CHAPTER 10

14 6 0
                                    

JUNGKOOK's POV

"Ayos na ba sya?"  Yun lang ang narinig ko mula dito sa mini salas sa taas. Medyo may kalakasan ang boses ni Mhaine. Ala sais 'y medya na ng umaga ng sandaling yun.

"He's still unconscious" may lungkot sa boses ni Maura. Nangunot ang noo ko at napasandal sa sofa.

Unconscious huh?! Tsss hindi ko alam na maaaring maging kritikal ulit sya ngayon. That's good any way.

"Ipapaalam nyo ba to kay khaira?" Wala sa sariling napantastikuhang nakinig ako sa usapan. Sa salas yun sa ibaba kaya nadidinig dito sa taas ang usapan ng dalawa.

Ano namang kinalaman ng assume'ra na yun dito?!

Napangiti ako ng maalala ko ang nangyari kahapon ng umaga. I know na umasa si khaira na para sa kanya ang ginawa kong meryenda but sorry to tell, that is for me.

"Hindi na nya kailangang malaman. Ayaw ding ipaalam ng isa"

"Anong balak nyo, natin? I mean secret nanaman to ganun ba?"

"We have no choice Mhaine. Makikipag usap si kishanna kay Mr. William"  wala sa sariling napatayo ako ng banggitin ni Maura ang pangalan ni Uncle William.

Anong sasabihin nila kay uncle?!

Fvck!

"You're in a big trouble maknae" napatingin ako kay Jin hyung ng magsalita ito. Bagong ligo sya pero hindi pa nakasuot ang uniform nya. "He's unconscious, nagka minor head injury. Please lang maknae, matagal na yun itigil mo na to" napayukom ang kamao ko sa sinabi ni Jin hyung. Wala sa sariling napangisi ako sa kanya ng nakakaluko.

"Your joking right, hyung" sambit ko. Tumitig lang ito sakin ng seryoso na syang nagpawala sa mga ngiti sa labi ko.

"It's been a long long years maknae. Hwag na nating mas palakihin yung gulo. Still he is one of you---"

"No hyung! He is not one of me! Simula ng nangyaring yun Kenji is one of my enemy!" Diin ko dito. Natigilan man ay nagawa parin ni Jin hyung na maging seryoso at iiling iling na umalis sa harap ko.

Napahilamos ako sa mukha ko bago marahas na umupo sa sofa. Niluwagan ko ang pagkakalagay ng necktie ng uniform ko at inihiga ang batok sa sandalan ng sofa. Titig na titig ako sa kisame habang inaalala ang nangyari kaninang madaling araw.

Flash back!

"Its late" sambit ni Maura habang naglalakad papunta sa gate. Nakatanaw lang kami sa kanya ni V hyung hindi dahil nag aalala kami sa kanya kundi dahil hindi namin maintindihan kong sino ang bibisita sa kanila ng ganito kalalim na gabi.

Isa pa mukhang pinamimigay nila kung kani kanino ang address namin!

Sumandal si v hung sa isang poste malapit sa dalawang hagdan pababa sa pinaka daan papunta sa kay gate. May pitong dipa ang layo namin sa gate ngunit nakikita parin namin kung sino ang nasa labas, yun nga lang dahil sa dilim ng paligid ay hindi namin magawang aninagin ang mukha ng lalaking kaharap ni Maura.

"I just wanted to know if she is fine" malayo sila pero parang binuhusan ng nagbabagang yelo ang ulo ko ng marinig ko ang boses na yun.

KNIGHTS OF THE KNIGHTS: Who Is The Real ProtectorWhere stories live. Discover now