Chapter 9

206 5 2
                                    

Kinabukasan ay maagang nagpasama sa ospital si Lola kay Jyra para sa kanyang check up. Habang inaantay ang doctor ay nagkaroon sila ng pagkakataong mag usap

"Sa tingin mo Jyra..masyado ba akong nagiging mahigpit sa inyo?...Pinupwersa ko ba kayong dalawa ni Alec? gusto mo ba talagang lumipat ng tirahan?" wika ni Lola

"Opo La.." maikling tugon ni Jyra

"Okay sige..titingnan ko..isang lugar na malapit lang, safe para sa kagayang mong babae na titira mag isa.." wika ni Lola

"Pinapayagan niyo na akong mag isa?" gulat na wika ni Jyra

"Of course..ang isa lalaki at isang babae ay hindi pwede magsama sa iisang bahay dahil sa mga chismis at ayokong makarinig kayo ng ganun bago pa man kayo ikasal.." wika ni Lola na parang natauhan na rin sa pagpipilt niya kina Alec at Jyra

Agad na niyakap ni Jyra si lola sa sobrang saya nito

Matapos ang pag uusap ay agad na sinabi ni Jyra ang pagpayag ni Lola sa kanyang paglipat ng tirahan.. Tila nabigla si Alec sa pagpayag ni Lola kay Jyra na lumipat ito..Nakadama siya ng konting lungkot.

Nang makauwi sila sa bahay ay agad pumasok sa kuwarto si Alec.. binuksan niya ang kanyang drawer sa lamesa at kinuha ang isang maliit na kahon..

"2 years na ang nakakalipas..tumutupad pa rin ako sa pangako.."wika ni Alec habang hawak hawak ang kahon

Hindi pa man nakakatagal sa kuwarto si Alec ay agad siyang tinawag ng kanyang papa at inutusang samahan si Jyra na maghanap ng apartment niya.Agad namang pumayag si Alec at sinamahan nito si Jyra maghanap..

Nang hindi makahanap sina Alec at Jyra ng apartment ay umuwi ang mga ito at naabutan ang buong pamilya nina Jyra sa bahay.. Nang umuwi ang papa ni Jyra sa Pilipinas ay sinabihan ito ng papa ni Alec na manatili na muli sa Pilipinas at ayain ang Lolo ni Jyra at Joj na umuwi. Kaya naman ng makabalik ng Australia ang papa ni Jyra ay nagplano na itong sabihin kay Lolo at Joj ang desisyon niyang manirahan muli ng Pilipinas at napapayag niya nga ang mga ito

Nagulat sina Alec at Jyra sa pagdating ng buong pamilya ni Jyra sa Pilipinas

"Jyra..lagot na tayo..sa tingin ko inimbita na sila ni Papa para matuloy na talaga ang kasal.."bulong ni Alec

Hindi na lang pinansin ni Jyra si Alec sa sobrang excited nito na makasama ang pamilya niya

"Jyra!" sigaw ni Joj

Agad niyakap ni Jyra ang kapatid

Samantala pinilit ng Papa ni alec na manatili muna ng isang gabi ang pamilya ni Jyra sa kanila bago ito pumunta sa kanilang tutuluyang bahay kaya naman nagkasama sa iisang kuwarto ang magkapatid na si Jyra at Joj.. Habang nakahiga sa kama

"Alam mo Jyra..gwapo naman pala si Alec..cute at mukhang maganda ang katawan..pag lahat ng lalaki katulad niya..sa tingin ko kaya kong tumagal dito.." ngiting biro ni Joj kay Jyra

Samantala kinabukasan ay maagang umalis si Jyra para tanggapin ang trabahong inaalok sa kanya ni Tom sa kumpanya nito bilang isang legal officer..Nalaman ito ni Alec kaya naman pinuntahan niya ito sa opisina at sinundo para makapag usap sa isang cafe

"Subukan nating magdate.." umpisa ni Alec

"Tayong dalawa? ayoko !" tutol ni Jyra

"Sa tingin mo gusto ko ito?Wala tayong ibang paraan para hindi nila agad planuhin ang kasal...ayoko maubos ang oras ko sa mga bagay na ganito..."paliwanag ni Alec

"Paano tayo magdadate?... kung sinasabi mong busy ka?" wika ni Jyra

"Fake!..Magpretend tayo na nagdedate..pag nakita nilang nagdedate tayo..wala na silang sasabihin sa atin.." wika ni Alec

Sabay na umuwi ng bahay sina Alec at Jyra at agad na kinausap ang pamilya nila

"Gagawin na namin ang sinabi niyo..magdadate kami dahil yun ang gusto niyo.." umpisa ni Alec

"Maaga pa para magplano ng kasal...Magdadate kami para makilala namin ang isa't isa bago magpakasal.." patuloy ni Alec

Nabigla ang lahat sa sinabi ni Alec..Si Lola ay nagdadalawang isip kung palabas na naman ang lahat ngunit binigyan nito ng chance si Alec sa puntong iyon. Sumang ayon ang magkabilang pamilya nina Alec at Jyra kaya naman matapos ang usapan ay agad nakahinga ng maluwag ang dalawa.

