Euri's POV
Naguguluhang inilapag nya sa side table ang kanyang cp. Ang gulo ng babaeng yun, hindi maintindihan kung ano talaga ang gusto. Naiinis ito sa kanya ng hindi nya maintindihan, hindi naman nya inaano. Bahala nga siya. Makatulog na nga din.
Genie in a bottle
-band aidI
I am not a dreamer
Nor a believer
But then you came
Now youre' the one I aim
Yes! I am willing to surrender
My heart to you foreverRefrain:
I wish I could find a genie
A genie in a bottle
Who could grant me
Three wishesChorus:
If I could only have three wishes
I wish to hold your heart
I wish to be in your mind
I wish to have you forever
But if only one wish is allowed
My only wish is you.II
I wanted you badly
That i cant sleep tightly
All I want is you by my side
Growing old with you,
That's what I wanted to.Repeat refrain and chorus
Bridge:
Can you please! please! please!
Grant my wishes.
Genie in a bottle.Repeat chorus 2x
Genie in a bottle
Genie in a bottle
Make my wish come trueAlmost done na yung kauna unahang magiging album nila na self titled na "band aid" at yung genie in a bottle ang gagawin nilang single. Sa sobrang busy ay hindi sila masyadong nagkakausap ni Khareezma. Yung isang linggo na hiningi nilang break sa school ay umabot ng buwan. Pero hindi naman siya nagpapabaya sa school, lahat ng kailangang activity ay inaasikaso nya. Pag merong exam and quizzes ay nag special siya ng take. Pare parehas sila ng ginagawa nila Pako at Yra. Mahirap pero kailangan, yun kasi ang kasunduan nila sa kanilang mga magulang. Kaya kahit busy sa pag gawa ng album at pati narin sa promotion ay hindi sila nagpapabaya. Manaka naka na rin na meron silang gig. Maliit lang yung TF pero keri na, basta nakakatugtog at nakikilala ng tao ay masaya na siya. Masaya siya sa kung ano mang tinatamasa ngayon ng kanilang grupo.
"Oi long time no see ah! " agaw nito ng kanyang atensyon. Nakatambay nanaman kasi ito sa kanilang gate.
"Oo nga eh, musta ka? " pangungumusta nya dito.
"Ok naman ako. Ikaw ang kamusta? " tanong nito sa kanya.
"pagod, pero masaya. " nakangiting sagot nya dito.
"pwede na ba ako magpa autograph sayo? " biro nito sa kanya.
"saka na, pag sikat na kami. " tumatawang sagot nito.
"bakit hindi ka nagti text? " biglang tanong nito sa kanya.
"busy? " alanganing sagot nya dito.
"bakit si Apol, araw araw naman nakakatext? " tanong parin nito.
Ngumiti lamang siya bilang tugon.
"ok, silence is an answer too. " medyo lumungkot ang mukha nito.
"sige na, mauna na ako. May meeting pa kasi kami kila Apol. " bagkus ay paalam nya dito.
"ok! " kita ang lungkot sa mga mata nito.Nagpatuloy na siya maglakad papunta kila Apol. Gustuhin man nyang balikan at pagaanin ang loob nito ay hindi nya magawa. Kinausap kasi siya ni Apol tungkol sa balak nitong panliligaw kay Khareezma. Kung maaari daw ay wag na nyang itext ito dahil mukhang nahahati daw ang atensyon nito sa kanya. Dahil mas matimbang ang kanilang pagkakaibigan at alam naman nyang mas ikatutuwa ito ni Khareezma ay nagpaubaya siya.
Khareezma's POV
Ngayon na ngalang sila ulet nagkita at nagkausap tapos sa ganito pa nauwe yung pag uusap nila ni Euri. Mukhang wala yata talaga itong gusto sa kanya. Bakit nga ba siya nagtatanong kung bakit hindi ito nagte text sa kanya? Obvious naman na ang sagot nito, wala kasi siyang kwentang kausap. Ang labo talaga ng taong yun, ang hirap tantyahin ng isip. Minsan ok, minsan naman hindi. Nakakainis na talaga, bahala nga siya. Hmmp!
"oh bat simangot ka? " puna ni Pako sa kanya. Mukhang papunta din ito ngayon kila Apol.
"wala!" maikling sagot nya.
"wala daw? Pwede ba yun? " tanong nito sa kanya.
"Oo, musta ka? Na mi miss kana ng mga chix mo sa school. " pag iiba nya ng usapan.
"pakisabi hindi ko sila na miss. " supladong sagot nito.
"lalo na yang kasupladuhan mo, miss na miss na din nila yan. " biro nya dito.
"hindi ko nga kasi sila miss. "
"eh sinong miss mo? " tanong nya dito.
"ikaw! " diretsong sagot nito.
YOU ARE READING
Rock my world
RomanceEuri Azarcon's song compositions had made the band aid reach its peak during their time. Maraming nakakarelate sa mga kantang ginagawa nito. Pero sino nga ba ang inspirasyon nito sa kanyang mga ginagawa? Sino kaya ang pinapatungkulan nito sa mga g...