Chapter 5

3.2K 71 3
                                    

Jorge POV

Pagbaba namin ng kotse. Agad ako inalalayan ni Allen hanggang sa kwarto, sumunod naman sila Mac at Paul.

Lumabas si Allen, di ko alam kung san sya pumunta.

"hindi kaya ikaw yun?!" galit na sabi ni Paul sakin.

"h..hindi ko alam sinasabi mo." hinablot ni Paul braso ko.

"malay ba namin kung ikaw yung espiya eh ikaw lang pwedeng gumawa nun "

"ouch yung sugat koo" natamaan kasi nya.

"gag* ka! Kundi lang dahil kay boss papatayin kita! Andaming namatay samin kanina!"

"hindi nga ako. Wala akong ginagawa! Nasasaktan ako!"

"itigil nyo yan!" si Allen. Napatingin kami sa kanya. Agad tinanggal ni Paul pagkakahawak nya sakin.

"boss feeling namin sya yun" si Mac.

"wag ka magtiwala basta basta sa babaeng yan" si Paul.

"tumigil kayo! Hindi nyo ba nakita!? Ilang beses syang binalakan barilin ng pulis. Kung kasabwat sya nun bakit sya babarilin? At niligtas nya yung buhay ko! Kaya wag na wag nyo sya gagalawin. Naiintindihan nyo!! Alis!"

Walang nagawa yung dalawa. Umalis sila kaya kaming dalawa lang ni Allen ang natira.

"wag mo na sila pansinin.. Sige. Hindi na kita palalabasin simula bukas dito ka na lang sakin"

Ginagamot nya yung sugat ko at halata kong nag aalala talaga sya sakin.

"bakit ka ba ganyan sakin??"

"anong bakit ako ganyan sayo??" si Allen

"pinapagawan mo ko ng masama tapos ngayon kala mo sino kang mabait na nag aalala sakin ngayon"

Ngumisi sya at di sumagot.

"allen.."

Tiningnan nya ko.

"k..kasi ano bang balak mo sakin.. Na ano.. Na gagalawin mo ko tapos pag pinagsawaan mo na ko ibibigay mo na ko sa mga kasama mo hanggang sa pagfiestahan nila ako ganun ba.." naiiyak na naman ako "gagawin mo bakong pokpok, kasi kung ganun patayin mo na lang ako"

Anlakas ng tawa nya sa sinabi ko.
"hahahahah! Bakit mo naman naisip yan .. Syempre hindi.. Hindi mangyayare yan. Akin ka lang at hindi ako hahatian ng iba ako lang gagalaw sayo in short"

Sinabunutan ko yung buhok nya kaya lang may sugat nga pala ako. Ansakit!

"aray ko haha!" si Allen.

"bakit ka tumatawa? Hindi mo ba naisip na baka ako nga yung traydor dito"

"hindi.. At alam ko hindi mo yun gagawin sakin.."

Sumakit puso ko sa sinabi nya
Nakakakonsensya.

------

Pagkagising ko. Sakto dumating si Allen at may dalang almusal.

"ayos na ba ang pakiramdam mo?"  tanong nya.

"o..oo ok naman ako" nakangiting sabi ko.

Hinalikan nya ko sa noo. "kumain ka na" sabi nya.

Tumayo sya at..

Ayan na naman sya. Naghubad sa harap ko.

"a..ano ba yan!" sabi ko.

"bakit? Magbibihis ako may problema ba?" sabi nya. Tinatanggal nya na pantalon nya. Pinapakita nya talaga sakin buset.

Fall in Love with a Criminal (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon