7 Piece of Hell
JIN's POV"Pag hindi mo tinigil yan ikaw ang isasahog ko dito, Isa!" Baritunong sigaw ko kay Jhope. Bwiset kasi payapa akong nagluluto tapos kukulitin lang ako.
"E hyung naman.."
"Pwede ba Hoseok kung gusto mo ng tahimik na mundo tigil tigilan mo ako!" Sermon ko pa dito kasabay ng paghampas ko ng karne gamit ang kutsilyo. Napaismid naman ito at dali daling tumakbo papalabas. L
Letse yun lang pala ang kailangan para lumayas sya. Tsss!
Pero sunod namang pumasok ay si Jimin na hingal na hingal. Nagbukas ito ng ref at kumuha ng tubig.
"Ano nanamang ginawa mo?" Agad na tanong ko.
"Nag jogging ako hyung" sagot nito. Ganitong oras? Abay matindi!
Hindi ko sya pinansin at iginisa ko na ang karne. At lumipat naman ako sa isa pang niluluto ko at inalis yun sa kalan, pumunta naman ako sa may rice cooker para tingnan kong ayos na ang kanin.
"Hyung ang sarap naman ng steak na niluto mo" walang ano anong napalingon ako dito. Nanlaki ang mata ko ng nakita kung kumagat ito sa karne at ngumunguya.
Anak ng! Kaya ayukong nandito sila sa kusina tuwing nagluluto ako e! Kasi hindi pa tapos lutuin ubos na!
"Park Jimin!!!" Sigaw ko na ikinatigil naman nya. Nabilang ko pa ang dalawa nyang panguya at saka iniluwa ang karne! Anak ng duwende ka talagang bubwit ka!!! Pero ang ipinanlumo ko talaga ng husto ay sa kaserola nya iniluwa kung saan nandoon ang ibang steak >_< kagigil!!.
"Bwiset ka! Lumayas ka ngang tukmol ka dito, mamaya nyan yang abs mo na yan kunin ko at palamanan ko at ipapahabol ko sa mga babae moooo!!!" Nagaalburutong sigaw ko. Lumabas naman ito ng patakbo. Ibinaling ko ang paningin ko sa kaserola, at nanlulumokong tumitig dito. Pota kakadiri talaga!
Kinuha ko ang kaserola at itatapon ko sana iyon, pero naalala ko marami palang nagugutom sa mundo. Maswete kami at nabuhay kaming may pera at nakakabili kami ng gusto namin. Nakakain namin ang gusto naming kainin. Kaya nakakapang hinayang to!
Sige na nga hindi ko nalang itatapon.
Nakangiti ako habang hinahalo ang steak. Nangnatapos din ang isa ko pang niluto ay naghain na kami.
"Oh ilagay mo ito dun" utos ko kay Namjoon at ibinigay ang petsel na may tubig "dahan dahan lang ha" sarkastiko kong saad dito. Tiningnan naman nya ako ng masa. Aba pinapaalalahanan ko lang sya baka pati yung petsel masira pa nya.
Naabutan naman namin ang lima na nakaupo na sa kanya kanya nilang pwesto. Oh iyun pag sa kainan mabibilis. Paginuutusan nawawala.
"Ang bango naman nito Jin hyung" puri ni Jungkook na halatang gutom na gutom na. Binasa pa nya ang labi nya gamit ang dila. Iiling iling nalang ako habang pinagmamasdan syang nag lalagay ng kutsyarat tinidor sa pinggan namin. Yan lang ang trabaho nya pag dating sa hapag kainan, dahil sya ang mas mabata sya ang gagawa nun.
YOU ARE READING
KNIGHTS OF THE KNIGHTS: Who Is The Real Protector
Fiksi Penggemarknights of the knights!!! we are not here 'cause we want! we're here because we need to be here! this story is fan fiction!😉 at dahil isa akong dakilang ARMY ay ginawa ko ito for fans and for them bwahahah😂 di ko na pinalitan ang names ng mga Ido...