Matapos makita ni Karen ang mga taong naghatid kay Jyra ay nagmamadali itong inaya si Jyra sa cafe/bakery nila sa tabi lamang ng bahay nila. Paikot ikot ito, palakad lakad pabalik balik na tila di mapakali..
"Mommy, nakakahilo ka, can you please stop walking back and forth" wika ni Bree
Natigilan si Karen at agad napabuntong hininga sabay dating naman ni Alec na agad hinila si Jyra at pinaupo sa coffee table sa gilid.
"Ano ba?! kung makahila ka naman!" nakairap na wika ni Jyra
Hingal na hingal at tila nagmamadali si Alec "Saan ka nagpunta at anung ginawa mo ngayong araw?" tanong nito kay Jyra
"Bakit mo tinatanong?" wika ng naguguluhang si Jyra
"Kailangan kong malaman para alam ko ang isasagot ko kay Lola at Papa" paliwanag ni Alec
Nakatingin lamang ng mga oras na iyon si Karen at Ryan maging si Bree sa nagtatalong si Alec at Jyra
"Isasagot saan?" tanong ni Jyra
"Wag ka nang maraming tanong! Inuubos mo ang pasensya ko" sigaw ni Alec
Agad na lumapit si Bree sa kanila "Tito Alec, are you quarreling?" tanong ni Bree
"No baby, tito Alec and tita Jyra are discussing something" paliwanag ni Karen sabay hila palayo dito
Agad namang nakahalata si Ryan ng tingnan siya ng makahulugan ni Karen
"Baby lets go to the park..lets play" aya ni Ryan kay Bree
"Yey..mom can i go with tito Ryan?" paalam ni Bree
"Sure baby" wika ni Karen at tuluyan ng umalis si Ryan kasama si Bree
"Bawasan mo nga ang tono ng pagsasalita mo Alec..mag usap kayo ng maayos" wika ni Karen kay Alec
"Bakit ka ba nasigaw? ipaliwanag mo ng mahinahon ng maintindihan ko..Ano bang problema mo?!" wika ni Jyra kay Alec
"Malalaman mo pagdating sa bahay, sa ngayon sagutin mo muna ang mga tanong ko..San ka nagpunta buong araw?" wika ni Alec
"Sabi mo busy kang tao, bakit ka interesado sa mga ginawa ko?" sarkastikong wika ni Jyra
"Totoong busy ako!" sigaw ni Alec
"Alam ko! kaya nga dahil busy ka bakit kailangan mong panghimasukan ang privacy ko" segunda naman ni Jyra
"Nalaman ni Lola na hindi tayo magkasama buong araw" wika ni Alec
"So?" wika ni Jyra
"Kailangan sabihin natin magkasama tayo!" wika ni Alec
"Bakit ko naman sasabihin magkasama tayo?" pang iinis na wika ni Jyra
"Ano?!" nanlalaking mata wika ni Alec
"Sinabi mong di mo ako gusto, at ganun din ako sayo, so sabihin na lang natin ang totoo ng matapos na ang lahat ng ito.." wika ni Jyra
"Kung gusto mo talagang wala ganitong nangyayari sana hindi ka na talaga umuwi dito sa Pilipinas, sa tingin mo gusto ko to?" wika ni Alec
Biglang sumingit si Karen at nagdala ng juice para sa nagbabangayang si Alec at Jyra
"Tama na yan kayong dalawa, Ikaw naman Alec huminahon ka nga.." sabay abot ni Karen ng juice
"Matapang ka na ngayon ha..nagagawa mo nang magtago at magsinungaling kay Lola " wika ni Karen kay ALec
"Wala ako naisip ng paraan..ayaw ko talaga sa plano nila.." wika ni Alec
"So akala mo gusto ko ang nangyayari?" nanlalaking matang wika ni Jyra kay Alec
BINABASA MO ANG
Creating Destiny (JALEC Fanfic)
FanfictionDestiny? Tadhana? Mayroon ba talagang destiny? Hindi ba ikaw mismo ang gumagawa ng destiny mo? Destiny ba ang kusang lalapit sayo at kailangan mo lang tanggapin ang lahat? Destiny? Pinaplano? o Kusang darating? Tatanggapin mo ba ang destiny para say...