CHAPTER 14

21 6 0
                                    

JHOPE POV

Bumukas ang pag aalala ko ng makita ang paglalaban ng tingin ni Jin at V. Alam kong may galit si Jin kay V pero ito ay kakaibang titigan, mas gugustuhin ko pang hindi nalang sila pakinggan.

"Your drunk?? Haha really taehyung? Inuuna mo to?" Mapangasar at galit na tanong ni Jin.

Tumahimik kami lalo na ng bumaba si Namjoon. Salubong din ang kilay nitong nakatingin kay V.

"Hindi ako uminom" sambit ni V.

"Then, what's that?" Turo ni jin sa mga beer in can. Napabuga ako ng hininga dahil doon.

Oo nga naman, bakit may ganun dun.?

"I don't know"

"Kelan ka ba nagkaalam?!"
Sigaw ni Jin.

"Hyung" saway ni Jimin.
Napangisi lang naman si taehyung bago salubungin muli ang tingin ni Jin.

"Wala akong alam, kaya 'wag mo akong kausapin" turan ni V. Nagpuyos sa galit si Jin bago tumayo at kuwilyuhan ang apatid.

"Kung ako lang, I will never talk to you again" diin ni Jin.

"Tama na" awat ko kay Jin at pinilit na alisin ang mga kamay nya kay V. "Baba na si Gguk intayin nating magpaliwanag sya." Usal ko. "Kung uminom si V, hayaan mo na natin yun okay" dugtong ko. Nagpaubaya naman sa akin si Jin ng ilayo ko sya kay V. Tahimik kami at walang nagsalita. Wala din nangahas na lumikha ng kahit anong ingay. Hanggang sa maglakad si Khaira papalabas sa kusina, hindi ko alam kung saan sya galing pero base sa soot nya ay galing ito sa labas ng bahay para siguro magjogging. Basang basa sya ng pawis at habol ang hininga.

Si kishanna naman ay lumabas ng kwarto nila at may sinabi kay khaira bago nagpaalam sa aming may pupuntahan sya at importante yun. Si Mhaine naman ay may kausap sa cellphone at saka tinapik ang balikat ni khaira na tumango lang sa kanya bago lumabas sa sliding door kung saan patungo sa garden.

Tumaas ang kilay ni khaira habang nakatingala sa taas, sinundan ko yun ng tingin at si jungkook agad ang nakita ko. Nakahawak sya sa hamba ng hagdan at tinitingnan kami.

Kanina pa kaya sya dyan?

Tahimik ang pagbaba nya, at saka bumaling kay Jimin na nakaabang sa kanya sa may hagdan para alalayan sya. Bakas parin sa mukha at kilos nito ang matinding bugbog na inabot nya.

"Anong nangyayari?" Tanong nito ng makababa.

"Maupo ka muna, bago ka magkwento" utos ni Suga na agad namang sinunod nito.

Muli sanang magsasalita si Jungkook ng mapansin naming hindi umaalis si khaira sa kinatatayuan nya. Pinagkunutan ko ito ng noo pero hindi ata nya naintindihan ang ibig kong sabihin.

"You can leave" usal ni Namjoon. Naiiling na tumingin si khaira kay Namjoon bago ibaling kay Jungkook at Taehyung ang mga mata.

"Your explanation is the key" sambit ni khaira bago tanguan si jungkook na katulad ko ay kunot noo ding nakatingin dito.

Abnormal.

"So, what happen gguk?" Ako na ang nagtanong ng wala muling nagsalita kahit isa sa kanila.

"Something came up" he said. Tumingin sya kay Taehyung na syang nagpatingin sa aming lahat. "Walang kinalaman si hyung dito" napahinga ako ng maluwag ng sabihin yun ni gguk. Ayuko mang aminin pero hindi kayang magsinungaling ng batang to sa harap namin. Ganun nya iginagalang at nirerespito ang pagsasama naming magkakaibigan.

KNIGHTS OF THE KNIGHTS: Who Is The Real ProtectorWhere stories live. Discover now