Khareezma's POV
"Nakakabato naman dito, makapaglakad lakad na nga lang. " Turan nya sa sarili.
Bagong lipat lamang sila kahapon sa subdivision na ito kung kaya't kahit isa ay wala pa siyang kakilala dito. Maglalakad lakad siya baka sakaling makahanap agad siya ng mga bagong kaibigan sa lugar na ito. Bitbit ang kanyang digi cam (hindi pa kasi nun masyadong uso ang DSLR) ay nawili siya kaka picture sa lahat ng makaagaw ng kanyang atensyon. Hanggang sa makarating siya sa park, kung kanina ay magagandang view at kung ano anong bagay ang umagaw ng atensyon nya ngayon naman ay isang binatilyo ang umagaw ng kanyang interes. Cute din naman ang ibang kasama nito pero kakaiba talaga ang hatak ng awra nito. Cute na cute ito habang nag bi beat box. Napagpasyahan nyang palihim itong kuhanan ng picture. Pum-westo siya sa isang lugar na hindi siya mapapansin ng mga ito. Patuloy siya sa pagkuha ng picture, at ng hindi pa nakuntento ay tumungtong pa siya sa bench upang makakuha ng magandang focus na kuha dito. Hindi naman nya ito madalas gawin, nagkataon lang talagang nakuha nito ang kanyang interes. Marami naman na siyang cute na nakilala pero iba ang dating ng lalaking ito. Hay, kabago bago nya sa lugar na ito ay may crush na siya agad.
"alam mo bang isa sa sanhi ng kuliti yung paninilip? " sita ng isang estranghero sa kanya.
Labis nyang ikinagulat ng biglang may magsalita mula sa kanyang likuran at siyang naging dahilan para ma out balance siya. "shockz!" tili nya. Buong akala nya ay may sasalo sa kanya. Expectation vs. Reality. Buys*t! Agad siyang tumayo sa pagkakatumba at hinarap ang estrangherong gumulat sa kanya.
"bakit ka nanggugulat? " mataray na tanong nya dito.
"si Apol to ah!" gulat na turan nito. Imbis kasi na siya ang masalo nito mukhang ang digi cam yata nya ang nailigtas nito sa pagkakahulog.
"akin na nga yan!" agaw nya sa digi cam.
"ang sungit mo! " reklamo nito sa kanya.
"bat ka kasi nanggugulat? Kung nabagok ang ulo ko dun? Masasagot mo ba? " pagtataray nya dito.
"eh ba't ka nagnanakaw ng picture? " sita nito sa kanya.
"excuse me! Yung puno ang pini picture-an ko noh! Nasabay lang siya. "
"ok! Sabi mo eh! " tinalikuran na siya nito.
"ganun nalang yun? Hindi ka mag so sorry sakin? " asar na pigil nya dito.
"bat ako magso sorry sayo?"
"kasi po nasugatan lang naman ako dahil sayo. "
Bigla itong napatitig sa kanya. Doon lamang nito napansin na meron pala siyang sugat sa tuhod.
"hindi ko kasalanan kung lampa ka. " supladong sagot nito.
"ayos ka ah! " sinabi nang mag sorry ka!" pilit nya parin dito.
"ayoko nga!"
"magsorry ka nga! " kulit nya parin dito.
"ayoko nga! Ano ba to? " halatang nakukulitan na ito sa kanya.
"hmmp.. Ungentleman ka! " sigaw nya dito. Pagkatapos ay nagsimula na siyang maglakad palayo dito. Tatandaan talaga nya ang mukha ng mokong na yun. Napaka ungentleman..hmmp. Pero teka, san ba yung daan pauwe? Naloko na, mukhang naliligaw pa yata siya. Bakit naman kasi pare parehas yung disenyo ng mga bahay dito. Mabilis siyang bumalik sa kanyang pinanggalingan. Mabuti nalang at nadun parin at hindi pa umaalis yung estrangherong mayabang na yun."Oh bat ka bumalik? Kulang pa yung picture na nakuha mo? Wala na kanina pa sila nakaalis. Naingayan yata kanina sayo kaya nagsi alis. " agad na turan nito sa kanya.
"gusto mo bang makabawas sa utang mo sakin? " bagkus ay tanong nya dito.
"excuse me? Ako? May utang sayo? Hindi nga kita kilala eh. "
"yung sugat ko sa tuhod, utang mo sakin yun. " sagot nya dito.
"kinalaman ko dyan? "
"hatid mo ako sa address na toh. Naliligaw ako" pakita nya sa address ng bahay nila. Buti nalang ay na isave nya sa kanyang cp ang kanilang address. Kung bakit naman kasi ang hina nya pagdating sa kabisaduhan ng lugar. "
"ba't ko naman gagawin yun? Baliktadin mo nalang yung damit mo kung naliligaw ka. " biro nito
"hindi nakakatawa, bilis na para makabayad bayad ka kahit konti sa utang mo sakin"
"nagpapansin ka lang yata sakin eh! " sagot nito pero nagsisimula na silang maglakad. Mukhang kahit papaano ay may balak naman itong ihatid siya sa address na binigay nya.
"sad! Hindi kita type. " nakasimangot na turan nya dito. Pero syempre echos lang. Cutiepie din naman ang mokong na ito, ang supladito ngalang.
"sino ang type mo? Yung mga nag bi beatbox? " tanong nito sa kanya.
"kilala mo ba yun? " interesadong tanong nya dito.
"magkatapat yung bahay nila tsaka nitong address na pupuntahan mo. "
"talaga?" bigla siyang na excite sa nalaman.
"wag kang mag alala, hindi ka type nun. Mga magaganda lang ang gusto nun. "
"ok lang, hindi naman ako interesado sa kanya. "
"kaya pala tinatanong. " mahinang sagot nito.
"anong sabi mo? "
"sabi ko nandito na tayo. Sa susunod magdadala ka ng mapa para hindi ka nawawala. " pagkatapos ay iniwan na siya nito.
YOU ARE READING
Rock my world
RomanceEuri Azarcon's song compositions had made the band aid reach its peak during their time. Maraming nakakarelate sa mga kantang ginagawa nito. Pero sino nga ba ang inspirasyon nito sa kanyang mga ginagawa? Sino kaya ang pinapatungkulan nito sa mga g...