Chapter 8

2 0 0
                                    

Khareezma's POV

kakatapos lang nyang manood ng prescon ni Apol. May kumalat kasi itong video na sinuntok si Ian dahil sa isang babae. All this time ay akala nila ay nag ma masteral ito sa ibang bansa, yun pala ay nagtatago lang ito sa Cebu. Ganito ang naging buhay nya sa loob ng apat na taon. Matahimik nyang sinusubaybayan ang buhay ng band aid members. Masaya na syang sa tv at magazine nya nakikita ang mga dating kaibigan. Mukhang tama nga si Euri, siya nga lang ang nakakagulo sa kanila, dahil isang taon ang nakalipas mula ng umalis siya ay tuluyang sumikat ang bandang band aid. Sobrang pumatok sa masa ang single nilang "Puhon" na madalas pa ngang mapagkamalan na "Panyo" ang title. Kahit siya ay gustong gusto ang kantang ito, pakiramdam nya kasi ay para sa kanya ito. Sa tuwing napapakinggan nya ang kantang ito ay pakiramdam nya ay direktang kinakantahan sya si Euri. Miss na miss nya na ito, lahat sila. Si Kisses kaya kamusta na siya? Ang tagal na nyang hindi nakakausap ang bestfriend nyang ito. Simula ng mag stay siya dito sa Masbate ay hindi na siya ulet umuwi sa lugar nila. Ang mga magulang nalang nya ang laging bumibisita sa kanya. Sa ngayon ay graduating na siya sa course na BS Accountancy. Konting push nalang at makaka graduate na din siya. Sa ngayon ay wala pa siyang plano pakatapos nito.

"hoy! " pitik ni Amaris sa tenga nya. Ito ang nagsilbing bestfriend nya dito sa Masbate. Agang aga tulala ka nanaman.
"napanood mo yung prescon kanina ng band aid?" bagkus ay tanong nya dito. Parehas silang die hard fan ng band aid. Tulad nya dati ay crush na crush nito si Apol. Wala namang bago, halos lahat naman ay ito ang gusto.
"Oo, nakabalik nadin si crush. Ang swerte naman nung babae na pinag agawan nila ni Ian noh? Hay sana ako nalang siya. " tila nag i imagine na turan nito.
"diba nga misunderstanding lang daw. Parehas nilang kaibigan yung babae. " sagot nya dito.
"hindi ako naniniwala. Hindi manununtok ng ganun si baby Apol kung wala lang. " sagot nito.
"hmmp! Wala akong pakialam. As long na walang girlfriend si Euri, ok ako. " sagot nya.
"basta ako si Apol lang, masaya na ako. "
"Nakuh iiyak talaga ako pag nalaman kong may jowa si Euri. "
Sa ngayon ay si Yra lang ang may kumpirmadong girlfriend sa band aid. Sa huli ay magkakabalikan din pala ito at ni Yani. Mukhang sila talaga ang ukol sa bawat isa. Ang swerte naman nila. Bago ang pag alis ni Apol ay may steady girlfriend ito kaso kasabay ng pagkawala nito ay ang pagkawala din ng relasyon ng dalawa. Walang nagkumpirma sa hiwalayan ng dalawa hanggang ngayon.
"mag concert lang talaga dito yung band aid. Promise gagawa talaga ako ng paraan para makayakap kay Apol. "
"oo nga noh, kahit isang beses hindi pa sila nakakapag concert dito. "
"hay sana sa fiesta sila naman yung kunin na tumugtog noh?"
"wish mo lang. Baka walang pondo para dun. Masyadong mahal yung talent fee nila. Tsaka malay mo fully booked na sila ngayong taon. May upcoming US band tour pa sila diba? "
"alam mo sobra ka pa sa stalker. Alam na alam mo yung mga sched nila. "
"baliw! Pina follow ko kasi yung page nila kya updated ako. Tsaka ayaw ko kasing may nakakalampas na info tungkol sa kanila. "
"alam mo bestie? Nakakatakot ka na. Ang ganda mo sana kaso stalker ka talaga. " biro nito.
"baliw! Sige na mauna na ako at may pasok pa ako. 2 weeks nalang final exam na kaya tigil muna tayo sa band aid na yan. " turan nya dito.
"sus! Sabihin mo yan sa sarili mo. "
Nagkatawanan silang dalawa at pagkatapos ay tuluyan na silang naghiwalay.

Euri's POV

kakatapos palang nilang mag practice. Agad nyang nilapitan si Kai upang buhatin. Nakatulog ito kakahintay na matapos ang kanilang practice.

"grabe talaga ang boses mo fafa Euri, himbing ng tulog ni Kai. " biro ni Ian sa kanya.
"baliw! " natatawang sagot nya dito.
"sagutin mo na kasi si Kai pare, bahala ka baka mauntog yan. Ikaw din ang mawawalan. " biro naman ni Yra sa kanya.
"sus! Tigilan nyo nga ako. " natatawang turan nya. " sige mauna na ako. Hatid ko lang si Kai sa kanila. " paalam nya sa mga ito.
"siya ingat! " turan naman ni Pako.
Samantala tango lang ang ibinigay ni Apol sa kanya, busy kasi ito mag videocall sa gf nitong si Jett.

Rock my worldWhere stories live. Discover now