Chapter 23

288 8 6
                                    

Hapon ng dumating si ALec sa Australia at agad dumiretso ng School kung san nagtatrabaho si Jyra. inaantay niya itong lumabas sa main gate ng school.

Naglalakad si Jyra ng makita ni ALec na papalabas ng gate ng school. Agad napatigil si Jyra ng makita ito at dali daling iniwasan si Alec

"Hey..ganyan ka ba pag nakakita ng kakilala mo..di man lang bumati..di mo ba alam na sobrang busy ko" habol ni ALec kay Jyra

"Kaya nga!..so bakit pupunta ang isang busy na tao kagaya mo dito.." inis na wika ni Jyra

"Ah kasi.." utal na wika ni Alec

Sa pagkainis ni Jyra ay dali dali ito muling naglakad paalis ngunit hinabol pa rin siya ni ALec

"Ui..iiwan mo na lang ba ako dito mag isa.." wika ni ALec

"ANong gusto mong gawin ko.." asar na wika ni Jyra

"Take responsibility of me.." nakangising wika ni ALec

"Tsk..nakakatawa ka..bakit naman kita magiging responsibilidad.." wika ni JYra

"Sige na Jyra..wag mo ko iwan dito..hindi ko kabisado dito..baka mamaya may mang loko sa akin dito" wika ni Alec

Agad na naglakad si Jyra patungo sa kotse nito habang sumusunod si Alec.

"Okay fine..san ang hotel mo?" wika ni Jyra

"Sa sydney hotel, ikaw?" wika ni Alec

"Di mo na kailangan malaman kung san ako nagsstay, basta malayo sa hotel mo.." irap na wika ni Jyra habang nagmamaneho

Pagdating sa hotel na tinutuluyan ni Alec...

"Get off..di ba dito na ang hotel mo?" wika ni Jyra

"Nagugutom ako..lets eat.. you have to eat too.." wika ni ALec

Sa sobrang inis ni Jyra ay dinala nito si ALec sa isang park malapit sa hotel na tinutuluyan nito

"Before tayo kumain.." umpisa ni Jyra

"Ano yun? pwede mo bang sabihin habang nakain tayo, nagugutom na talaga ako" wika ni Alec

"So tapusin natin ng mabilis to.." wika ni Jyra

"Tapusin ang alin?" takang wika ni Alec

"Magmakaawa ka sa akin.." wika ni Jyra

"What?!" nabiglang sambit ni Alec

"Sinabi ko magmakaawa ka sa akin..hindi ka ba nakakaintindi..kasalanan mo kaya ganun.." wika ni Jyra

Agad lumingon si Alec sa paligid at napansin na maraming turista ang nasa lugar din nila "Dito?" nahihiyang wika ni ALec

Agad na lumapit si ALec kay Jyra at bumulong ito.. " Jyra, pwede bang next time ko na gawin yung pinapagawa mo pag tayong dalawa na lang?"

"Wag mo nang gawin kung ayaw mo!" nakasimangot na wika ni Jyra

"Pero nakatingin lahat ng tao...this is a public area.." wika ni ALec

"Bilisan mo na!" utos ni Jyra

Agad namang pumikit si Alec at tuluyang lumuhod sa harap ni Jyra. Ikinagulat naman ni Jyra ang ginawa ni ALec kaya naman hinawakan niya ito sa braso para patayuin pero hinablot siya ni Alec dahilan para mapaluhod din siya kasabay ng paglapat ng kanilang mga labi

Agad silang natauhang dalawa at napatayo sa sobrang hiya dahil sa mga napatinging mga tao sa paligid.. Agad namang niyakap ni ALec si Jyra at tila nawala ang hiya ng makitang nakangiti si Jyra

Creating Destiny (JALEC Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon