Chapter 2: His eyes..
Jorge POV
Lahat kami ngayon ay nandito sa labas. Di pa kami pinapauwi ng mga pulis. Isa isa kami tinatanong tungkol sa nangyari. Napakadungis ko na.
Di pa din nawawala ang takot ko. Di ako mapakali at nananatili ang kaba sa dibdib ko. Pakiramdam ko'y para bang may nagmamatyag sakin.
Nakita kong nilabas ang isang bangkay. Hinabol ko yun at binuksan.
Tumambad sakin ang mukha ng aking kaibigan.😭😭😭
Niyakap ko ang bangkay nya. Bakit? Bakit nila pinatay si Anne? Anong motibo nila? Kahapon lang.. Ang saya saya naman eh. Tapos ngayon?
Binitawan ko na ito dahil dadalhin na ito sa morgue ngunit patuloy ang pag iyak ko. Pagkatapos nun ay biglang may pulis na lumapit sakin.
"nandun ka ba nang maganap ang mga pangyayare?" tanong sakin ng pulis.
"o..opo nakita ko po sila.. Kitang kita kong pinatay nila ang kaibigan ko!" nangangatal na sabi ko.
"maari ka ba naming imbitahan sa presinto at sabihin mo lahat ng nalalaman mo.."
Tumango ako.
Agad kami nagtungo sa istasyon ng pulis. Doon ay ikinuwento ko ang lahat ng pangyayare. Kung ano ang hitsura ng mga armado. Lahat ng nakita ko. Pati mga narinig ko. Kung ito ang makakatulong sa kaso ng kaibigan ko.
~~~~~~~❤~~~~~~~
Inihatid ako ng mga pulis sa bahay ko matapos kong magbigay ng statement. Hindi pa din ako nakakapagbihis, kagabi pa itong suot ko. Pinahiram nila ako ng jacket nang sa gayon ay hindi ako malamigan.
Pagbukas ko ng pinto..
"jorgia" tawag ko sa kapatid ko. Binuksan ko ang ilaw dahil sobrang dilim. Nagulat ako dahil ang gulo ng paligid.
May nakapasok?
Inakyat bahay ba kami?!"jorgia?! Asan ka! Andito ang ate" hinanap ko sya sa buong bahay pero di ko makita!
Ano ba?! Kinakabahan ako.
Si Jorgia ang nakababata kong kapatid. Minor sya, 11yrs old pa lang kaya sobrang nag aalala ako. Wala na kaming mga magulang at kaming dalawa lang ang magkasama sa bahay.
Inisa isa ko bawat kwarto baka andun sya.
Napahinto ako sa isang kwarto dun,
Tinitigan kong mabuti dahil parang may tao sa loob.Napaatras ako dahil nakita kong may nakatayo. Madilim dun pero alam ko may nakatayo!
"j..orgia.. Ikaw ba yan?" unti unting lumalapit yung taong yun. Lalong lumalakas ang kaba sa dibdib ko. Hindi babae ang taon yun. Papalapit sya sa may pintuan kung kaya't unti unti kong naaninag ang mukha nya.
Napaatras ako ng malamang....
Yun ang lalaking nangaladkad sakin kanina sa cr. Isa sa mga armadong lalaki kanina Punong puno ng tattoo ang katawan at mukha nya!
Napatili ako at pinagbabato sya ng kahit anong mahawakan ko! Pababa na ko ng hagdan nang maglabasan na sila lahat andami pala nila!
Pinagbabato ko sila!Wag nyo po ako sasaktan pakiusap! Wala akong kasalanan sa inyo!
Anong ginawa nyo sa kapatid ko. Nasan sya?? Nakikiusap akoo
Tumakbo ako palabas ngunit nahawakan ako nung isa. Binuhat nila ako na parang bata at dali daling sinakay sa van. Nagpupumiglas ako pero tinutukan nya ko ng kutsilyo!
Inihiga nila ako! Hawak nila ang kamay at brasoo ko at di ako makapalag. Pilit tinataas nung isa yung gown ko. Jusko, tulungan nyo po ako 😭 natatakot talaga ako.
BINABASA MO ANG
Fall in Love with a Criminal (Complete)
RomanceSi Jorgina ay isang babaeng simple, maganda at masayahin ngunit nang masaksihan nya ang isang krimen nang hindi sinasadya sya ay binihag at inangkin ng isang leader ng sindikato at nadamay pa pati ang kanyang nakababatang kapatid paano nya ito matat...