Chapter 20

176 4 1
                                    

Gabi ng tumawag si Alec kay Jyra at sinabi nitong magkita sila sa park sa tapat ng kanilang bahay

"Mukhang napakadami ng nangyari.." panimula ni Alec

"Tsss.." nakasimangot na sambit ni Jyra

"Galit ka ba?" tanong ni Alec

"Medyo..dahil nakakafrustrate.." wika ni Jyra

Biglang natahimik si Alec sa narinig nito

"Naexplain mo na ba kay Myrtle kung bakit tayo naengage?" tanong ni Jyra

"why we got engaged?" wika ni Alec

"Yung totoo, bakit tayo umabot sa pagiging engage?" wika ni Jyra

"Talaga bang halfway ka pa rin hanggang ngayon at hindi pa completely inlove?" malungkot na wika ni Alec

"Then, pwede mo na bang sabihin na wala kang nararamdaman kay Myrtle?" muling tanong ni Jyra

"Thats nothing for you to be concerned with..I'll take care of everything.." wika ni Alec na halatang naiinis na

"Paano ako hindi makikialam kung ako naman ang ang nasa gitna ng lahat.."wika ni Jyra

Biglang natigil ang pag uusap nina Alec at Jyra ng biglang nag ring ang cellphone ni Alec

"Hindi mo ba sasagutin yan?" wika ni Jyra habang si Alec naman ay nag aalangan sagutin ang cellphone

"Uhm.. Myrtle.." wika ni Alec sa kabilang linya

"Mataas ba ang lagnat mo?.... tumawag ka ng doctor on duty dyan.... okay sige pupunta na ako.." wika ni Alec sa kabilang linya habang nakasimangot na nakatingin si Jyra sa tabi nito

Agad na tumayo si Jyra "Sige na..mukhang inaantay ka na ni Myrtle.." wika ni Jyra

"Jyra, i'll call you later...marami pa akong sasabihin,," wika ni Alec at yumakap siya kay Jyra at umalis na rin

"Tsss.. ako din..maraming kailangan sabihin.." wika sa sarili nang naiwan na si Jyra

-------

Matapos masigurado ni Alec kay Roy na on duty noon sa ospital na okay na ulit ang lagay ni Myrtle ay agad itong umuwi. tinawagan niya si Jyra at sinabing magkita sila kinabukasan sa ospital dahil may sasabihin ito

Matapos tawagan ni Alec si Jyra ay kinuha naman muli nito ang kahon na naglalaman ng singsing. Pinagmasdan niya ito maging ang picture nila ni Jyra nung engagement.. Palipat lipat siya ng tingin, sa singsing at picture na tila naguguluhan

------

Kinabukasan ay maagang nag ayos si Jyra para pumunta sa ospital at makausap. Sumakay na siya ng taxi at nagmamadaling pumasok sa ospital

Samantala si Alec naman ay nasa ospital na mas maaga dahil sa mga pasyente nito ng kanyang masalubong muli si Myrtle na naglalakad sa hallway

"Alec.." bati ni Myrtle

"Bakit nandito ka... pumunta ka na sa kuwarto mo..susunod ako dun dahil may ibibigay ako sayo na importante.." wika namna ni Alec

"Hmm.. pwede bang sa may garden na lang ako sa likod ng ospital.." wika ni Myrtle

Tumango naman si Alec at pumayag

Agad na naglakad si Alec papunta sa garden at sakto naman nakita siya ni Jyra at akmang tatawagin ng makita niya itong lalapit kay Myrtle kaya hindi niya na itinuloy ang pagtawag. Muli na namna siyang nakadama ng lungkot sa nakita.

Nang nasa garden sa likod ng ospital ay umupo si Alec at Myrtle. Agad na kinuha ni Alec  sa bulsa nito ang kahon na naglalaman ng singsing at inabot sa lamesa sa harapan ni Myrtle.Agad naman kinuha ni Myrtle ang kahon at binuksan ito

Creating Destiny (JALEC Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon