Chapter 11

4 0 0
                                    

Khareezma's POV

Hindi nya maintindihan kung anong dapat maramdam, kung dapat bang matuwa o mainis kay Euri? Pagkatapos kasi ng pagpunta nito sa kanila nung nakaraan ay hindi na ito bumalik pa at nagparamdam ulet, napaka tipikal na Euri Azarcon.Tapos ngayon mapapanood nya may live gig ito sa isang noon time show.
"I'm staying, I'm staying. Sinungaling." Naiinis na bulong nya.
"Problema mo?" Biglang sulpot ni Yuan sa kanya. "Aga aga busangot ka."
"Wala!" Maikling sagot nya.
"Sus mukhang alam ko na yang pinag mamaktol mo." Hula nito.
"Wala ako sa mood." Pagsusuplada nya dito.
"May pinapasabi pala sayo yun bago umuwi."
Marahas siyang napalingon kay Yuan, muntik tuloy siyang mahulog sa upuan.
"Oi interesado si Ate girl." Biro nito.
"Bilis na kasi." Naiinis na kulit nya dito.
"Wala!joke lang. Hindi ko na nakausap yun. Gawang review baga natin. Tapos nung hapon nag gala sila late na nakauwe at nag inuman pa yata sa isang bar tapos kinaumagahan diretso na sila sa airport."
"Wala ka namang pakinabang eh." Maktol nya dito.
"You know what? Nabibigla ka lang. Hindi ka pwedeng magdesisyon ng ganun lang kabilis." Eksaktong ulit nito sa sinabi nya kay Euri.
Nanlaki ang kanyang mga mata "nakikinig ka!" Sabay sabunot dito.
Tawang tawa ito sa naging reaksyon nya. "Aray! Ano ba toh?" Hindi parin ito matigil sa kakatawa.
"Nakakainis ka." Irap pa nya dito.
"Dame mong arte nung nandito tapos ngayon ma maktol maktol ka. Babae talaga Oo." Iiling iling na turan nito.
"Tama naman yung ginawa ko diba?" Tanong nya dito.
"Ang alin?yung magpakipot?" Natatawang biro nito.
Hinampas nya ito. "Kanina ka pa."
"Pag napipikon dapat nanghahampas?" Tawang tawa parin ito
"Hmmmp! Kay Amaris na nga lang ako magku kwento." Naiinis na talaga siya dito.
"Ano ba kasing gusto mong marinig?" Seryoso na ito.
"Kung tama ba yung ginawa ko?" Tanong nya dito.
"Are you happy with what you done?"
"I don't know. But I know for sure, its for the better."
"Eh ano pang pinag uusapan natin dito? Yun naman pala eh. Panindigan mo nalang yung desisyon na ginawa mo." Sagot nito.
Malungkot siyang napayuko. Siguro nga.
"Yaan mo na yun. Nandito naman ako, sikat lang yun pero mas pogi at yummy naman ako dun." Biro nanaman nito. "Kahit pagtabihin mo pa yung picture namin." Pagyayabang nito.

