Euri's POV
Gusto nyang matawa sa naging reaksyon ni Ian ng makasalubong sya. Tila kasi ay gulat na gulat ito.
"bat para kang nakakita ng multo? " takang tanong nya dito.
"wag mong sasabihin kay Apol na nakita mo ako ah?! " agad na bilin nito sa kanya.
"bakit anong meron? " lalo siyang nagtaka sa tinuran nito.
"sabi ko kasi may taping ako kaya hindi ako makakasama sa kanya. " sagot nito.
"aba! First time yata ayaw mo sumama sa lakad ni Apol. " Nakakapagtaka na talaga. Mag bestfriend tong dalawang to, kaya alam nyang sa hirap at ginhawa sasamahan ito ni Ian. Ano ba talagang meron?
"ang labo naman kasi ng gusto ni Apol eh. "
"bakit nga kasi? " curious na talaga siya sa nangyayari.Ikinuwento sa kanya ni Ian ang balak na pagtatapat ni Apol kay Khareezma. Aayain na nitong maging girlfriend si Khareezma. Nagpapatulong ito kay Ian upang sorpresahin ang dalaga. Hindi nya maintindihan kung ano ba ang dapat nyang maramdaman sa nalaman. Tiyak isang sabi lang ni Apol ay papayag na agad si Khareezma maging girlfriend nito. Alam nyang matagal na itong patay na patay kay Apol.
"oh bakit hindi mo suportahan si Apol? Bestfriend mo siya diba? " tanong nya dito.
"bakit ko naman gagawin yun? Trip ko din si Khareezma. " sagot nito.
"seryoso ka? " nabibiglang tanong niya dito.
"bakit bawal magkagusto sa bata? " agad na depensa nito sa sarili.
"bakit may sinabi ba ako? " natatawang tanong nya dito.
"makatingin ka kasi wagas eh. " natatawang sagot naman nito sa kanya.
Naloko na, mukhang silang lahat na yata ang may gusto kay Khareezma. Anong meron ang babaeng yun? At ang dameng nahuhumaling dito."eh bakit parang hindi naman halata na may gusto ka sa kanya. Hindi ka naman ganyan pag gusto mo ang isang babae." tanong nya dito.
"malamang! Pinakiusapan ako ni Apol na wag ko daw pormahan si Khareezma. Balato nalang daw sa kanya. Mabait naman ako kaya sige nalang. Kaysa naman sa si Kisses ang ligawan nya. "sagot nito.
" pinakiusapan ka din nya? " gulat na tanong nya dito.
"bakit? Ikaw din? " mas gulat na tanong nito sa kanya. "wag mong sabihing may gusto ka din sa kanya? " exagge na tanong nito sa kanya.
"hindi ah! Nagkakatext kasi kami dati ni Khareezma. Eh nalaman nya, kaya sabi nya sakin wag ko na daw itext at balak nga daw nya ligawan. " paliwanag nya dito.
"eh bakit kayo nagkakatext ni Khareezma? "
"wala! Bawal? Magkaklase kami kaya may no. nya ako. " kaila nya dito.
Nagkibit lang ito ng balikat.
"kailan ba daw balak magtapat ni Apol? " tanong nya.
"mamayang hapon daw. Ewan ko kung kanino nagpatulong yun mag asikaso. Kasi malamang hindi kay Yra, alam naman nating type na type nun si Khareezma. "
"baka kay Pako. " sagot nya.
"mas malabo yun. Mas malakas ang tama ni Pako kay Khareezma. " sagot ni Ian.
"bakit ba lahat kayo may gusto dun? Anong meron? " tanong nya dito.
"ewan! Siguro kasi maganda siya? " patanong na sagot nito.
"mukha lang ba ang pwedeng pagbasehan? " balik tanong nya dito.
"ahy sya! Hindi ko alam sa kanila. Atsaka bakit naman hindi? Ok naman si Khareezma. "
"bakit hindi si Kisses?" tanong nya dito.
"off limit si Kisses. She's like a little sister to me. So hindi kayo talo sa kanya bilang barkada ko kayo. Kaya bawal magkagusto sa kanya.
"Oo na nga!" natatawang sagot nya dito. "sya uwe na ako at may gagawin pa ako at ikaw wag ka ng gala ng gala at baka makasalubong mo pa si Apol. Yari ka dun. Wala kang suporta sa bestfriend mo. " tumatawang paalam nya dito.
"baliw! " tumatawa ding sagot nito.Tuluyan na silang naghiwalay. Naloko na, hindi pwedeng magtapat si Apol kay Khareezma. Kailangan nyang mapigilan ito. Hindi nya alam kung anong mararamdaman nya oras na maging mag on si Khareezma at Apol. Wala na finish na pag ganun ang nangyari. Di bale magpapaubaya na ngalang siya kung sakali. Hmmp! Bahala na nga!.
Khareezma's POV
¤san ka? "
Laking gulat nya ng magtext sa kanya si Euri. After 48 years ay ito ang nauna na magtext sa kanya.
YOU ARE READING
Rock my world
RomanceEuri Azarcon's song compositions had made the band aid reach its peak during their time. Maraming nakakarelate sa mga kantang ginagawa nito. Pero sino nga ba ang inspirasyon nito sa kanyang mga ginagawa? Sino kaya ang pinapatungkulan nito sa mga g...