Kinabukasan maagang pumasok si Alec sa ospital at ito rin ang araw ng paglabas ni Myrtle
Binigay ni Alec ang discharge form kay Myrtle
"I'll be going.." wika ni Myrtle
"All right..ingatan mo ang sarili mo.." wika ni Alec na di maipinta ang mukha
Agad na napansin ni Myrtle ang lungkot sa mga mata ni Alec. "Nag away ba kayo ni Jyra?" tanong nito
"Its our issue.." maikling tugon ni Alec
"Alright.. by the way thank you, Dr Alec" wika ni Myrtle sabay abot ng kamay nito para makipagkamay
Inabot naman ni Alec ang kamay ni Myrtle "Okay, be healthy.." sagot ni Alec
Lumapit si Myrtle at akmang yayakap kay Alec pero biglang umurong si Alec at tila ayaw tanggapin ang yakap nito.
"Alec, hindi ko kasalanan ang lahat ha.." wika ni Myrtle habang nakangiti
"Ha?" naguguluhang wika ni Alec
"Alam kong mabait siya na babae at alam kong hindi niya basta basta iiwan na lang ang lalaking mahal niya.." nakangiting wika ni Myrtle
"Anong ibig mong sabihin?" wika ni Alec
"Aalis na ako pero hindi ko ata kayang makitang ganyan ang itsura mo..after all tinulungan mo naman ako.." ngitign wika ni Myrtle
"Huh?" wika ni Alec
"Nakita ni Jyra lahat, ang pagsuot mo sa akin ng singsing..kasi tiniming ko talaga na makikita niya.." wika ni Myrtle
"Myrtle!" sigaw ni Alec
"Kaya nga sinasabi ko na sayo, im sorry, at ito lang ang paraan ko ang sabihin sayo para makabawi ako.." wika ni Myrtle
Hindi nakapagsalita si Alec sa narinig nito
"Be well Alec, at kung magpapakasal kayo, bigyan mo ako ng invitation, i'll come.." ngiting paalam ni Myrtle
Pagkaalis ni Myrtle ay dali daling kinuha ni Alec ang cellphone nito at tinawagan si Jyra
"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko jyra, asan ka ba.." wika ni Alec sa sarili habang pilit tinatawagan si Jyra
Agad na nagbihis si Alec at nagpasyang hanapin si Jyra
Samantala si Jyra naman ay nagpunta sa bahay nina Alec para magpaalam sa pamilya nito lalong lalo na sa lola ni Alec. Pagkatapos mag usap ay agad umalis si Jyra
Pilit pa rin tinatawagan ni Alec si Jyra. Nang marinig ni Joj ang ring ng cellphone ni Jyra ay agad niya itong sinagot
"Hello?" wika ni Joj
"Asan si Jyra?" tanong ni Alec
"Nagpunta siya sa bahay niyo para magpaalam." sagot ni Joj
Nagmamadaling nagmaneho si Alec pauwi sa kanila ngunit hindi niya napansin na naglalakad na si Jyra sa tabing daan pabalik ng bahay nito
Nang makauwi sa bahay si Jyra ay agad inayos nito ang gamit sa kanyang maleta..samantalang walang Jyra na naabutan si Alec sa kanilang bahay
Kinabukasan maagang nagpunta si Alec sa donut shop nina Jyra, naabutan niya dito si Joj na nagseserve sa mga customer
"Anong ginagawa mo dito? " wika ni Joj
"Asan si Jyra?" tanong ni Alec
"Late ka na..nakaalis na siya pa Australia.." wika ni Joj
"Ano?! Akala ko bukas pa ang alis niya?" wika ni Alec
"Well sabi niya may gagawin siyang importante kaya napaaga siya umalis.." wika ni Joj
"Pwede ba Joj, wag mo na kong binibiro.." wika ni Alec
"Hindi ako nagbibiro..umalis na si Jyra" wika ni Joj
Nabigla si Alec sa narinig nito.."Umalis na ba talaga siya?" malungkot na wika ni Alec
"Oo nga..sinabi mo di ba sa kanya na magtrabaho dun, magpakasal siya at gawin ang gusto niya di ba?alam mo naman ang kapatid ko masunurin yun "pang iinis na wika ni Joj
Agad na umalis si Alec na halatang nadisappoint sa mga pangyayari
---------
Sa isang bar ay inanyayahan ni Alec si Ryan na uminom kasama niya
"Di ako makapaniwala! im speechless..." inis na wika ni Alec habang tumutungga ng beer
"Anong nakakapagtaka dun, anong akala mo kay Jyra, uupo na lang at papanuorin ka habang buhay?" wika ni Ryan
"Hindi, pero hindi ko akalain na gagawin niya talaga yun.." wika ni Alec
"Kung naiinis ka..bakit hindi mo siya sundan.." wika ni RYan
"Tsk.. Forget it!" inis na wika ni Alec
"Bakit, hindi mo talaga siya susundan?" takang wika ni RYan
"Umalis siyang hindi man lang nagpaalam, bakit ko siya susundan.." wika ni Alec
Pinipigilan ni Ryan ang pagtawa dahil sa kinikilos ni Alec habang nag iinom sila " Sigurado kang hindi ka magsisisi?" ngiting wika ni Ryan
"Hindi,.." wika ni Alec
"Well sabi mo eh..pero kung ako yun, kahit konti ang nararamdaman ko para sa kanya, hindi ako bibitaw.." ngiting wika ni Ryan
Napatingin naman si Alec sa kanya at pagkatapos ay tumungga muli ng beer..
"Sige lang..mag inum ka..ihahatid naman kita sa inyo pag lasing ka na...pero, pero hindi naman yan makakapagpabalik kay Jyra.." wika ni Ryan
BINABASA MO ANG
Creating Destiny (JALEC Fanfic)
FanfictionDestiny? Tadhana? Mayroon ba talagang destiny? Hindi ba ikaw mismo ang gumagawa ng destiny mo? Destiny ba ang kusang lalapit sayo at kailangan mo lang tanggapin ang lahat? Destiny? Pinaplano? o Kusang darating? Tatanggapin mo ba ang destiny para say...