Chapter 13

224 7 4
                                    

Dahil sa nabalitaan ng pamilya ni Alec na may lalaking naghahanap kay Jyra kaya naman agad silang tinawagan ng Lola ni Alec para makausap. Ang pamilya naman ni Jyra ay kasalukuyang nasa bahay na nina Alec dahil sa isyu kinasasangkutan ng dalawa

"Ang mabuti pa itigil na natin ang kasunduan kung hindi naman pakikisamahan ng maayos ng apo niyo ang apo kong si Jyra" wika ng Lolo ni Jyra

"Paano mo nasabing hindi napakikisamahan ni Alec si Jyra hindi ba't magkasama sila ngayon?" sagot ng Lola ni Alec

"Ni hindi niya pinakinggan ang apo ko..sa isyu ng pagtira niya sa iisang bahay kasama ang lalaki na tinutukoy niyo." wika ng Lolo ni Jyra

"Ah kasi Mama..ang lalaking iyon ay si Vince, nagmamay ari sila ng paupahan para sa mga nag aaral sa America at dun tumigil si Jyra nang nag aaral siya doon at doon niya rin nakilala si Vince." paliwanag ng papa ni Jyra

"Ganun ba?... ako na ang humihingi ng tawad sa mga maling inisip ng mga tao dito sa bahay tungkol kay Jyra...alam ko namang mabuting bata si Jyra at pinalaki siya ng maayos." panghinging paumanhin ng Lola ni Alec

Habang nag uusap ay dumating na sina Alec at Jyra

"Jyra" salubong na bati ng papa ni Alec " Pasensya ka na sa nangyari..sa hindi pagtitiwala nitong si Alec sayo"

Ngumiti lang si Jyra at tumango sa papa ni Alec

"Totoo bang hindi mo pinigilan ang apo ko na sumama sa lalaking yon papuntang America.." tanong ng lolo ni Jyra kay Alec

"Hindi po.." wika ni Alec

"Nakita niyo na...nangangahulugan lamang na hindi concern yang si Alec sa apo ko.." wika ng Lolo ni Jyra

"Hindi ko po siya pinigilan kasi alam kong hindi naman po siya sasama.." ngiting wika ni Alec habang nakatingin kay Jyra

"Basta Jyra, napakadaming lalaki diyan at kung hindi mo gusto si Alec malaya kang gawin ang gusto mo" wika ng lolo ni Jyra

"Mas magagalit po ako kay Alec Lo kung sumugod siya dun at pinigilan ako ng hindi niya ako kinakausap..mas okay na po yung hindi niya ako pinigilan dahil tama naman siya na hindi ako sasama kay Vince." paliwanag ni Jyra

"At para po sa kaalaman ng lahat...na hindi sa lahat ng bagay pag sinabi niyo ay gagawin namin, na pag sinabi niyong magdate kami, magdadate kami at kung sinabi niyo naman na maghiwalay kami ay maghihiwalay kami" mariing wika ni Alec

Natulala ang lahat sa pahayag ni Alec at lahat ay natigilan. Agad na niyaya muli ni Alec si Jyra sa labas ng bahay at nag usap

"Ang bayad mo?" wika ni Jyra habang nakalahad ang kamay

"Bayad?" takang wika ni Alec

"Hindi ba pinagtakpan kita kanina para hindi mahalata na hindi tayo nagkakasundo..remember yung kontrata natin?"wika ni Jyra

"Hindi ako magbabayad noh.." wika ni Alec

"O sige kung ayaw mo ng pera maging utusan na lang kita pag wala kang ginagawa at susunod ka sa gusto ko.." wika ni Jyra

"Ano?..kung ganun lang magbabayad na lang ako ng pera" wika ni Alec dahilan para magtawanan silang dalawa ni Jyra na parang wala nangyaring gulo

"Pero Jyra," pag iibang usapan ni Alec "Bakit nga ba hindi ka sumama kay Vince?" wika ni Alec

"Wag kang mag alala Alec, hindi dahil sayo..sa tingin ko nga sira na ulo ko dahil pinakawalan ko pa si Vince na sobrang napakabait sa akin eh kung sumama ako ikakasal na rin kami malamang.." wika ni Jyra

"Tsk..Hindi lang dahil sa mabait ang isa tayo kaya mo siya papakasalan, magpapakasal ka sa taong mahal mo.." nakasimangot na wika ni Alec

Kinabukasan, sabado, tinawagan ni Alec si Jyra para makipagkita dito pero nagdahilan si Jyra na hindi ito aalis ng bahay dahil may inutos ang kanya Papa sa kanya. Inutusan siya nito na gumawa ng lumpiang shanghai kaya naman hindi siya makakaalis ng bahay. Biglang nakaisip si Jyra ng plano at sinabihan nito si Alec na pwede na siyang maging utusan at pinapunta niya ito sa kanilang bahay

Creating Destiny (JALEC Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon