Chapter 8

301 5 1
                                    

Nagulat si Alec at Jyra sa kondisyon ni Lola para tuluyan nang makatira si Jyra ng hiwalay sa kanilang pamilya

"La! paano naman ako titira kasama si Alec..hindi kami magkakasundo.." tutol ni Jyra

"Willing ka tumira kasama ang lalaking hindi mo ganap na kilala..bakit hindi pwede si ALec..." wika ni Lola

"Pagkasama mo sa bahay si Alec mas magiging panatag kami na may kasama ka at hindi ka mag iisa.." patuloy ni Lola

"La! Hindi ako makakapayag dun.." tutol ni Alec

"Basta...either mananatili ka dito Jyra o aalis ka at titira kasama si Alec.." wika ni Lola sabay tayo nito sa kanyang kinakaupuan

"La..kung ganun uuwi na lang ako ng Australia!" habol ni Jyra

Napatingin muli si Lola sa kanila na tila nalulungkot, Napahawak ito sa kanyang ulo at biglang nahilo at napaupo muli

"Lola!" sabay na wika nina alec at Jyra habang inaalalayan at pinapaypayan si Lola

Dahil nga sa isang doctor si Alec ay agad nilang pinahiga si Lola sa kuwarto nito at pinapagpahinga..Bago tuluyang umakyat ng kanilang kuwarto ay humingi muli ng tawad si Jyra sa kanyang nasabi

Samantala kinabukasan nalaman na ni Kit ang totoo na anak niya si Bree kay Karen kaya naman pinuntahan niya ito sa bakery at kinompronta..Hindi inaasahan ni Kit na makikita niya ang Lola ni ALec kaya naman pilit siyang pinaalis nito dahil sa nangyari sa kanila ni Karen noon..Sa sobrang emosyon at pagod ni Lola ay muli na naman itong nahimatay kaya isinugod na siya sa ospital

Nag aalala ang lahat sa kondisyon ni Lola maging sa mga pangyayari may kinalaman kay Karen..Dahil sa pangyayari ay tila nakalimutan bahagya ang tungkol sa planong kasal para kay Alec at Jyra.. Nag alala si Jyra sa pamilya ni Alec kaya naman kinausap nito ang mama ni Alec. Dahil sa isang ganap na abogado si Jyra ay pinakalma niya ang lahat na walang dapat ipag aalala pagdating kay Bree dahil si Karen ang may karapatan dito.

Matapos ang tatlong araw na pananatili ni Lola sa ospital ay nakauwi na rin ito ng bahay. Lahat ay masaya sa pagbabalik ni Lola maging si Jyra at Alec. Habang lahat ay nagpapahinga, biglang napatigil si Jyra ng makita ang larawan ng buong pamilya ni Alec sa may salas..Bigla nitong naalala ang mama niya

"Anong ginagawa mo diyan..." tanong ni Alec ng makitang hawak nito ang picture frame ng kanilang pamilya

"Wala tinitingnan ko lang..Ah..Alec alam mo ba yung Bulacan?" wika ni Jyra

"Lugar pa Norte..hindi naman kalayuan dito sa Maynila..Bakit mo naitanong?"wika ni Alec

"Wala parang gusto ko lang pumunta dun.." paliwanag ni Jyra

"Kelangan mong pumunta ng Australia..Hindi Bulacan.." pang iinis ni Alec sabay akyat nito papuntang kuwarto

Hapon ng magdesisyon magbiyahe mag isa si Jyra papuntang Bulacan.. Dahil sa hindi siya pamilyar kaya nagtanong tanong lang siya kung paano makakarating dito

Samantala mag gagabi ng tawagan si Alec sa ospital ng kanyang papa para tanungin kung nasaan si Jyra dahil hindi pa ito nauwi.. Sinabi lamang ni Alec na malamang ay nag shopping lamang ito dahil ito ang hilig niya ngunit makikita sa mukha nito ang pag aalala

Gabi na ng muling tawagan si Alec ng kanyang papa. Sinabi nito na wala parin si Jyra at hindi pa rin nakakauwi. Kinuha ni Alec ang cellphone niya at tila nag aantay na tawagan siya ni Jyra..Mga ilang minuto pa habang nagtitingin ng records ng pasyente ay nagring ang cellphone nito

"Hello?" wika ni Alec

"Alec.." si Jyra sa kabilang linya

"Nasaan ka?" wika ni alec

Creating Destiny (JALEC Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon