Chapter 4

3 0 0
                                    

Khareezma's POV

"ano ba to?  Sunod ng sunod? " reklamo sa kanya ni Euri.
Pag walk out kasi nito ay sinundan nya parin ito. Halata kasing tensyonado ito at may itinatago. Kanina ay nakita nya kung paano tila nagmamadali nitong inilayo sa iba si Yra.
"dun ka na nga.  Si Pako nalang ang kulitin mo. " reklamo parin nito sa kanya.
Natigil siya sa pasunod kay Euri ng makita si Yra na tila seryosong seryoso makipag usap dun sa itinurong babae sa kanya ni Kisses. Kaya pala paikot ikot lang sila ni Euri sa lugar na ito ay may binabantayan pala ito.
"wag kang maingay kay Apol ha? " agad na bilin nito sa kanya, nung mapansin nito na nakita na nya ang itinatago nito. Ngunit bago pa man makasagot dito ay nataranta siya dahil papunta sa kinaroroonan nila si Apol.  Agad silang nagkatitigan,  na tila nag iisip kung ano ang gagawin.
"Si Apol! " magkapanabay nilang turan.
"Kanina pa kita hinahanap Euri,  gusto ka daw makausap ni Tita Kat." turan ni Apol habang naglalakad papalapit sa kanila.
"libangin mo muna si Apol. " tensyonadong utos nito sa kanya.
"bakit ako?  Ikaw ang hinahanap. " halos nagbubulungan na sila dahil papalapit na ito sa kanila.
"bilis na!  Magaling ka naman sa mga ganyan. "
"teka ano bang nangyayari? " takang tanong nya dito.
"mamaya na ako magpapaliwanag. " tulak na nito sa kanya.
Muntik pa siyang matumba sa pagkakatulak nito sa kanya.
"aray!  Patay ka sakin mamaya!" reklamo nya dito.
"Apol!  Ano kasi.. " salubong nya dito.
"teka mamaya!  Kakausapin ko lang si Euri. " dismiss nito sa kanya.
"ano.. Samahan mo muna ako saglit lang talaga. " natatarantang hila nya dito.
"ok ka lang? " tanong nito sa kanya.
"hindi ako ok,  kaya please samahan mo muna ako. " nanlalamig na ang mga kamay nya sa sobrang kaba. Naman kasi minsan talaga hindi nakakabuti ang pagka tsismosa.
"youre' cold.  What's wrong? " biglang nag alalang tanong nito sa kanya.
"yung..yung tyan ko kasi masakit.  Oo masakit.  Samahan mo naman ako sa c. R.  Hindi ko kasi kabisado tong bahay nila Ian. " ba naman kasi eh,  wala na siyang ibang maisip na dahilan.
"tara! " kahit nagtataka parin ay sinamahan parin sya nito.
"wag mo kong iiwan ah! Saglit lang ako promise! " bilin nya dito ng marating na nila ang c. R.

Pabalik balik siya sa loob ng c. R.  Ano pa bang gagawin nya para mas mapatagal pa si Apol sa tabi nya? Pahamak naman kasi itong Euri na to eh.  Sinali sali pa siya sa gusot nito, hay bahala na nga.  Maya maya ay nagpasya na siyang lumabas ng c. R.

"ok kana? " tanong nito sa kanya.
"Oo,  pero Apol pwede bang magpahatid sayo pauwe? " todo na to pati pamato at panabla.  Kailangan nyang mailayo si Apol dito.  Bukas na siya hihingi ng paliwanag kay Euri sa nangyayari.
"sige!  Kukunin ko lang yung kotse,  hintayin mo ako dito. " pagpayag nito.
"wag na Pol.  Lakad nalang tayo.  Malapit lang naman yung amin eh. " pigil nya dito.
"ok lang sayo?  Naka dress ka at naka heels? " tanong nito sa kanya.
"ah ito ba? " tanong nya sa suot na heels. " maliit na bagay. " mabilis nya itong hinubad.
"ayos ah!  So tara na? " natatawang yakag nito sa kanya.

Gagamitin na nya ang pagkakataong ito para makapagpapansin kay Apol.  Minsan may pakinabang din pala tong si Euri eh!  Nawala na ang kaba na nararamdaman nya ng maisip nya ang ideyang ito.  Sasamantalahin nalang nya ang pagkakataon.  Bwahahaha... 😂😂😂😂😂😂😂

Ngunit bago pa man sila tuluyang makalabas ng gate ay biglang emeksena si Euri.  Tinawag nito si Apol.  Anak ng teteng naman oh,  bakit ba ang galing manira ng moment ng Euri na to.  Tsaka teka!  Diba binabantayan nito sila Yra?  Anong ginagawa nito ngayon dito?

"oh bakit? " tanong ni Apol dito.
"hinahanap mo ako diba!?" tanong nito kay Apol.
"ahh Oo,  mamaya nalang.  Ihahatid ko muna sa kanila si Khareezma. " sagot nito.
"ako na ang maghahatid sa kanya. " presinta nito na siyang kinalaki ng kanyang mga mata. Hindi nya alam kung nanadya ba ito o talagang effortless lang talaga na panira ito ng moment?
"hindi ok lang pare!  Saglit lang naman. " tanggi ni Apol dito.
"Oo nga! Saglit lang naman hanggang samin. " segunda nya kay Apol.
" Gusto ka daw kasi ma interview ni Cecelia Mac (isang sikat na columnist) pagkakataon na natin pre para maipakilala mo yung banda natin sa press. " sagot naman nito agad.
"teka bakit ako lang? " takang tanong nito.
Nagkibit ito balikat.  " walang magagawa, ikaw ang pinaka gwapito sa grupo eh. " biro nito.
"imbento nanaman to eh. " natatawang sagot nito.
"totoo nga kasi.  Puntahan mo si Ian para malaman mo. " natatawang sagot nito.
"eh paano si Khareezma? " alinlangang tanong nito.
"ako na nga ang bahala sa kanya. Sa kabilang kanto lang naman bahay nito.  Babalik din ako agad pagkahatid ko dito. " pag a assure nito kay Apol.
"sya sige. " tuluyang pagpapaubaya nito kay Euri.

Rock my worldWhere stories live. Discover now