Chapter 5

214 5 3
                                    

JAI'S POV

Matapos naming magpaalam sa Lola at Papa ni Alec ay agad kaming sumakay ng kotse at umalis..Nasa loob kami ngayon ng kotse at katulad ng dati nakasimangot at walang kibo si Alec habang nagmamaneho..Agad kong binasag ang katahimikan at tinanong siya

"San ba tayo pupunta?! ano bang pwedeng mapasyalan dito?" usisa ko

"Anong tayo?! magkasama lang tayong umalis pero ibaba kita sa lugar kung san makakagala ka at makakapasyal...kaya mo naman mag isa di ba at saka marunong ka naman magtanong at umuwi pabalik ng bahay..at isa pa alam kong ayaw natin makasama ang isa't isa!" sagot niya sa aking habang patuloy na nagmamaneho ng kotse niya

Hindi ko talaga inaasahan ang ugali nitong si Alec.. Hindi ko maipaliwanag kung bakit wala siyang kasiyahan sa mukha, para bang buong buhay niya ay seryoso siya at walang panahon maglibang. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Alec at tumahimik habang patuloy siyang nagmaneho papunta sa lugar na sinasabi niya. 

Biglang tumigil ang kotse ni Alec sa lugar na maraming sinaunang bahay at gusali.

"O yan sige na andito na tayo..Intramuros ang tawag sa lugar na ito..bumaba ka na at mamasyal..marami ka naman diyan makakasabay na mga namamasyal din, hindi ka maliligaw.." wika ni Alec habang hinihintay ang paglabas ko ng kotse

Hindi na ako nagsalita at agad na lumabas ng kotse. Pagkasara ko ng kotse ay nagmamadali siyang umalis na parang walang nangyari.Hindi ko na lang pinansin ang mga sinasabi niya sa akin at inumpisahan kong maglakad kasabay ng mga taong nadaan na namamasyal rin. May dala akong camera para makakuha ng remembrance sa lahat ng mga makikita ko sa pamamasyal ko.

ALEC'S POV

Nakaisip ako ng paraan para hindi kami magkasama ng Jyra na yun ngayong araw. Hindi naman siguro ako sobrang sama nun, marunong naman siyang mag isa mamasyal, mag aaway lang kaming dalawa kung magkasama kami. Alam ko namang matalino siya kaya wala akong dapat ipag alala.

Iniwan ko si Jyra sa may Intramuros dahil alam kong marami ring turista na namamasyal doon kaya hindi siya mag iisa. Agad akong umalis para pumunta sa isang sports center para magtennis at magpalipas ng oras doon. Tinawagan ko rin si Ryan para may makasama.

"Pare asan ka?" tanong ko kay Ryan

"Andito sa inyo pare, kalaro ko si Bree eh.." sagot ni Ryan sa akin na ikinakaba ko dahil baka malaman sa bahay na hindi ko kasama si Jyra

"Wala bang nakakarinig sayo diyan?" paninigurado ko kay Ryan

"Wala naman, bakit? may problema ba? balita ko pare nasa date ka ngayon..kasama mo si Jyra?" 

"Ssh.. kanina kasama ko..pero iniwan ko na..andito ako ngayon sa dati nag tetennis..." paliwanag ko kay Ryan

"Iba ka talaga pare..sige okay alam ko na ibig mo sabihin..hintayin mo ko diyan..kakausapin ko lang si Bree, magpaalam lang ako.." wika ni Ryan sabay baba ng telepono nito

Close si Bree kay Ryan dahil magmula ng pinanganak si Bree ay siya ang madalas kalaro nito maliban sa mama niya na si ate Karen. Hindi na nakilala ni Bree ang daddy niya dahil naghiwalay na sila ni Karen at malamang ay hindi alam nito na nagkaanak siya dito.

Makalipas ang kalahating oras ay  dumating na rin si Ryan, inabutan niya akong pawis na pawis sa paglalaro ng tennis.

"Grabe pare intense kang maglaro ah..mukhang nilalabas mo talaga ang sama ng loob mo ah..ano bang nangyari akala ko may date kayo?! hindi mo ba siya gusto?" bungad ni ryan sa akin

Napailing na lang ako sa inis at pagkawala ko sa mood ng araw na iyon... "Alam mo hindi ko magugustuhan ang babaeng hindi ko pa naman kilala.." 

"Eh paano mo nga makikilala hindi mo binibigyan ng panahon... iniwan mo pang nag iisa baka kung mapano yun pare.." wika ni Ryan

Creating Destiny (JALEC Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon