Chapter 9

2 0 0
                                    

Euri's POV

Pagkatapos ng shooting ng show ay pa sekreto nyang hinila si Kai. Hindi nakakatuwa ang ginawa nito.

"bakit ba? " tanong nito.
"you're asking me why? You've just announced to the national tv that you are my girlfriend." mahina ngunit madiing turan nya dito.
"girlfriend mo naman talaga ako diba? Hindi pa naman tapos yung one month. So technically mag on tayo. " sagot nito.
"I know! Pero bakit kailangan mo pa ibalangibog sa buong Pilipinas? "
"syempre para tigilan ka na ng mga babaeng nag a ambisyon na mapansin mo. " sagot nito.
"you know what? You're sick. " pikon na turan niya dito.
Hindi nya maintindihan kung ano ang tumatakbo sa utak nito. Ano pa bang gusto nito? Pinagbigyan na nga nya ito sa gusto nito tapos ganito pa ang gagawin?
"yes! I'm sick. So sick and tired of this. Napapagod na ako kakahabol sayo, kakapilit ng nararamdaman ko para sayo. Pero ewan ko ba, kahit anong gawin ko mukhang hindi mo talaga ako kayang mahalin. " nagsisimula ng tumulo ang mga luha nito.
"akala mo ba madali sakin to? Akala mo ba gusto ko yung ganito? Nilulunok ko yung pride ko makasama ka lang. Kahit alam kong nakakairita na ako, kahit alam kong tinataguan mo na ako minsan, tuloy parin ako. Kasi alam ko, oras na bumitiw ako tuluyan kang mawawala sakin. " iyak nito sa kanya.
Tahimik lamang siya, hindi nya alam ang isasagot dito. Alam nyang nasasaktan nya na ito sa ginagawa nya dito. Nakokonsyensya siya dahil hindi manlang nya masuklian ang ibinibigay nitong pagmamahal sa kanya.
"hindi naman ako magiging ganito ka insecure kung binibigay mo sakin yung security na kailangan ko. " dagdag pa nito.
"I'm sorry! " yun lang ang naisagot nya dito.
Sobrang guilt ang nararamdaman nya para dito. Oo nga, ito naman ang may gusto ng ganito, pero hindi naman siguro ito aasa kung wala siyang signal na bininigay dito. Kung nung una palang sana ay dineretso nya na ito at hindi nya na ito pinagbigyan pa sa mga gusto nito ay hindi na sana ito aabot pa sa ganito. Kitang kita nya ang paghihirap at sakit sa mga mata nito. Sa ilang taon na binibitin nya ito sa ere, sa ilang taon na walang tigil na paghabol nito sa kanya. Hay! Ano ba tong ginawa nya?
"huling tanong Euri, hindi mo ba talaga ako kayang mahalin?" lakas loob na tanong nito.
Napatitig siya dito. Wala siyang mahagilap na isagot dito.
"sagutin mo na, promise titigil na talaga ako kakakulit sayo pag sinagot mo yang tanong ko. " kita nya ang kaba sa mga mata nito sa maaaring isagot nya.
"I'm sorry!" sa ngayon yun lang ang paulit ulit na kaya nyang isagot dito.
"wala ka bang ibang kayang isagot kundi sorry?"
Nanatili lamang siyang nakatitig dito. Alam nyang isang maling sagot ay tuluyan itong mawawala sa kanya.
"ok! Sige na. Para sa ikatatahimik mo, hindi na kita guguluhin pa. Titigil na ako kakakulit sayo. Tatanggapin ko na, na hindi talaga at hindi mo ako kayang mahalin. " lalong bumilis ang pagtulo ng mga luha nito.
Wala parin siyang mahagilap na isagot dito. Naaawa siya dito at alam nya din sa sarili nyang ayaw nyang mawala ito sa kanya, pero sa ngayon ay hindi pa talaga nya kayang ibigay ang hinihingi nitong pagmamahal.
Nang wala paring makuhang sagot mula sa kanya ay tuluyan na itong tumakbo palayo sa kanya. Gusto sana nya itong habulin kaso baka makapag bigay nanaman siya ng maling signal dito. Hayaan nalang muna nyang parehas silang makapag isip isip at baka pagkatapos nun ay maging malinaw sa kanila parehas kung ano ba talaga ang gusto nila.
Tinawagan nalang nya si Pako at pinakiusapan na ihatid muna si Kai sa kanila at pagkatapos ay nag meet sila ni Pako sa isang bar upang mag inom. Stress siya ngayon, kailangan ng maboteng usapan.
"problema? " tanong sa kanya ni Pako.
Kibit balikat lang ang tugon nya sabay inom ng beer.
"LQ?"
"ewan ko! " sabay buntong hininga.
"ano bang nangyari? Kayo ba talaga ni Kai? "
Ikinuwento nya dito ang deal nila ni Kai at kung paano na hindi nya inexpect na sasabihin nito yun sa harap ng local televesion.
"you can't blame her, you didn't give her the security that she wants " sagot nito.
"yun nga ang sinabi nya sakin kanina. English version lang yung sayo. " biro nya, baka sakaling gumaan yung awra nila.
"mahal mo ba? "
"hindi ko alam. "
"ang labo mo pare. Pakawalan mo nalang kung hindi mo talaga gusto. "
"ayokong mawala siya."
"so selfish of you! " komento nito.
"I know! " mahinang sagot nya.
"sabi nya kanina lalayo na daw siya sayo. "
"Oo nga daw. "
"yun ba ang gusto mo? "
"mas maigi na siguro yun kaysa sa paulit ulit ko siyang nasasaktan. "
"hindi mo ba talaga siya kayang mahalin. "
"hindi naman siya mahirap mahalin. Kaya lang, ewan ko ba. Ako ang problema eh. "
"may iba kang gusto? Or ano ba? " tanong nito.
Hindi siya umimik, malamang kasi ay tatawanan siya nito pag nalaman nitong si Khareezma ang gusto nya. Sa tagal ng panahon tiyak iisipin nitong imposible ang kanyang nararamdaman.
"Oi ano na? " tanong nito."
"wala! Palagay mo ba? Anong dapat kong gawin?"
"you have two choices, love her or lose her. "
"hindi ko alam. "
"bakit ba kasi hindi mo subukang mahalin si Kai? Wala namang mawawala sayo kung sakali."
"sinusubukan ko naman eh. Basta, mahirap ipaliwanag. "
"pare hindi ka naman ano, yung alam mo na? " natatawang tanong nito.
"sira! Hindi ako bakla. " tumatawang sagot nya dito.
"wala pa akong nababalitaang naging girlfriend mo. Oh baka naman magaling lang talaga mangharang si Kai? " natatawa parin ito.
Natatawang napainom lang siya sa tinuran nito.

Rock my worldWhere stories live. Discover now