"Tingin!" Kunwa'y sinipat sipat ang mukha nito.
"Sus, wag na. Kahit mas pogi ako dun, siya at siya parin naman. Ouchh!" Tumatawang drama nito.
"Hmmmp! Kung hindi kita kilala maniniwala ako dyan sa pinagsasabi mo."
"Aba! Totoo yun, kahit mukhang biro."
"Sus! Tigilan mo ako Yuanito."
"Tara! Movie marathon nalang tayo, malibang ka manlang. Puro Euri nalang lagi ang nasa isip mo."
"May mga bago kang movies?"
"Oo tara!" Yakag na nito sa kanya.
Mabuti pa nga na mag movie marathon nalang sila para mawala naman sa isip nya si Euri. Sa kalagayan ngayon mukhang malabo talaga silang dalawa. Kakalimutan nalang siguro nya talaga ang ideya na magiging sila pa.
Naantala siya sa panonood ng biglang may tumawag sa kanya. Kinabahan siya bigla ng mag register ang pangalan ni Euri sa kanyang cellphone. Tagal na siyang nagpalit ng number pero yung number ni Euri ay kahit kailan ay hindi nya binura. Ibig sabihin ba ay hindi ito nagpalit ng number? Yun parin ang gamit nito? At teka? Paano nito nakuha ang number nya? At ito ba talaga ang tumatawag sa kanya ngayon?
"Ano?tititigan mo nalang yang tumatawag? Aba sagutin mo." Pukaw ni Yuan sa napakaraming tanong sa kanyang isipan.
Nanginginig ang mga kamay na sinagot nya ang call.
"Hello!" Inis na sagot nya.
Nangingibabaw kasi ang inis na nararamdaman nya para dito. Naalala nya kasi ang mga sinabi nito nung nakaraan tapos hindi naman nito ginawa.
"Galit?" Puna nito.
Sh*t parang gusto nyang matunaw sa boses ni Euri. Nakakainis, nawawala yung tampo na nararamdaman nya dito. Parang anytime kaya nya talaga itong patawarin. Maygas napakarupok talaga nya pagdating dito.
"Bakit nga?" Bagkus ay naiinis paring tanong dito.
"Bakit ang sungit mo? Na mi miss ka lang naman." Sagot nito.
"Tigilan mo ako Euri, umiinit ang ulo ko dyan sa mga sinasabi mo." Naiinis talaga siya dito. Makasabi ng miss kala mo hindi nanaman nawala ng ilang buwan.
"Atleast kilala mo parin ang boses ko hanggang ngayon."
"Oh bakit ka nga tumawag?" Pagtataray parin nya dito.
"Na mi miss nga kasi kita."
"Lakas ng trip mo."
"Bakit ang sungit mo?"
"So dapat maging happy ako sayo?"
"Hindi mo ba ako na miss?"
"Hindi!"
"Pupuntahan pa naman sana kita kung miss mo na ako "
"Wag na! Dyan ka nalang. Sanay naman na ako na ganyan ka."
"Sanay na ano?"
"Wala!"
Gusto nyang maiyak sa inis. Bakit parang wala lang lagi ang lahat kay Euri. Mukhang wala talaga itong pakialam sa nararamdaman nya.
"Ayaw mo yatang puntahan kita eh."
"Pwede ba? Hindi na ako natutuwa. Kung aalis ka sa buhay ko, umalis kana ng tuluyan. Hindi yung ganito, nakakapikon ka na Euri." Napapalakas na ang boses nya.
"Remember what I told you? I'm staying!" Sagot nito.
"Kaya pala!" Puno ng sama ng loob na turan nya.
"Turn around." Utos nito.
"Bakit?" Takang tanong nya.
"Basta!"
Sh*t parang nanghina ang kanyang tuhod ng paglingon nya ay mukha ni Euri ang una nyang nakita. May hawak itong bouquet of roses, kasama nito si Amaris na may hawak ng cake at may nakasulat na "I'm sorry!" Hindi nya alam ang dapat maging reaksyon ngayong kaharap nya si Euri. Gusto nyang lapitan ito at yakapin ng mahigpit. Lumapit sa kanya si Amaris at sinenyasan siya nito na hilahin pataas yung "I'm sorry" na nakalagay sa cake. Ala money cake ang style pero habang hinihila nya pataas imbis na pera ay
Will
You
Be
My
Girl
friend?
Ang lumabas at mayroong bracelet na naka kabit sa dulo. Hindi makapaniwala ang kanyang naging reaksyon. Napatakip nalang siya ng bibig, speechless ang lola mo.
Kinuha ni Euri ang bracelet at marahan itong ikinabit sa kanya. Speechless parin ang lola mo, wala siyang makuhang isagot.
"Pwede ko na bang makuha ang sagot mo?"
"Yes!" Mahinang sagot nya at pagkatapos ay niyakap nya ito ng mahigpit.
Tuwang tuwang niyakap din siya ng mahigpit ni Euri. Sa sobrang sayang nararamdaman nya ay hindi nya tuloy namalayan na nag walkout na si Yuan.
"Congrats bestie!" Bati sa kanya ni Amaris. "Bes baka naman pwedeng maipakilala sakin si Apol." Hirit nito.
"Yaan mo, pag may pagkakataon, ipapakilala ko sila sayo lahat." Sagot ni Euri.
"Teka nga pala, wala ka bang gig ngayon?"
"Binigyan kami ng isang buwang bakasyon ni Tita Kat."
"Maiwan ko muna kayo para makapag usap kayo." Exit ni Amaris.
"One month break? Really?" Tanong nya dito.
"Enough time to fix Ian's trouble." Sagot nito.
"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rock my worldWhere stories live. Discover now