Chapter 12

221 6 3
                                    

ALEC'S POV

Maraming nangyari at mukhang maraming pagbabago sa pagsasamahan namin ni Jyra. Hindi ko maipaliwanag pero unti unting gumagaan ang loob ko sa kanya habang nakikilala ko ang pagkatao niya. Kahit puyat ako mula sa pagpunta namin sa Bulacan ay maaga pa rin akong gumising para pumunta ng ospital. Hindi ko maiwasang maalala ang mga nangyari, ang mukha niya at kahit magkasama lang kami kahapon ay para bang hinahanap hanap ko siya

"Nakakainis ni hindi man lang tumawag para mangumusta o magpasalamat sa ginawa ko sa kanya kahapon.." wika ni Alec habang nagmamaneho patungong ospital

Nandito ako ngayon sa kuwarto ko sa ospital. Lutang ang isip at panay ang tingin sa cellphone kahit na hindi ko alam kung tatawag siya o hindi. Sa pagkabalisa ko ay agad agad akong nagpunta muli sa kotse ko at nagmaneho paalis

"Ano kayang idadahilan ko?... parang sobra ko naman atat, eh kung kumustahin ko na lang siya kunwari kung okay lang siya" wika ni Alec habang nagmamaneho

Di ko na talaga matiis kaya naman kinuha ko na ang cellphone ko at tinawagan si Jyra..Nagring ang cellphone ngunit nagulat ako ng marinig na may tumutunog sa may upuan sa likod na parte ng kotse.

"Haha..kaya naman pala..naiwan ni Jyra ang cellphone niya... tamang tama may dahilan na ko para magpunta ng office niya.." ngiting wika ni Alec

Nang makapagpark ako sa harap ng opisina ni Jyra ay nakita ko na siyang palabas ng building ng biglang may isang lalaki na umakap sa kanya. Nanlaki ang mata ko, kaya naman dali dali akong lumabas ng kotse at nilapitan sila at hinablot ko si Jyra

"Anong problema mo pare...bakit mo niyayakap si Jyra.." wika ko sa lalaking yumakap kay Jyra

"Ah Alec.." maikling tugon ni Jyra

"Ginugulo ka ba nito..ha Jyra.. gusto mo tumawag tayo pulis.." inis na wika ko

"So his the one?" wika ng lalaking yumakap kay Jyra

"Yes.." tugon ni Jyra

Sa puntong iyon ay para akong natauhan dahil parang sa pananalita ay magkakilala sila ni Jyra

"Jyra, i went here for you..so please can we have this time together.." wika ng lalaki

"Jyra?" naguguluhang tanong ko

"Alec..sandali lang ha..sa bahay na lang tayo mag usap magpapaliwanag ako dun promise.." wika ni Jyra habang hinihili siya ng lalaki paalis

Hindi ko maipaliwanag ang mararamdaman ko, kung maiinis ba ako o magagalit. Bakit ba sobrang mabilis siyang makisalamuha sa mga tao lalo na sa mga lalaki, lahat na lang niyayakap niya pero pagdating sa akin ibang iba?

END OF POV

Samantala dinala ni Jyra si Vince sa kanilang bahay para makita ng pamilya nito

"Jyra anong ginagawa niyan dito?... Pag nalaman ito ni pare Miguel." bulong ng papa ni Jyra

"Ahm..Excuse me sir..im here because i miss Jyra and i want her to come with me in America." paliwanag ni Vince

Nanlaki ang mata ni Jyra sa narinig kay Vince dahil hindi niya inaasahan ang pagdating nito at lalong lalo na ang plano nito pasamahin siya papuntang America.

"Naku Jyra..ayaw kong makipag usap diyan.. gawan mo ng paraan yan.." wika ng papa ni Jyra sabay pasok nito sa kanyang kuwarto

Samantala sa bahay naman ng mga Dungo ay hindi mapakali ang mama ni Alec dahil sa pagsulpot ni Vince sa kanilang bakery at hinahanap nito si Jyra

"Alam mo ba Pa na hinahanap niya si Jyra..at mukhang may namamagitan sa kanila.." wika ng mama ni Alec

"Hindi natin alam ang istorya at sigurado akong maayos pinalaki ni Martin ang anak niya kaya wala tayong dapat ipag alala" wika ng Papa ni Alec

Creating Destiny (JALEC Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon