CHAPTER 6

16 6 0
                                    

Badtrip!

MAURA's POV

Nakatulala ako habang nakatitig sa hotdog na nasa plato ko. Kanina ko pa ito tinutusok ng tinidor.

"Hoy! Ano ba tinututture mo naman yang kakainin mo e" hindi ko pinansin si Mhaine at nagtuloy lang sa pag tusok.

"Eonnie, para kang tanga alam mo ba yun?" Boses ni kishanna ang narinig ko.

"Ay wala to. Mental na kasunod nito" wala parin akong pakialam sa sinasabi nila. Yung kagabi kasi... Yung kagabi. Wahhhhh, huhuhu okay na sana e. Ayos na sana yung babe kaso nung nabasa ko ang isang comment. Nakakainis sya!!!

Flashback!

Banayad ang pagpapahinga ko sa sofa. Katatapos lang kasi naming maginsayo, itrinay namin ang mga sandata namin kung hindi ba kami naninibago. Agad kong inabot ang cellphone ko habang umiinom ng tubig. Nanlaki agad ang mata ko ng mismong pagbukas ng IG ko e post nya ang nakita ko langit ang picture at may caption na

'late bonding with them.💜
Gudnight babe💕'

Nakaramdam ako ng kilig dahil parang para sa akin yun. Ayiiiiieee nakakakeleg naman!

"Ano yan?" Hindi ko napansin ang pagdating ng tatlo dahil tutok ako sa cp ko.

"Ano pa nga ba edi yung kinahuhumalingan nya" rinig kong sambit ni Mhaine.

"You're still inlove with him huh" mapangasar na tono ni Khaira. Katulad kanina ay hindi ko sila pinansin, uminom ako ng tubig ng makita kong may comment.

'i didn't know that you change our endearment unless you have a new girl?😠😑'

Wala sa sariling naibuga ko ang tubig na iniinom ko at nasamid ako.

"Pota kadiri kang animal ka!" Sigaw ni Mhaine na syang nasa harap ko at nabugahan ko. Uubo ubo akong hinahampas ang dibdib ko.

"May problema ba eonnie?"

"Anong nangyayari sayo?" Saad ni khaira. Hindi ulit ako umimik at biglang tumayo. Umalis ako ng hindi sila iniimikan, nabitawan ko ang cellphone ko kanina pero wala akong pakialam. Sana masira na yun!

Dumiretsyo ako sa taas at saka malakas na sinara ang pinto ng kwarto ko. Agad akong pumunta sa cr na kahit hindi pa naaalis ang damit ko ay agad akong pumailalim sa shower. Bumilis ang tibok ng puso. Kabado ako at nahihirapang huminga, kelangan kong malamigan. Ayukong magwala kahit gusto ko man.

KNIGHTS OF THE KNIGHTS: Who Is The Real ProtectorWhere stories live. Discover now