Kinabukasan, sabay na umalis sina Jyra at Alec at nagpunta sila muli sa isang cafe para mag usap. Bilang isang abogado ay agad naisipa ni Jyra ang paggawa ng isang kontrata na sinang ayunan naman ni Alec

    1. Hindi tayo maiinlove sa isa't isa

    2. Magdadate tayo once a week

    3. Hindi kailangan hawak kamay o magkaakbay

    4. Hindi tayo gagawa ng sitwasyon na maghihinala sila sa atin

    5. Kung sino man ang makapaglabag sa anu man nakasulat dito sa kontrata ay magbabayad ng isang libo bawat paglabag

    6. Itatago natin ang pekeng relasyon natin sa lahat

     7. Pag nalaman ng mga pamilya natin ang pekeng relasyon na ito, mananagot ang may kasalanan sa pagkakadiskubre, siya ang magpapaliwanag at dapat sisihin

Sinulat ni Jyra ang mga kasunduan at pinirmahan..Iisang kopya lamang ito at ipinatago niya na lang kay Alec

Samantala bilang isang bestfriend ay pinatuloy muna ng papa ni Alec ang pamilya ni Jyra sa apartment na dati pang nakalaan at binili nila para kay Alec sa oras na mag asawa ito. Tumatanaw lamang ng utang na loob ang papa ni Alec sa pamilya ni Jyra dahil sa ang pamilya nina Jyra ang tunay na may ari ng bakery na ngayon ay pinamamahalaan na ng pamilya ni ALec..Iniwan iyon sa kanila ng papa ni Jyra nang nagmigrate sila sa Australia ngunit isa palang itong maliit na bakery noon at napalago lang ng pamilya ni Alec

Matapos maiayos ang tutuluyang lugar ng pamilya ni Jyra ay agad namang nagpaalam na si Jyra sa pamilya ni Alec. Titira na siya kasama ang pamilya niya..Nalulungkot si Jyra sa paglipat ng bahay kahit na malapit lang naman ito at madaling puntahan. 

Nang makalipat ng bahay ang pamilya ni Jyra ay kapansin pansin ang katahimikan sa bahay nina Alec.. wala na ang kabangayan niyang si Jyra kaya naman pumasok si Alec sa dating kuwartong tinutuluyan ni Jyra nung nasa kanila pa ito. PAgbukas niya ng pinto ng kuwarto ay hindi niya maipaliwanag kung bakit bigla na lang siyang napangiti at naalala ang mukha ni Jyra lalo na pag nagagalit ito

Kinabukasan ay maagang gumising si Alec, hindi niya maipalawanag ang nararamdaman dahil unang date nila ni Jyra. Sinundo niya si Jyra sa bahay nito at pumunta ng cafe..Hindi alam ni Alec ang gagawin sa date nila ni Jyra kaya naman pasimple niyang tinawagan si Ryan at tinanung ito

"Matulog ka kasama niya.." wika ni Ryan sa kanya dahilan para pagbabaan niya ito ng telepono

Samantala si Jyra naman ay naiilang sa date nila ni Alec kaya naman tinawagan niya rin si Joj at tinanong ito kung anung magandang gawin sa date.. Nabigla siya sa sinabi ni Joj

"Matulog ka kasama niya..para mas makilala mo ang taong papakasalan mo.." wika ni Joj kaya napababa rin ng telepono si Jyra

Nang walang maisip na gagawin si Alec at Jyra sa kanilang date ay naalala ni Alec ang isang lecture sa ospital nila tungkol sa bagong paraan ng medisina

"Sumama ka na lang..may lecture sa ospital ngayon tutal wala naman tayo maisip na gagawin.." wika ni Alec

Sumama naman si Jyra sa pagbabakasakaling mag eenjoy siya ngunit mali pala ang inaakala niya.. Puro matatandang doktor ang kasama nila sa lecture na yun pero hindi na siya nakatanggi pa.Umupo sila ni Alec at nakinig sa lecture.. Hindi pa man nakakatagal ay inantok na si Jyra at nakatulog sa balikat ni Alec.. Namumula si Alec habang nakangiting nakikinig sa lecture ng kanilang senior habang mahimbing na natutulog si Jyra

Creating Destiny (JALEC Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon