JAI'S POV
Nandito ako ngayon sa airport ng Australia, ang araw na pinakahihintay ni Papa. Inahatid nila ako para makasigurado silang sa Pilipinas ang punta ko at hindi sa America papunta kay Vince. Bago pa man ako umalis ay napaliwanag ko na kay Vince na magbabakasyon lang ako sa Pilipinas at babalik agad.Naintindihan naman ni Vince na malalayo ako sa kanya ng halos isang buwan.
"Basta Jyra pag hindi ka tinrato ng maganda sa Pilipinas lalo na ng lalaki na yun, bumalik ka na lang dito sa amin" pahabol ni Lolo habang papasok na ako ng airport
Agad akong kumaway sa kanila at dumiretso na sa flight ko papunta ng Pilipinas. Sinabi ni Papa na natawagan na niya si Tito Miguel at ipapasundo ako sa lalaking nakatakda ko daw pakasalan. Para makilala ko sila ay may dala silang papel na may nakasulat na pangalan ko kaya naman hindi ako nag aalalang mawala o maligaw. Nang makababa ang eroplano ay agad akong nagpunta sa cafeteria muna dahil alam kong maaga pa ako at malamang wala pa ang susundo sa akin.
ALEC'S POV
Nandito kami ngayon sa airport ni Ryan para sunduin ang babaeng makitid ang utak na pumayag umuwi ng Pilipinas para ipagkasundo sa akin ipakasal. Dala dala namin ang isang papel na may pangalan niya JYRA AGPANGAN para madali niya kaming makita. Maaga kaming dumating ni Ryan sa airport kaya naman dumiretso kami sa cafeteria para magkape. Umupo kami at nagkuwentuhan ni Ryan
"Pare ano kayang itsura niya ano...baka mamaya maganda naman at seksi sunggaban mo na agad" wika ni Ryan na walang palya sa pagkilatis sa mga babae
"Wala akong pakialam Ryan..susunduin ko lang siya para kay Papa..nakakainis nga bakit kailangan pang mangyari to.kasalanan mo talaga to"
Sinisisi ko pa rin siya sa mga nangyari dahil kung hindi naman talaga kay Ryan ay hindi ko kailangan sumundo ngayon sa airport.
"Hahaha..nakakatawa nga pare..biruin mo ang daming naniwala na may relasyon tayo at bading ka?!" natatawang sabi ni Ryan
"Sira ka kasi!...ang aga pa natin malamang wala pa yang Jyra na yan.." naiinip na sabi ko
JAI'S POV
Dahil sa inaantok ako kaya umorder muna ako ng kape sa cafeteria at umupo. Nakatalikod ako sa kabilang table kung saan may nagtatawanan na dalawang lalaki. Habang nahigop ng kape ko ay di ko naiwasan marinig ang usapan ng nasa kabila
"Pare di ko talaga inaasahan na ganito ang mangyayari...masyado akong busy sa trabaho sa ospital tapos biglang ikakasal ako?" pahayag ng lalaki sa kasama niya
Hindi ko nakikita ang mukha ng dalawang nag uusap dahil nakatalikod ako sa kanila pero kinabahan ako sa usapan. Napaisip ako na baka isa sa kanila ang lalaki na sinasabi ni Papa o baka naman nagkataon lang na pareho kami ng pinagdadaanan
"Eh Pare sabi ko naman sayo wala naman masama dun..kilalanin mo muna..ang hirap kasi sayo boring ng buhay mo..wala kang panahon magsaya.." pahayag naman ng isa pang lalaki
Tama naman ang sinabi ng isang lalaki dahil hindi masaya ang buhay kung puro trabaho at wala kang panahon magsaya.Kaya nga ako pumayag na magpunta dito sa Pilipinas, hindi lang para makilala yung lalaking ipinagkasundo sa akin kundi para na rin makapagbakasyon.
"Nako pare magsasaya? eh hindi ko nga kilala yung babae na yun eh..Jyra Agpangan?! pangalan lang ang alam ko..ang babaeng hindi nag isip at pumayag umuwi ng Pilipinas para kilalanin ko.."
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko..Tama ang hinala ko, siya nga ng lalaking kailangan kong pakisamahan at kilalanin..Ako? Hindi nag isip at pumayag umuwi ng Pilipinas? Anong akala niya sa akin, kaladkaring babae at madaling makuha?..Nag uusok ang tenga ko sa narinig ko ngunit hindi ko siya hinarap at kinompronta sa halip ay naging kalmado ako at pinagpatuloy ko ang pag inom ng kape at nakinig

BINABASA MO ANG
Creating Destiny (JALEC Fanfic)
FanfictionDestiny? Tadhana? Mayroon ba talagang destiny? Hindi ba ikaw mismo ang gumagawa ng destiny mo? Destiny ba ang kusang lalapit sayo at kailangan mo lang tanggapin ang lahat? Destiny? Pinaplano? o Kusang darating? Tatanggapin mo ba ang destiny para say...