CHAPTER 4

23 10 0
                                    

The Gang names


MHAINE'S POV

Pagkatapos ng mga nangyari, mga salitang hindi ko naman maintindihan ito kami ngayon at naglalakad sa pasilyo ng napakalaking mansyon nina kishanna na naging huge palace naman ng organisasyon. Ito ang naging hide out at opisina namin, maraming nandito ngayon ang ilan ay binabati kami at nagbobow ang iba naman ay tinitingnan kami na parang nangiingilala. Siguro mga baguhan to. Tsss.

"Masters" maraming natigilan sa paglalakad ng nagbow sa amin ang kanang kamay ni mr. Furukawa. Tumigil din kami at tiningnan ito.

"Masters?"

"Sino ba sila?"

"Yan siguro yung sinasabi nilang---"

"Medyo maraming baguhan sa Organisasyon. Mr. Crey" saad ko. Tahimik lang naman ang mga kasama ko. Tsk, alam ko namang kating kati na ang bibig ni Maurang magsalita. Nasanayan lang talaga naming di masyadong umimik dito sa loob ng Organization.

"May bagong grupo ang nakuha ang òrganozi Master" sagot nito. Patango tango naman akong tumingin sa paligid. Mga baguhan nga ito, hindi nila kami kilala e. Hahaha

Napabuntonghininga naman ako saka ngumiti kay Mr. Crey.

"Sige Mr. Crey, sasamahan mo ba kami sa  Parlous Room? "

"Ganun na nga master. Pero may meeting pa po kayong pupuntahan"

"Meeting?" Kailangan talaga paulit ulit Maura. tsk sabing meeting nga e. Bingi lang ang peg?
Mataray kong tiningnan si Maura at bumungisngis ng kaikainaman, nalukot ang mukha nya sa ginawa ko.

"Sa susunod maglinis ka ng tenga okay" tapik ko sa braso nya. naiiling namang tiningnan ako ni Khaira kaya naman napanguso ako.
Hindi naman nagsalita si Maura pero alam kong sasabog ito sa inis, napangiti tuloy ako. ^_^

****

"That's all?" Napaangat ang tingin ko sa nagsalita. Oo, tahimik kami pero kahit papaano ay nakikinig parin kami. Kahit ako ay medyo nadissapoint sa naipresent ng Merdict clan [merdict clan- grupo sa organization na humahawak sa boong financial ng boong organization]

"I'm hoping, that this will be a good news for us. But.." nawalan ng imik ang nasa Merdict. Bakit ba kasi hindi nila ayusin ang buhay nila.

"Pasensya na Master Furukawa. I think may humaharang at sumasabutahi satin" paliwanag nung isa.

"Is that your excuse?" Malamig na usal ni Mr. Furukawa. Kitang kita ko naman kong paanong nanginig ang Merdict clan. Tahimik kami pero alam kong tensyon din ang nararamdaman ng mga kasama namin sa meeting hall. "Are you aware na laging may humaharang satin? This is second time na ganyan kababa ang pumasok na pera satin.! This is business alam nyo yan!!" Naihampas ni Mr. Furukawa ang hawak nyang files, na dahilan para mag ingay ng bahagya sa loob. Nagulat ang marami pwera nalang siguro sa amin. Tsk. Sa tagal na nila dito di pa sila sanay sa ugali ng gurang na yan.

At tama ang nabasa nyo kanikanina lang. This is business, sabihin na nating nasasangkot kami sa Underworld, may mafias, mafios at gangs pero may mga business parin kami. At bawat kasapi sa organization na ito na may business ay boong Clan namin ang nagpapatakbo. Kung may maluluging isa at babagsak ay nakaagapay ang iba. Medyo weird, pero mas maganda ito. Kung domoble o triple ang kita ng ibang business ganun din ang kikitain ng iba pa. Sa organization na ito, walang babagsak dahil may tutulong. Pero katulad din ng sinabi kanina, may sumasabutahi at iyon ay ang ibang organization na kalaban namin.

KNIGHTS OF THE KNIGHTS: Who Is The Real ProtectorWhere stories live. Discover now