Jorg POV
"wow ano yang ginagawa mo?" si Kat. Nagbebake kasi ako ngayon.
"gagawa ako ng cookies tapos bibigay ko kay Allen 😊" sabi ko. "alam mo kasi mahilig ako magluto at magbake"
"alam mo para kang yung ex ni Allen" sabi nya.
"ex?"
"ay sorri"
"hindi ok lang.. Anong meron sa ex nya?" curious kasi ako.
"wag ka na lang maingay na kinwento ko ahh.. Hmm pano ba.. Kasi may ex yan si boss, maregalo yun kaya na din siguro nainlove si boss sa kanya. Pero malayo kayo ah. Kasi matino kang babae yun kasi parang bayarin kagaya namin, tapos maldita pa yun, reyna reynahan dito" si Kat
"oh? Asan na sya?" tanong ko.
"ewan baka patay na? Kasi teh.. Galit na galit dun si boss kasi nalaman nya na tinraydor sya nun. Pinainlove lang si boss. Inutusan ng mga kaaway. Ganern"
"tinraydor sya?"
"oo nakakatakot si boss nun! Sobra sya mainlove pero sobra sya masaktan, bigay lahat dun sa babae sobrang bait ni boss nung time na yun kagaya nyo ngayon pero pagkatapos nun balik sya sa pagiging monster hahahaha"
"sira ka hahaha" luto na yung binake ko
Sakto naman nang pagdating ni..
Allen 😊😊😊😊
Kasama nya si Tanya. Nakapulupot ito sa kanya.
Wow kapal.
"allen tingnan mo may ibibigay ako sayo pinaghirapan ko to 😊"
Tinulak nya pagkakayakap sa kanya ni Tanya at lumapit sakin.
Kinuha nya yung mga cookies na binigay ko at..
At..
Nagulat kami ni Kat. T..Tinapon nya yun! Lahat ng mga nasa mesa pinagbabato nya.
"allen ano ba?! Ginawa ko yan para sayo!" sabi ko.
"sayo ba to?!!" may nilabas syang phone. Y..yun ang binigay sakin nung pulis, dati pa yun ah.
"s..san mo nakita yan?" kinakabahang tanong ko.
"Tinatanong ko kung sayo ba to?!!" galit nyang sabi.
"ahm..ano kasi.. Allen ano.. Magpapaliwanag ako"
"ANO?! HANGGANG KELAN MO KO BALAK GAGUHIN!!???" si Allen. Sobrang lakas ng boses nya!
Nagulat ako sa inaasal nya.
"SUMAGOT KA!!"Hindi ako makasagot! Kinakabahan ako! Di ko alam anong sasabihin ko
Ayoko ng ganito natatakot ako sa kanya. Nagsimula na ko umiyak!"boss walang ginagawa si Jorg kilala ko sya!" si Kat.
"P*ta! Wag ka mangingielam dito kung ayaw mo madamay!" natakot si Kat at di na nakaimik.
Lumapit sakin si Allen..
pak!
Sinampal nya ko! Halos Nasubsob ako sa mesa sa lakas nun! Sinabunutan nya ko!!
Sobrang galit na galit sya sakin!
"allen wala akong ginagawa sayo bakit mo ko sinasaktan 😭"
"T*NGINA KA JORGE! BUONG AKALA KO PAGKAKATIWALAAN KITA! KASABWAT KA PALA NILA!"
"Allen Maawa ka sakin! Hindi ko yun magagawa sayo!!"
"Gag*!! Yung mga linya mo! Yan din yung mga sinabi sakin nung huling taong nanggago sakin!!" nakita kong tumatawa si Tanya.
Kinaladkad ako pababa ni Allen! Hindi ko alam kung san nya ko dadalhin! 😭 sabu sabunot nya ang buhok ko. Napakasakit.
Hanggang nakarating kami sa basement! May kulungan dun!
Narinig na din kami ng ibang mga tauhan nya!"allen maawa ka.. Wag mo ko saktan plss 😭"
Binuksan nya yung kulungan at halos ibalibag ako dun. Ang bigat ng mga kamay nya. Nawala yung Allen na iniingatan ako.
Nilock nya yun at iniwan ako!!
"allen plss maawa ka sakin"
Pero di nya ko pinansin. Iyak ako ng iyak. Galit na galit sya sakin!.
Andun na din sila Paul at Jeremy.
"bantayan nyo yang gag* na yan!" sabi nya sa dalawa at umalis na sya.
"sabi ko na nga ba.."si Paul at masama din ang tingin nya sakin.
"Paul pls maniwala ka. Wala akong koneksyon sa mga kalaban nyo. Hindi ko magagawa yun"
"eh sayo yung phone di ba?!! Sino gagawa nun?! Tangina ka! Andaming namatay nung huli dahil sa ginawa mo!"
"plsss tulungan mo ko hindi talaga! 😭"
"magdusa ka dyan! Makikita mo ngayon pano magalit si Allen!" si Jeremy.
Wala akong nagawa. Ba't ayaw nila ako paniwalaan? Ang dilim dito at napakadumi. Natatakot ako sa pagbalik ni Allen. Ramdam kong papatayin nya talaga ako!
-----------------
BINABASA MO ANG
Fall in Love with a Criminal (Complete)
RomanceSi Jorgina ay isang babaeng simple, maganda at masayahin ngunit nang masaksihan nya ang isang krimen nang hindi sinasadya sya ay binihag at inangkin ng isang leader ng sindikato at nadamay pa pati ang kanyang nakababatang kapatid paano nya ito matat...