KISHANNA'S POV
Abala kami sa pag aayos ng gamit namin. Hindi ko alam kong matutuwa ako dahil makakasama ko sila sa iisang kwarto o malulungkot dahil sigurado akong palengke nanaman to!
"Ako dito ha" nagulat ako ng biglang mahiga si mhaine sa isang kama na pagpapatungan ko sana ng bag na dala ko.
Medyo may kalakihan ang kwarto, pero mas malaki parin ang kwarto ko sa mansyon ni khaira. Apat na kama ang nakapaloob dito, at nasisiguro kong kwarto talaga to ng mga katulong. May apat ding kabinet na malapit sa kada side table na napapatungan ng lampshade at pwede ring gamiting study table. May tig iisa din kaming upuan. Malawak ang kwarto pero napakadumi nito, puro alikabok at ewan ko napang kung hindi kami hikain dito.
Fvck! Mangangati ako nito!
Nagsimula kaming maglinis, binuksan namin ang bintana at hinawi ang mga kurtina para naman kahit papaano ay makalabas ang alikabok at para narin masinagan ng araw ang loob ng kwarto. Kanya kanya kami ng ginagawa. Si khaira ay abala sa pagpunas ng isang painting na nakasabit ng pahalang sa pader. Si Mhaine naman ay nagwawalis ng sahig habang si Maura naman ay hawak ang duster at tudo wagwag ito sa maliit na vase na nandoon. Buti nalang at hindi sila maingay ngayon. Ako naman ay inalis ang maruruming cover ng kama at itinanmbak yun sa isang sofa na nasa loob din.
"Mukhang bago lang din sila dito" saad ni khaira habang bumababa sa upuan na tinungtungan nya upang ayusin ang painting na pinunasan nya.
"Mukha nga" sagot ni Mhaine na tudo walis sa ilalim ng kama na kinatatayuan ko. Sobrang dami ng alikabok at mukhang mahihirapan kaming maglinis.
Pagabi na at halos dalawang oras na kami dito sa kwarto, tagaktak na ang pawis namin. Si Maura ay nakasando na at ang kanyang itim na leather pants ay halos maging kulay puti na. Ang loss shirt naman ni khaira ay kumakapit na sa likuran nya dahil basang basa na ito ng pawis. Ganun din ang akin at ang suot kong vneck tee shirt ay nag kulay abo na. Si mhaine naman ay itinataas na ang tee shirt nya.
"Kelan ba mauubos ang alikabok dito" maktol ni Mhaine habang winawagayway sa sahig ang tambong hawak nya.
"Can I call my member to clean this fvcking room" sa wakas ay narinig ko nang magsalita si Maura, simula kasi kanina na nakita nya si Jimin ay hindi na sya nagsalita pa.
Napangiti ako ng makita ko kung paano mandiri si Maura sa mga basahang nagamit namin. Dahil sa aming apat sya lang naman ang ayaw ng ganito.
"Sige ba" sagot ni Mhaine. "Kung kaya mo silang palusutin dito e, why not" umiling nalang ako matapos marinig ang sinabi ni Mhaine. Sa lahat talaga ng bagay na ginagawa ni Maura palaging kuntra ang isang to. Tsk!
Bumaling ang paningin ko kay khaira na tahimik na inilalabas ang dala nyang cover ng kama. At ano pa nga ba? Doraemon!!
Nagmumukha na tuloy syang pusa dahil dun."Ay taray asul na pusa ulit?" Utag ni Mhaine habang ibinababa ang tambong hawak nya. Hindi sya sinagot ni khaira, kaya naman tumingin ito sa akin. Hindi rin ako umimik at nagpatuloy nalang sa pag aayos sa pwesto ko.
Kahit papaano ay umayos ang loob. Naging maaliwalas at hindi na ganun kakalat. Nakita ko naman kong paano pagtulungan ni Maura at khaira na ilagay sa garbage bag ang mga cover ng kama at punda pati narin ang mga basahang nagamit namin.
"Ako na ang magdadala nyan sa labas" presenta ko na agad din nilang tinanguan. Bago ako maglakad papalapit sa kanila ay naramdaman ko na agad ang tingin ni Mhaine.
"What?!" Tanong ko dito. Nabigla sya pero binawi nya agad yun at ngumisi ng nakakaluko.
YOU ARE READING
KNIGHTS OF THE KNIGHTS: Who Is The Real Protector
Fanficknights of the knights!!! we are not here 'cause we want! we're here because we need to be here! this story is fan fiction!😉 at dahil isa akong dakilang ARMY ay ginawa ko ito for fans and for them bwahahah😂 di ko na pinalitan ang names ng mga Ido...