Khareezma's POV
Second day sa school, nakakapagtaka ang tila hindi pagpansin sa kanya ng mga classmate nilang babae. Ito ba yung epekto nung picture nila ni Pako na kumalat? Kagabi kasi ay tumambay sa kanila si Kisses at ni kwento sa kanya yung tungkol dun sa picture nila ni Pako na kumakalat. Pasalamat nalang at naagapan naman daw agad ng mga SSG officers. Akala pa naman nya ay hindi na ito big deal. Una sa lahat hindi naman kasi totoo na hinalikan nya si Pako, malisyoso lang talaga yung kumuha ng picture at ikalawa halos hindi naman kilala yung mukha nya dun sa picture kasi medyo naka side view sya nun, depende nalang talaga kung nakita nila yung pangyayari. Hay bakit ba ang dameng tsismiso at tsismosa sa school na to? Catholic school sila tapos ganito pag uugali ng mga tao dito? Hay! Hanggang sa magsimula ang klase ay lalo nyang nararamdaman ang pag iwas sa kanya ng mga kaklase nyang babae. Lalo na nung mag activity sila at need na may kapartner sila. Wala manlang pumansin sa kanya para maki grupo. Pakiramdam nya invisible siya ngayong araw. Sa mga boys naman ay nagbakasakali siyang makigrupo, ngunit malas lang talaga at naunahan na siya ng iba. Umupo nalang siya, bukod sa naiirita na sya sa nangyayari ay naiiyak na din siya. Wala siyang grade sa Filipino pag hindi siya nakapag peform ng activity. Maya maya ay napansin nyang titig sa kanya si Euri.
"oh bakit? " pagtataray nya dito.
"wala! Bawal ka tingnan? " tanong nito.
"Oo, lalo na pag ganitong naiirita ako. "
"may kagrupo kana? " tanong nito sa kanya.
"mukha bang meron? " pagtataray parin nya. Naiinis na kasi talaga siya.
"makikigrupo sana ako sayo. Pero mukhang mainit ulo mo kaya wag nalang. " sabay talikod nito sa kanya, tangkang aalis na.
"teka! Sandali! " awat nya dito.
"oh bakit? "
"sige na, tayo nalang ang magka grupo. " tila maiiyak na talaga siya.
"tara!"
Nagtulong na sila ni Euri gumawa ng kanilang output. May konsyensa din naman pala ang mokong na ito eh. Alam naman nyang madameng nag aalok na maki grupo kay Euri pero tinanggihan nito lahat para sa kanya. Marahil ay alam na din nito ang nangyari kaya nag kusa na itong tulungan siya. Gusto nya sanang kiligin kaso nagpupumilit naman pumasok yung ideya na kaya lang naman nito yon ginawa ay dahil kahit papaano ay kaibigan na din siya nito. Tama Khareezma, wag mag isip ng kung anu ano, wag kang hopia.Pagkatapos ng subj nila sa Filipino ay hindi na muli pang lumapit sa kanya si Euri. Kainis kala pa naman nya yun na yung simula ng pagiging super close nila. Kakaiba talaga ang nararamdaman nya para kay Euri. Ok ganito, si Apol crush nya at kinikilig siya sa mga simpleng pagkakataon na naglalapit yung landas nila, pero yung kay Euri iba, bawat presensya nito ay kakaibang kaba ang binibigay nito sa kanya. Basta iba talaga ang epekto nito sa kanya.
"can I sit beside you? " maya maya ay entrada ni Pako.
"cutting ulet? Balik tanong nya dito.
"hindi ah, wala yung teacher namin ngayon kaya bakante kami ngayon. " paliwanag nito.
"Si Kisses nasaan? " tanong nya dito.
"nasa library, may i re reasearch yata tsaka nung groupmates nya sa Science. "
" ikaw? Hindi ka magre research? " tanong nya dito.
"madali lang naman yung science kaya kahit hindi na. " balewalang sagot nito.
"yabang! " hampas nya dito.
"aray! " reklamo nito. " kamusta ka? " maya maya ay tanong nito sa kanya.
"kamusta? Ako? Hindi ako ok. I think every girls in this school hates me. " sumbong nya dito.
"dahil dun sa picture? " tanong nito.
"alam mo yung tungkol dun? " tanong nya dito.
"Oo, pinakita ni Yra kagabi yung picture. Its a good thing that the SSG president is his good friend. Kaya hindi na masyadong kumalat yung picture. "
"kahit pala may kayabangan yung mokong na yun, may pakinabang din pala. Di bale mag te thank you ako sa kanya mamaya. "
"Yaan mo na yun, makakalimutan din nila katagalan yung picture na yun. "
"ang hindi ko maintindihan kung bakit sila nagagalit sakin? Lalo na yung mga girls, kala mo mortal sin na yung nagawa ko. "
"hindi ko alam. " sabay kibit ng balikat.
"ganito ba talaga mga girls dito? " tanong parin nya.
"hindi ko nga alam." mukhang nakukulitang sagot nito sa kanya.
"sungit! "
"tara libre nalang kita ng ice cream. " yakag nito sa kanya.
"buti pa nga! "
YOU ARE READING
Rock my world
RomanceEuri Azarcon's song compositions had made the band aid reach its peak during their time. Maraming nakakarelate sa mga kantang ginagawa nito. Pero sino nga ba ang inspirasyon nito sa kanyang mga ginagawa? Sino kaya ang pinapatungkulan nito sa mga g...