pabulong na saad ko at pilit paring inaabot si Khaira.

"Mahihirapan kalang" napalingon ako sa paligid ko. Kaninong boses na yun? Umalingawngaw ito at dahilan yun ng pag hawak ko sa tenga ko.

"Maura" tinig na syang nagpamulat sa aking mata. Wala akong nakita kundi ang kadiliman ng paligid.

Nasaan na si Khaira! Nasaan na sya.?!

"Maura!" Yun nanaman.

Nagulintang ako ng makita ko ang sarili kong nakatayo at nakatutok ang baril nito kay Khaira. What?!! What the hell??

"You need to kill me, or I'll kill you" halos pumiyok na turan ng isang ako habang nakatingin sa walang kabuhay buhay na mata ni khaira. I'm fvck! Gusto ko mang gumalaw at awatin sila ay tila wala akong magawa. Hindi ako makakilos kahit na ang mga salitang gustong lumabas sa aking bibig ay walang maririnig na kahit na anong tunog.

"Stop this please" sa wakas ay nakapagsalita na ako. Pero akala ko ay sa akin galing yun pero mula yun sa isang tabi at si Kishanna ang lumabas sa dilim. Dala ang dalawang baril sa kamay nya ay itinutok iyon kay Maura at kay Khaira.

What?!

Halos manlumo ako ng makita ko ang luha sa mga mata ni Kishanna. "Kailangan nyong mamatay" hindi ako makapaniwalang nasabi nya yun sa amin.

"Kill them now" isang matigas na ulat ni Mhaine na nanggagaling naman sa likod ni Khaira. Akala ko ay aawatin nya ang bagay na yun, pero akala lang pala yun. Itinutok nya sa akin ang baril na hawak nya. At tila ako ang inuutusang patayin sila.

Mabilis ang pangyayari, ang duguang si Khaira ay nakangiting bumaling sa akin. Sa akin mismo. Hindi sa maurang tinututukan sya ng baril. Mahigpit nyang hinawakan ang katana nya at itinaas ito na abot sa leeg nya. No!!

"Kill me" saad nito. No! Umalingawngaw ang tunog ng baril kung kayat napapikit ako. Pagmulat ng mata ko ay nasa Warehouse na kami kung saan nangyari ang lahat ng yun. Kitang kita ko ang mukhala ni Dylan. Duguan ito ngunit nakahawak sa talim ng katana ni Khaira na tila ba pinipigilan ito. Lahat ng myembro ng Gang namin ay nandoon pero isa lang ang nakikita ko. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Ang kaninang hindi nila napapansin ay napansin na! Napaatras ako ng pumagitna ang isang ako at hinarap ako. "Gawin mo na!" Isang utos sa bibig nito. Naiiling na umatras muli ako. "Hindi mo kaya?! Akong gagawa!" Nangunot ang noo ko sa narinig ko. Kung kanina ay boses ko iyon ay unti unting napalitan ng boses ni Mhaine.

*Pak*

Ay putspa!

Pabalikwas akong bumangon.

"See. I told ya, yan ang panggising dyan" nanlaki ang mata ko ng bumungad sa harap ko si Mhaine na nakangising pinagmamasdan ang palad nya.

Did she slap me?! Nanliliit ang matang tinitigan ito.

"Hwag mong sabihing sinampal mo ako?!" Iritang sambit ko dito. At teka anong ginagawa nya dito?!

KNIGHTS OF THE KNIGHTS: Who Is The Real ProtectorWhere stories live. Discover now