chapter 10

1 0 0
                                    

Khareezma's POV

Shocks! Maya maya lang ay mag pe perform na ang band aid. Kinakabahan talaga siya, makikita na nya ulit sila Euri. Hindi nya alam kung lalapit ba sa mga ito o makakalapit nga ba siya sa mga ito?
"Ok ka lang? You're cold." Puna ni Yuan sa kanya.
Maaga palang kasi ay nasa plaza na sila ni Yuan at Amaris, gusto kasi nila makakuha ng magandang pwesto.
"Na e excite lang kasi talaga ako."
"Tara sa back stage, pa picture tsaka pa autograph tayo sa kanila?" Yakag ni Yuan sa kanya.
"Pasama!" Singit ni Amaris.
"Wag na! Mamaya baka sabihin pa ng mga tao may special treatment sakin." Tanggi nya.
"Aba! Personal na pera ko naman pinangbayad sa band aid ah. Ipon ko yun" Turan nito.
"Bunganga mo, tama na. Baka may makarinig. Ok naman na ako dito, pag sampa nila mamaya sa stage maganda ang pwesto ko dito."
"Siya bukas nalang. Dun naman mag i stay yang mga yan sa bahay. Dun ka nalang bumwelo."
"Talaga?" Nanlalaki ang mga mata na singit nanaman ni Amaris. "Mukhang makiki almusal ako sainyo bukas."
"Walang problema." Sagot ni Yuan.
"Iihi muna ako." Paalam nya. Kanina pa talaga siya kaka ihi dahil na te tense talaga siya ngayon.
"Samahan na kita." Presinta ni Yuan.
"Nakuh wag na, baka masingitan tayo dyan sa pwesto natin. Kaya ko na to. Magdadala nalang ako ng arenola pagbalik ko." Biro nya.
"Sya, kaw ang bahala."

Agad nyang tinahak ang daan papuntang cr. Badtrip medyo mahaba pa ang pila. Parang nanghina ang kanyang mga tuhod ng matanaw sa di kalayuan si Pako. Nakaharap kasi yung cr malapit sa entrance ng stage. Sh*t kung pogi dati si Pako, mas lalo na ngayon, wala ng bakas ng pagka totoy. Euri baka naman gusto mong magpasilip kahit saglit lang. Pinagpapawisan na talaga siya ng malamig at kanda haba na din ang leeg nya kakatanaw pero wala na ulet siyang nakita. Tsamba lang siguro yung pagkatanaw nya kay Pako.
"Miss ano ba? Iihi ka ba o hindi? Ang dame pang nakapila dito." Pagtataray sa kanya ng isang babae.
"Sorry!" Nagmadali na siyang pumasok sa cr, mukhang kailangan na din talaga nyang bilisan at malapit ng magsimula ang concert.

Paglabas sa cr ay kanda lingon parin siya sa may stage, nagbabaka sakaling magpapakita si Euri. Hindi nya tuloy namalayan na mababangga na siya. Ayun subsob ang lola mo. Buti nalang ay inalalayan siyang makatayo ng taong nabangga nya.
"Aray! Ano ba?" Mataray na turan nya sa taong nakabangga nya kahit pa alam naman nyang siya talaga ang may kasalanan. Hmmmp! Ang bango ah, mukhang pogi itong nabangga nya.
"Are you alright?" Maginoong tanong nito.
Hmmm..pamilyar ang boses na yun ah. Pag angat nya ng mukha ay napapalibutan sila ng ilang security personnel.
"Apol?!" Gulat ang kanyang reaksyon.
Sa hitsura nito ay mukhang kararating lang nito kasama ang mga security personnel. Packing tape, ang pogi naman ng ex niya.
"Khareezma?!" Mas gulat ang ekspresyon ng mukha nito.
"Nakuh hindi!" Tangkang kakaripas na siya ng takbo palayo dito. Para na siyang nabibingi sa lakas ng tibok ng puso nya.
Agad naman siyang nahawakan ni Apol sa braso at marahan siyang ibinalik sa harap nito. Sh*t gusto na nya maglahong parang bula. Pinagtitinginan na sila ng mga tao. Buti nalang ay may mga security dahil kung wala ay malamang kinuyog na sila ng mga tao.
"I know you are Khareezma. Tatakasan mo nanaman ba ako ulet? Tara sa loob, usap tayo." May pagmamaka awa sa boses nito.
Nagpaubaya na siya dito, alam naman nyang hindi siya nito bibitawan kahit ano pang gawin niya. Tsaka maigi narin na sa loob, iwas tsismis.

Sa loob ay pinabayaan na silang dalawa ng mga security personnel na makapag usap.

"I can't believe you are infront of me right now. Anong nangyari? Bakit bigla ka nalang nawala? Anong ginagawa mo dito? Ok ka ba dito?" Sunod sunod na tanong nito sa kanya.
Ngunit imbis na sumagot ay niyakap nya ito ng mahigpit. "Ok ka na ba? Sobrang nag alala ako nung naaksidente ka." Mahinang turan nya dito.
"Im getting better. But you..hindi ko inexpect na nandito ka lang pala. Ang tagal kitang hinanap."
"Hayaan mo na. Masaya ako na natupad niyo na yung mga pangarap niyo."
"We have plenty of things to catch up. Pahingi naman ng number mo. Bukas magkita tayo, marami tayong dapat pag usapan."
"Pa picture naman tsaka pa autograph." Bagkus ay sagot nya dito.
"You're changing the topic." Reklamo nito.
"Apol, tulungan mo daw si Euri sa stage mag setting." Biglang singit ni Ian. "Khareezma?!" Same lang din ng reaksyon ni Apol ng makita siya.
Mahigpit siya nitong niyakap. "Kamusta?!" Tuwang tuwang tanong nito. "Anong nangyari? Bat bigla kang nawala?" Agad ding tanong nito.
"Ano ba yan? Parehas lang kayo ng tanong.
"Guys you can't believe it." Natutuwang tawag nito sabay hila sa kanya. Itinago muna siya sa likod nito.
"Sinong na miss nyo?" Excited na tanong nito kila Pako.
"Para kang tanga! Sino nanaman yang babaeng nadukot mo." Biro ni Yra dito.
Masaya siya nitong iniharap sa kanila.
Halos hindi makapaniwala sila Pako sa nakita. Mahigpit din siyang niyakap ng mga ito. Naiiyak na siya.
"I miss you too." Biro nanaman sa kanya ni Yra.
"Baliw!" Natatawa na naiiyak na turan nya dito. "Si Euri?" May alinlangang tanong nya.
"Andun nag se setting sa stage. Nakalimutan ko nagpapatulong pala sayo yun Apol." Ani Ian.
"Malapit na mag start yung event. Pwede ba ako magpa picture at autograph sainyo?" Naluluhang hiling nya sa mga ito.
"Hey! You are not a fan." Tanggi ni Pako.
"Please? Remembrance manlang. Malay niyo naman hindi na tayo ulet magkita kita."
"No! Sasama kana ulet samin pabalik ng manila." Ani Apol
"Masaya na ako sa buhay ko dito." Malungkot na turan nya. "Sige na please!"
Napilitan din ang mga ito na pagbigyan siya.
"Leave us your number. Pupuntahan ka namin bukas or kahit mamaya pagkatapos ng gig." Turan ni Apol sa kanya.
"Oi ano na? Magsisimula na tayo, di pa kayo napasok sa stage " reklamo ni Euri.
Parang lahat ng dugo sa katawan nya ay nalaglag ng marinig ang boses ni Euri. Bago pa man ito tuluyang makapasok ay nagtatakbo na siya paalis.

Rock my worldWhere stories live. Discover now