CHAPTER 9

13 6 0
                                    


MAINE'S POV

Tutok na tutok ang tingin at pandinig namin habang nagsasalita si khaira tungkol sa nasaksihan nya kanina. Nasapo ko ang noo ko habang nasa bewang ang isa kong kamay.

"You mean, may pumasok talaga sa bahay?!" Tanong ko dito.

"Malamang oo siguro Mhaine, narinig mo naman diba na encounter pa nga nya" napairap ako sa hangin ng si Maura ang nagsalita.

"Fvck. Mukhang di natin nagagawa ang trabaho natin" mahinang sabi ni Kishanna na syang nagpatahimik sa amin.

Kung ganun tama ang sinasabi ni Mr. Furukawa na nasa panganib ang buhay ng pito. Pero bakit di nalang nila tudasin ang mga yun at saka nila kunin ang yamang tinutukoy nila sabi ni khaira. At ano bang yaman ang tinutukoy ng mga yun?

"Sa tingin mo anong klaseng yaman ang tinutukoy nila khaira?" Kapagkuwan ay tanong ni Kishanna.

Umiling lang naman ito at saka pabagsak na umupo sa kama nya. Namutawi ang mahabang katahimikan sa pagitan naming apat. Walang nag abalang muling magsalita hanggang sa bumaling ang tingin ko kay Maura na nakasandal sa headboard ng kama nya at nakatitig lang sa paanan nya.

Hindi na ako nagsalita pa, gustuhin ko man syang asarin ngayon ay hindi ko na ginawa. Alam kong iba ang nararamdaman nya at nirerespito ko naman kung paano sya nasasaktan. Babae parin naman sya at talagang nagkagusto lang talaga sya sa lalaking hindi sya kayang gustuhin pabalik.

Knowing her, she induring a pain right now. At hindi na ako dadag pa sa sakit na yun. Even i am like this, gusto ko parin silang nakikitang masaya at nakangiti. Sino ba namang hindi diba?

Yung nakita namin kanina kung paano humingi ng tawad si Jimin sa girlfriend nito sa boong campus. Alam kong naging dahilan yun para manahimik sya buong maghapon. Kahit na nakikipagusap sya sa amin ni kishanna I know na nasasaktan sya. Kung pwede nga lang lumipad ang kamao ko papunta kay jimin ay ginawa ko na. Pero wala namang dahilan diba? Hindi naman nya girlfriend si Maura. Talagang assume'ra lang talaga tong isang to!

Lumipas ang oras at nakahiga na kaming lahat, pero alam ko na gising pa sila. Nag iisip din siguro ang mga ito kung sino at kung paanong may nakapasok sa bahay ng wala man lang kaming naramdaman na kakaiba. Hindi ko maiwasang mag alala, siguro ay dapat na dumoble ang pag iingat namin para sa kanila. Kung may nakakapasok sa bahay ng hindi namin nalalaman, paano nalang kung may pumasok ulit at saktan na sila.

Andwae..

Pag nasaktan sila at ipatawag kami ni Mr. Furukawa, paparusahan nya kami.

Hindi pwede!

Kung hindi kami ang paparusahan ay siguradong ang boong grupo namin ang masasaktan.

Mas lalong hindi pwede!!

Bumangon ako sa pagkakahiga at umupo sa kama. Nilibot ko pa ang mga mata ko at nasilayan ko pa ang payapang pagtulog ng mga kasama ko. Lumabas nalang ako ng kwarto para kumuha ng tubig pero nagtaka ako dahil bukas pa ang ilaw sa salas at dinig ko pa ang mangilan ngilang paguusap ng mga nandoon.

"Bakit nga pala nagpadala pa ng mga babae dito si Uncle" dinig ko ang boses ni Namjoon.

"Hindi ko rin alam" sagot ni Jin. Sa sinabing yun ay sumalakay ang panandaliang katahimikan bago muling may nagsalita.

"Pag nalaman ni Rysk na meron akong ibang babaeng nakakasama sa bahay pa, siguradong war nanaman to" utag ni Jimin. Napairap naman ako sa hangin dahil sa sinabi nya.

KNIGHTS OF THE KNIGHTS: Who Is The Real ProtectorWhere stories live. Discover now