Chapter 7

3 0 0
                                    

Euri's POV

Maaga palang ay nakareceive na sya ng text mula kay Ian. May gig daw na na iclose si Tita Kat kaya kailangan nilang mag praktis. Pagkatapos maligo ay dumiretso na siya kala Ian.

"ako talaga yung pinaka una? Himala ba to? " gulat na tanong nya kay Ian nang malaman na siya palang ang naroroon.
"mukhang ikaw lang kamo ang sisipot. " sa hindi malamang tono na sagot ni Ian.
"anong ibig mong sabihin? " takang tanong nya.
"ayaw ni Pako pumunta, nagkasagutan pala sila nung nakaraan ni Apol. "
"bakit anong nangyari?"
"pinagseselosan nya kasi si Pako. Parang baliw yun, lahat ng lumalapit kay Khareezma inaaway. "
"maybe he's just protecting his teritory. " sagot nya.
"kahit pati ikaw gustong awayin? " tanong ni Ian sa kanya.
"bakit naman nya ako aawayin? " gulat na tanong nya.
"nakita nya kayo kagabi ni Khareezma. Gusto ka nga kumprontahin, pinagsabihan ko nga lang. Kaya hindi rin yun ngayon sisipot. "
Natigilan siya sa tinuran ni Ian. Nakita pala nito ang pagyakap at paghalik sa kanya ni Khareezma. Kakaiwas nya sa gulo pero mukhang kusang lumalapit sa kanya yung kumpromiso.
"Eh si Yra? "
"mas lalo, nagsuntukan nanaman daw yung dalawa nung nakaraan din. Selos na selos din kasi kay Yra. Lakas ng tama nun eh"
"buti ikaw wala kang issue? "
"meron, but Im setting it aside for the sake of this band and most of all because of our friendship. Babae lang naman yan eh. " mahabang sagot ni Ian.
"yun na nga eh, dahil sa babae nagkakalabo labo tong pagkakaibigan natin.
Nagkibit lamang ng balikat si Ian bilang tugon.
"anong gagawin natin? " tanong nya dito.
"ewan ko. Siguro kalimutan nalang muna natin yung pangarap nating mag banda. Sa kalagayan ngayon mukhang malabo na kasi eh. "
"Ang layo na ng pinagod natin. Tapos ngayon pa ba tayo titigil? " hindi nya matanggap ang sinabi nito.
"wala naman tayong magagawa. Alangang tayong dalawa lang? One man band? Ako keybordist tas ikaw singer. Ano? " halong biro nito.
"Ian naman eh. Mag meeting tayo. Pag usapan natin to, ayusin natin to. " suhestyon nya dito.
"diba nga hindi sila sumipot? Mukhang malabo yang gusto mo. "
"subukan lang natin. Kausapin mo si Apol, ako ang bahala ky Pako at Yra. "
"Next time nalang. Palipasin muna natin. Masyado pang mainit yung issue. Sige na, kakausapin ko pa si Tita Kat na cancel muna yung gig. " tinapik tapik sya nito sa balikat at pagkatapos ay pumasok na ito.

Wala sa sariling tinungo nya ang daan palabas ng bahay nila Ian. Hindi nya matanggap ang nangyayari, bakit hinahayaan ng mga kaibigan nya na masira ang kanilang pagkakaibigan ng dahil lang sa isang babae? Ok, aaminin nya kahit siya ay apektado sa pagkakaroon ng relasyon ni Apol at Khareezma pero hindi nya hinahayaang makaapekto yun sa kanila. Naagaw ang kanyang atensyon ng biglang may tumawag sa kanya ng traydor. Paglingon nya ay si Apol ito.

"Anong sabi mo? " harap nya dito.
"sabi ko traydor! " ulit nito.
"ano bang problema? Pag usapan natin to Pol. " mahinahong kausap nya dito.
"ang problema ko, nilalandi mo yung girlfriend ko. " may galit ang tinig nito.
"Look! If this is about last night, I can explain. " buong hinahon paring turan nya.
"Anong paliwanag pa ba ang kailangan? Kitang kita namang nilalandi mo si Khareezma. " galit paring turan nito.
"Pare naman, palagay mo ba magagawa ko sayo yun? Tsaka wala ka bang tiwala saming mga kabarkada mo? At pati kami pinagseselosan mo?"
"Si Yra nga dati sinulot si Yani sakin na kapatid ko na mismo. Kayo pa kayang mga kabarkada ko lang? "
"ganyan ba tingin mo samin? "
"pinoprotektahan ko lang kung ano ang sa akin. " matatag na turan nito.
"umayos ka nga. Sa ginagawa mo nasisira yung pagkakaibigan natin. Yung pangarap ng grupo natin paano na? "
"wala na! Yang grupo? yang pagkakaibigan natin? Kayo mismo ang sumira. Simple lang naman sana diba? Respeto! kasi alam nyong girlfriend ko na siya. Yun lang naman diba? "
"Pare! Hindi namin magagawa yang iniisip mo. "
"Kaya pala sarap na sarap ka kagabi sa yakap at halik ni Khareezma. "
"Mali ang iniisip mo pare. "
"mali? Anong mali dun sa nakita ko? Sige nga? Paano mo ide deny yun? "
Ipinaliwanag nya dito ang nangyari kay Khareezma at ang paglilitas nya dito.
"tsaka hindi ko naman alam na gagawin nya yun bilang pasasalamat. Nabigla din naman ako. "
"mukhang hind naman nabigla ang hitsura mo kagabi. Mukha ka pa ngang tumama sa lotto sa saya. "
"alam mo? Ayoko na. Ang labo mo kausap. Bahala kana sa buhay mo kung ayaw mo maniwala. " tuluyan na siyang napikon dito.
"Oo talaga. Wala na akong pakialam sainyo. Ayokong makipagkaibigan sa mga traydor. "
"mas lalo naman ako. Ayokong makipagkaibigan sa baliw at paranoid na parehas mo. Kala mo naman ang ganda ganda ng girlfriend mo kung makapag selos ka. Para malinaw sayo, hindi ko type si Khareezma at kahit kailan hinding hindi ko siya magugustuhan. Ok na? " mahabang turan nya dito.

Rock my worldWhere stories live. Discover now