Chapter 1

363 6 3
                                    

Sa panahon ngayon..Sino pa ba ang naniniwala sa pagpapaplano ng buhay ng magulang sa kanyang anak. Tradisyon, paniniwala at kaugalian? Pagpaplano ng kasal? Ano nga ba ang magiging desisyon mo sa buhay mo? Pasya mo o ng ibang tao?

Australia

JAI'S POV

Another Day for me.. Wala na namang gagawin maghapon..Agad akong nagmadali pauwi ng bahay dahil alam kong nag aantay sakin si Papa at makakatanggap na naman ako ng sermon

Dali dali kong ipinarada ang sasakyan ko at mabagal na naglakad papasok ng bahay. Pumasok ako at biglang may sumigaw

"Jyra! san ka na naman nanggaling...Alam mo bang hinintay ka namin magdamag!" nakapamewang na bungad ni Papa

"I just came from Vince's hotel room.." deretsang sagot ko habang nag aalis ng sandals ko

Nanlaki ang mata ni Papa at ni Lolo sa narinig mula sa akin..Pero yun naman talaga ang ginagawa ko pag nabisita si Vince dito sa Australia

"Ano! doon ka natulog kasama ang amerikanong hilaw na yun?" galit na sigaw ni Papa

Hindi ko na inantay pa ang iba pang sermon na maririnig ko kaya nagderetso na ako sa kuwarto ko para magpahinga..Araw araw ganito ang palaging binabato sa akin ni Papa, ayaw kasi nila kay Vince kahit 3 months na kami nito

Nakita kong sumunod si Papa sa akin pagpasok ng kuwarto pero pinagsaraduhan ko siya bago pa man siya makapasok

"Sinasabi ko sayo Jyra..hindi ko gusto para sayo yang boyfriend mo na yan.." pagpapatuloy ng sermon ni papa sa may pintuan ng kwarto ko

"I slept there but no worries Pa.. i will never do anything until i get married!" sagot ko kay Papa habang nagpapalit ng pambahay

"Alam ko pero wala akong tiwala sa boyrfriend mo!..." 

Alam kong hindi matatapos ang usapan na ito hanggang di ako nakikiayon sa mga sinasabi ni papa..Binuksan ko ang pinto pagkatapos kong magbihis at dumiretso sa kusina para kumuha ng isang baso ng gatas..

"Pa! he's nice..why don't you give him a chance.." paliwanag ko para naman matanggap na nila si VInce 

"Ayoko..at saka wag mo nga akong iniingles Jyra...lagi kong sinasabi sa inyo na wag niyong kakalimutang magtagalog kahit na nasa Australia tayo Pilipino pa rin kayo!"

 Ayan na naman si Papa..Mahilig siyang magsermon sa paggamit namin ni Joj ng english sa bahay..Gusto niyang nagtatagalog kami at ginagawa ang kaugalian at tradisyon ng mga Filipino..halos mag 20 years na rin kami sa Australia kaya naman hindi na talaga ako sanay sa mag tagalog pero marunong ako at nakakaintindi dahil si Papa tagalog makipag usap sa amin.

"Okay okay yan na naman yang pagtatagalog na yan..Sige Pa i want to rest.." tanging nasabi ko na lang para matapos ang usapan at dumiretso ako sa kuwarto ko at nagkulong

JOJ's POV

Eto na naman..nagtatalo na naman si Papa at si Jai.. Sa boyfriend at pati ba naman sa pagtatagalog. Hindi ko rin naman gusto ang boyfriend ni Jai pero hindi ko rin naman ayaw, ang mahalaga lang sa akin kung san maligaya si Jai doon ako. Naguguluhan lang ako kay Papa kung bakit ba hindi niya gusto si Vince para kay Jai.. Basta ako gusto kong makakilala ng isang propesyonal na lalaki, responsable at mayaman para buhay reyna ako..

Bumalik si Papa sa salas ng pumasok si Jai sa kuwarto nito at nagkulong..Umupo siya at kinausap si Lolo.. Si Lolo ay ang papa ni mama..sa amin siya nakatira dahil wala na siyang ibang pamilya kundi kami lang nila Papa

"Pa..anong masasabi mo..panahon na ba para tuparin ang kasunduan namin ni Miguel? para kasing masyadong nawiwili si Jai sa kanyang boyfriend..panahon na ata para makilala ni Jai ang future husband niya.." tanong ni Papa kay Lolo 

Creating Destiny (JALEC Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon