Chapter 2

6 0 0
                                    

Khareezma's POV

"ok ka lang?" takang tanong sa kanya ni Kisses.
"nakakainis talaga yun kahit kailan.  Hindi ko na talaga siya crush. " maktol nya kay Kisses.
"sino? si Euri? " punong puno parin ito ng pagtataka.
"sabi mo malambing yung Euri na yun tsaka mabait?  Mukhang hindi naman ah. " nakasimangot na tanong nya dito.
"teka! Ang labo eh, paano mo nakilala si Euri? Kaw ah! May hindi binabanggit sakin. " may tampo sa tinig nito.
"hindi!  Siya yung isa ko pang crush na kinu kwento ko sayo. "
"si Euri? Kakagaling lang nun sa probinsya. Paano kayo nagtagpo? "
"ewan ko!  Malay mo bago sila umalis papuntang probinsya. "
"sabagay! "
"loko yun ah!  Mukhang may balak pa akong ibuking kay Apol. "
"knowing him. Hindi nya gagawin yun.  Euri being gentleman, wont do such thing. " maarteng sagot nito.
"laki ng bilib mo dun. "
"kasi alam kong hindi siya ganun. "
"eh muntik na nga nyang gawin kanina diba? " inis na sagot nya.
"he's just teasing you. Ano ka ba?!"
"kahit pa,  hindi parin nakakatuwa. "
"ang sungit naman.  Makakasundo mo rin yun si Euri,  ganun lang yun pero mabait yun. "
"hmmp!  Kahit hindi na.  Siya sige! Uwe muna ako. "

Tuluyan na silang naghiwalay ni Kisses.  Naiinis kasi siya sa Euri na yun.  Grabe ang tagal nyang inasam na ma meet ito ulet tapos ganun lang yung gagawin nito?  Panira talaga. Eh ano kung cute siya?  Eh ano kung ang ganda ng boses nya?  At eh ano din kung nakakatunaw yung mga ngiti nya?  Wala talaga siyang pakialam. Simula ngayong araw na ito ay hindi na talaga nya crush ang Euri na yun.

Kinagabihan ay napagpasyahan nyang tumambay sa may gate.  Nagbabakasakali kasi siya ma tye tyempuhan nya doon si Apol.  Buti pa si Apol gwapo na, mabait pa.. San ka pa?  Wala ka ng hahanapin pa.

"oh! " abot sa kanya ng pili nuts candy ng isang pamilyar na tao.
Nag angat siya ng mukha upang makita kung sino ang nasa harapan nya. Bigla siyang kinabahan ng malaman kung sino ang pamilyar na taong ito.  Si Euri!  Syeeet naman ang bango nito,  nakaka pogi yung pabango nito. 
"ano?  Tititigan mo na lang ba? Ayaw mo ba? " kaswal na tanong nito.
Shocks!  Kaswal lamang pagkakasabi nito pero tila musika sa kanyang pandinig ang tinig nito.  Pakisalo naman ako please! mahuhulog na yata ako.. Sinasabing wag akong bibiglain eh.

"ok ka lang? " pumitik ito upang agawin ang kanyang naglalakbay na diwa.
"bakit mo ako binibigyan nyan? " supladang tanong nya dito.
"naniningil ka ng utang diba?  Oh ayan na yung bayad ko. "
"diba nga hindi tayo magkakilala? " pagsu suplada parin nya dito.
"ayaw mo ba? " tangkang babawiin na nito ang dala nito.
"syempre!  Gusto! " sabay kuha dito ng pili nuts candy.
"yun naman pala eh! " tangkang aalis na.
"pasaan kana? " tanong nya dito.
"dito kila Apol,  tatambay. " sagot nito.
"pwede sumama? "
"wag na!  Magpapa cute ka lang dun eh! " tuluyan na itong umalis.
"sungit! " pahabol na sigaw nya dito.

Napapangiti siyang pumasok sa loob ng bahay.  Kakasabi palang nya kanina na hindi na nya crush si Euri pero heto siya ngayon at kilig na kilig.  Kung pwede lang talagang ipa frame itong pili nuts candy talagang ipapa frame nya talaga.  Ni picture-an nalang nya ito para may remembrance sya.  Ang hirap tantyahin ng ugali nito pero ewan ba parang yun pa nga yata ang rason kung bakit ang lakas makapukaw ng interes nito.

Euri's POV

"Ngiting ngiti ka? Anong meron? " puna ni Apol sa kanya.
"wala naman!" sagot nya.
"malapit na ang pasukan ah! Back to school nanaman. " turan nito.
"Si Khareezma ah,  dun na din mag aaral sa SMA. " singit ni Yra. "malamang kaklase nyo ni Pako yun. "
"ahw junior din pala yun. " kunwari ay nagulat na reaksyon nya.
"sana nga senior nalang para kami ang magkaklase eh. " sagot ni Yra.
"type mo yun? " tanong nya kay Yra.
"bakit bawal? " balik tanong nito sa kanya.
"hindi naman kaso ang pa cute naman nun masyado. " komento nya.
"ayus lang yun.  Sakin talaga yun nagpapa cute. " tumatawang sagot nito.
"baliw! "

Rock my worldWhere stories live. Discover now